Nang makatanggap ng tawag si Chloe mula kay Angelo na nagsasabing dadalawin na naman siya kasama ang nakita niyang pusa na Rain, agad siyang nag-ayos ng sala. Malambot na mga kandila ang nagbigay liwanag sa silong ng kanilang bahay, at ang makapal na amoy ng kape ay nagmumula sa pintuan ng kanilang kusina habang ininom niya ang bawat patak nito.
Tinutok ni Chloe ang kanyang atensyon sa pag-aayos ng kanyang kwarto at kanilang bahay nang biglang kumalampag ang pinto. Agad itong bumukas, at doon ay naglakad si Angelo na dala-dala niya si Rain.
"Hi, ari ko liwat," surpresa ni Angelo dahil sa pagkakasabi nito sa telepono sa hapon pa to bibisita sa kanya, at agad nitong nilapit si Rain kay Chloe.
(Translation: "Hi, nandito nanaman ako ulit")
Hindi napigilang ngiti ni Chloe sa kanyang mukha. "Salamat, Angelo. Grabe aga ka pa haw? daw ido kag kuring hulag mo subong?" aniya habang hinahaplos ang ulo ng pusang kanina'y tanging si Angelo lang ang nakakayang lapitan.
(Translation: "Salamat, Angelo. Grabe bakit ang aga mo?parang aso't pusa ang dalawang 'to?")
Nagpatuloy sila sa kanilang malambing na pag-uusap, habang tinititigan nila ang kanilang bagong kasamang pusa na si Rain, dinagdagan pa ito ng pagmalabing nito sa kanilang dalawa
Naging mas bukas na ang loob ang ina ni Chloe kay Angelo nang makita niya ang anak niya na masaya sa mga kamay ni Angelo. Nauunawaan na nito ang dedikasyon ni Angelo para kay Chloe, at sa mga pag-uusap nila ay naging malinaw na ang layunin ni Angelo na hindi lamang ang simpleng pagmamahalan ang kanyang nais, kundi pati na rin ang makabuo ng seryosong relasyon kay Chloe.
Nagkaruon sila ng pagkakataon na magkausap sa hapag-kainan ng pamilya ni Chloe. Habang sila'y nagbukas ng mahabang usapan habang kumakain, napag-usapan nila ang tungkol sa hangad na propesyon ni Angelo.
Sinabi ni Angelo na ang kanyang ama ay isang doktor, ngunit pumanaw ito noong siya ay nasa kanyang highschool years. Isinalaysay ni Angelo kung anong kukunin nito propesyon sa hinaharap dahil sa kanyang namatay na ama sa isang aksidente sa kotse ilang taon na ang nakalilipas.
Dagdag pa ni Angelo "Isa ka-adlaw, mangin doctor ko cause I want to exceed him." habang pigil na pigil sa pagpatak ng bawat luha nito nung binuksan nito ang kanyang karanasan sa nakaraan
(Translation: "Isang araw, magiging doctor ako cause I want to exceed him")
"Ang hirap ng naranasan mo, Angelo," sabi ni Ina ni Chloe, habang nagpapalayok ang tingin, nag-aalaala sa kanyang sariling karanasan. "Pero alam mo, ang tunay na pagmamahalan ay nagbibigay ng lakas upang harapin ang mga pagsubok. At sa mga pinagdaanan natin, mas nauunawaan natin ang halaga ng pagmamahal at pamilya."
Hinawakan ni Chloe ang kamay ni Angelo at ngiting puno ng pasasalamat ay bumukas sa kanyang mga labi. "Love you Angelo!" rinig naman nito ang ina nito pero ngumiti din dahil nakikita nito ang kanyang anak ay masaya sa kamay ni Angelo
Bumalik ang ngiti ni Angelo at dahan-dahang nitong sabi "Mahal din kita" sabay tawa naman ng kapatid ni Chloe
Pagkatapos ng hapunan naglaan si Angelo ng maliit na kama para kay Rain, ang pusa. Iniwan niya ito sa kanilang bahay at inilapat sa bahay ni Chloe. "Updan ka kuno Rain samtang way ko, daw close gid kamo"
(Translation: "Samahan ka daw ni Rain habang wala ako, ang close niyo kasi")
Napaluha si Chloe sa kaligayahan at kinuha si Rain sa kamay ni Angelo. Ipinagpatuloy ni Angelo ang pag-aalaga kay Rain, at hindi matiis ni Rain ang mga pahalakhak at mga yakap mula kay Chloe.
Unti-unti rin namulat ang Ina ni Chloe kay Angelo. Sa mga araw na lumilipas, unti-unti nang nagbukas para kay Angelo at nagsilbing inspirasyon sa pagbabago ng kanilang buhay. Ang pagmamahal at dedikasyon ni Angelo para kay Chloe ay nagpatibay sa puso ng Ina ni Chloe, at sa oras na iyon ay marahan nang tinawag si Angelo ng Ina ni Chloe bilang "Anak."
"Talagang tinanggap ka na ng nanay ko, Angelo," sabi ni Chloe habang naglalakad sila sa kanilang tahanan. "Thank you napa-yes mo si mama, love you!" na may halong maligayang ngiti mula sa kanyang mga labi
Hinawakan ni Angelo ang kamay ni Chloe at ngiting puno ng pagmamahal ay bumukas sa kanyang mga labi. "Salamat, Chloe, sa lahat. Pinakita mo sa akin kung ano ang tunay na pamilya at pagmamahal."
Pumatak ang luha sa mga mata ni Chloe, at inabot niya ang kamay ni Angelo. "Nandito tayo para sa isa't isa, Angelo. Hindi tayo nag-iisa."
Sa pagtibay ng kanilang pagmamahalan, nagpatuloy ang pag-usbong ng mga kaganapan. Sa bawat pagsiklab ng araw, naging masigla ang buhay nina Angelo at Chloe. Kasama si Rain, ang kanilang pusa, naging mas masaya at makulay ang kanilang buhay.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, si Chloe ay patuloy na bumabangon mula sa pagkakabangon. Nang sumapantaha na ang ilang linggo, unti-unti nang nagkakaroon ng lakas si Chloe na makatayo at maglakad. Sa pamamagitan ng lakas nangagaling kay Angelo sa patuloy na pagbigay ng walang pasubaling pagmamahal
Nang dumating ang isang linggo, nagpasya silang mag-attend ng Sunday Mass sa kanilang parokya. Kasama si Angelo, Chloe, Ina ni Chloe, at kanyang kapatid na babae, nagmisa sila at nagdasal para sa mas magandang bukas.
Pagkatapos ng misa, naglakad-lakad sila sa kalsada at natagpuan ang isang naglalakihang mga sidecar na nag-aalok ng mga fish ball. Isang simpleng pagkain na nagdulot ng kaligayahan sa kanilang mga puso.
Bigla na lang, may dala-dalang lobo si Angelo na ibinigay sa kapatid ni Chloe. Tila ba ang simpleng regalo na iyon ay nagbigay ng malalim na tuwa sa kanyang kalooban na nagdulot upang tumalon sa kasiyahan
Nakita ang magandang instensyon ni Angelo ng Ina ni Chloe sa mula sa malayo habang bumibili ng fishball at paglapit nito dala-dala ang mga pagkain hindi na pigilan nitong sabihin "Salamat Angelo, mukang ang saya ni Kylie ngayon"
Habang naglalakad pauwi, nagpatuloy ang pagkakatuwaan sa pagsasakay ng lobo, at ang mga matang nag-aalab sa pag-ibig ay hindi mapigilan ng Ina ni Chloe. Siya ay biglang ngumiti kay Angelo, at ito ay isang ngiti ng pagtanggap at pasasalamat.
Sa kanilang pagbabalik sa kanilang tahanan, hindi mapigilan ng Ina ni Chloe ang sariling pasalamatan si Angelo. Pagkatapos ay pumasok siya sa bahay, ngunit si Chloe ay nanatili sa labas upang magpaalam kay Angelo.
Hinaplos ni Chloe ang pisngi ni Angelo at ngiting abot-hangin, sinabi, "Love you." Matapos ang mga simpleng salitang iyon, agad siyang pumasok sa loob ng bahay, iniwan si Angelo na nagmamasid sa kanyang malamlam na mga mata.
Nagmamadaling pumalayo si Angelo patungo sa kanyang bahay, ngunit hindi maawat ang ngiti na patuloy na sumisilayan sa kanyang mga labi. Sa paglisan niya, tila ba ang kanyang puso ay naglalakbay sa mga alon ng kaligayahan.
At ang kanilang pagmamahalan ay magpapatuloy, hindi lang sa kanilang buhay, kundi sa mga pamilya at bukas na naghihintay sa kanilang pagtahak sa landas ng pag-ibig.
To be continued.
BINABASA MO ANG
It's Raining In Iloilo | by Anthony Bueno
RomanceSi Chloe, isang dalagang taga-probinsya ng Capiz, ay handang magpatuloy sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa Iloilo City para sa mga susunod na taon. Dito niya makikilala si Angelo, isang lalaking spoiled at sadyang makulit na makakatagpo niya sa paa...