Chapter XIV : Ngaa siya gid?

651 16 1
                                    

Nagpapakita ang ikalawang araw ng kanilang pagbakasyon sa Guimaras Island, na puno pa rin ng mga kakaibang kaganapan. Maaga pa lang sa umaga, nagising sina Chloe at Jared upang maghanda ng kahoy para sa kampuhan na gagamitin sa pagluto ng mainit na kape. Sila ang naunang magising sa grupo, na nagpapakita ng kanilang kakaibang enerhiya para sa araw na iyon.

Habang nangongolekta ng kahoy sa paligid para sa kamp nila ay wala na silang makita dahil nagamit na nilang lahat ito, kaya sinabi ni Chloe kay Jared "Mangita pa ta kahoy kay daw kulang gid ni" sumangayon si Jared at dumeretso sila guba't upang maghanap pa

(Translation: "Maghanap pa tayo ng kahoy kasi kulang talaga ito")

Habang naghahanap ng kahoy sa gubat, nagising na rin ang mga kaibigan nilang na sina Angelo, Raiden, Eman, at Danie, na nagtataka kung saan sila naroroon. Samantala, sa gitna ng kanilang paghahanap ng kahoy, bigla na lamang nadulas sina Chloe at Jared, at sa isang iglap ay nahulog sila sa isang malalim na butas sa kagubatan.

Bunga nito, na-injure si Chloe at agad na sinubukan ni Jared na alagaan siya sa pamamagitan ng paggamit ng mga piraso ng tela mula sa kanyang damit na kanyang pinunit upang tustusan ang kanyang sugat.

Tinanong ni Jared si Chloe habang ginagamot niya ang kanyang paa na "Te okay ka lang? Damu gid nga dugo nagwa simo" ngumingiti si Chloe nguti makikita sa kanyang mga mata ang sakit na kanyang nadadama

(Translation: "Okay ka lang? Ang dami mong dugo nawala")

Sa loob ng ilang oras, nagsimula nang maghanap sina Angelo kasama ang kanilang buong grupo sa kagubatan, sa pag-aakalang baka naman sila'y nawawala. "Asta subong way pa sila nakabalik haw?" dahil sa pag-aalala ay hinanap nila ang buong guba't

(Translation: "Hanggang ngayon wala pa rin sila nakabalik?")

Sa mga sandaling iyon na sina Chloe at Jared ay nakakulong sa butas, tinanong ni Jared si Chloe kung bakit niya pinili Angelo. Biglang sumulpot ang isang mabilis na flashback sa kanilang alaala mula sa nakaraang tila'y munting malimutan na ni Jared, kung saan inilahad ni Chloe kung paano siya tumanggi kay Jared noong high school prom. Patapos na ang prom night doon at ilang oras nalang uuwi na silang lahat mula sa gabing yon.

Kahit alam niyang may nararamdaman si Jared sa kanya sa loob ng tatlong taon ng pagiging matalik nilang pagkakaibingan dalawa. Tinanggihan niya parin ito sa pagbulgar ni Jared na gusto niya siya sa loob ng tatlong taon at nagtanong kung pwede manligaw

"Gusto taka Chloe!" sigaw ni Jared sa kalagitnaan ng prom sabay sagot ni Chloe na "Sorry pro asta lang friends lang ta, nothing more nothing less" ng tinulak nito si Jared ng mahinahon

(Translation: "Gusto kita Chloe!", "Sorry pero hanggang friends lang tayo, nothing more nothing less)

Tinanggap ni Jared ang pagtanggi ni Chloe noon sa kanyang confession, na nagdulot ng pagkamuhi sa sarili ni Jared mula ng matanggap ang sagot na kanyang hinihintay kay Chloe. At hanggang ngayon tatak parin sa puso niya ang bakat ng sugat na kanyang nakuha mula sa nakaraan


Pagkatapos ng flashback, inilahad ni Chloe ang mga rason kung bakit niya pinili si Angelo sa halip na si Jared. Tinuligsa niya si Jared, anupaman, hindi bilang isang kaibigan, kundi bilang isang posibleng kasintahan. Sinabi niyang kung hindi siya magandang kaibigan, hindi rin siya magiging magandang boyfriend.


Natadaan ni Chloe ang pagiwan ni Jared sa kanya sa gitna ng matinding ulan dahil sa maliit na aasaran noong highschool at dahil doon na umuwi siya ng bahay na basang-basa sa ulan. "Bal-an mo man sang adlaw na to, gin-away ko ni Trisha tas ginlataw mo lang ko?" dadag pa nito "Tas ikaw pa gid ya may gana mangakig sakon ngaa akig ko"

(Translation: "Alam mo naman nung araw na yun nag-away kami ni Trisha tas pinanood mo lang ako?", "Tapos ikaw pa may ganang magalit sakin!")


Sabi pa ni Chloe habang tahimik na tahimik si Jared sa kabila nitong pwesto "Hindi tulad mo si Angelo; Kahit na nag-away na kami marunong parin siya humingi ng patawad mula sakin kaya sa tingin siya na eh alam mo bakit? Relationship requires forgiveness and understanding not only love" pagkatapos ng pagbato ng kanyang mga salita unting-unti na dumidilim na mga mata nito


Nagpatuloy ang kanilang usapan hanggang sa tuluyan nang mahimatay si Chloe dahil sa sobrang pagdugo ng kanyang sugat na kahit na natakpan ito. Limang oras matapos ng insidente, nakita sila ni Angelo kasama ang mga kaibigan sa hukay, kaya't sinimulan agad silang hilahin palabas bago pa umulan dahil ang langit ay puno ng dilim.


Nang makitang walang malay si Chloe, isinakay siya ni Angelo sa kanyang balikat at inilabas sa hukay. Dinala siya ni Angelo pabalik sa kampo kung saan sila tumutuloy upang hintayin ang ambulansya na dadala kay Chloe kanila sa ospital.


Sa sobrang nerbyos at kaba ni Angelo tinanong niya Jared "Anong nangyare bakit kayo nahulog sa malalim na hukay na iyong" sagot ni Jared "Naghahanap lang kami ng kahoy nun ng nahulog kaming dalawa sa ilalim"


Nang dumating ang ambulansya, binuhuhat ni Angelo si Chloe papasok ng sa loob ng ambulansya, pagdating ni Chloe sa ospital naadmit siya dahil madaming dugo na ang nawala sa kanya. Ang pagtitiis at pag-aalala ng buong grupo ay nagsimula habang hinihintay ang balita tungkol kay Chloe.


Ang mga pangyayaring iyon ay nagsilbing patunay sa lakas ng samahan ng grupo sa harap ng mga pagsubok. Samantalang naghihintay si Angelo sa pagkagaling ni Chloe hinding hindi mawala sa isip niya ang kaba na dulo't ng pangyayari


Sumulpot bigla si Jared na puno ng mga bandage sa katawan nito dahil nagtamo din siya ng mga sugat, natandaan ni Jared ang mga sinabi ni Chloe kaya't humingi siya ng patawad mula kay Angelo "Sorry gid Angelo, kung ako nalng isa nagkwa sang kahoy te tani okay pa si Chloe subong"

(Translation: "Sorry Angelo, sana magisa nalang akong kumuha ng kahoy edi sana okay pa si Chloe ngayon")


Sagot ni Angelo "Hambal man sang doktor krititikal siya pro mangin okay man siya" sabay pasasalamat kay Jared sa pagaalaga kay Chloe habang wala siya sa gitna ng kanilang insidente

(Translation: "Sabi naman ng doktor kiritikal siya ngayon pero okay naman siya")


To be continued.

It's Raining In Iloilo | by Anthony BuenoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon