Chapter 11: The Hearing and The First Anglican Council

24 1 0
                                    

Henry's POV


Matapos ang usapan namin ni Angelica or should I say, Minister Angelica of Finance, dinala ako ng mga pulis sa isang istasyon na may kalayuan sa business centers. Pagpasok ko ng presinto, ramdam ko na ang mga titig nila sa'kin. Dinala ako ng mga pulis sa isang high profile na kulungan. Ako lang ang mag-isa rito. Tinanggal na nila ang posas ko at ni-lock na nila ako. Tinignan ko ang buong paligid. Ang kulungan ko ay parang isang kwarto lang na maliit. May higaan at lababo. May upuan at lamesa na maliit lang. May sarili pang banyo. Napaupo ako saglit. Minasashe ko ang aking sentido. Sobrang bilis ng lahat ng nangyari. Kanina, nagtatawanan pa kami, ngayon, biglang kalungkutan ang nadarama ko. Anong pandarambong ang ginawa ko? Isang malaking kasinungalingan! Lies! Lies! Lies! Wala akong ninakaw na kung ano man sa yaman ng hari. Kung sa business ko man iyon, baka may nagtaksil sa'kin. Maraming pwedeng mangyari. May kinalaman ba si Charles dito? Ito na ba yung sinasabi ni John na mga paghihiganti ni Charles? Bakit ako? Anong ginawa ko kay Charles? Buntis pa ang asawa ko. Sinong mag-aalaga sa kanya? My God, why have You forsaken me? Humiga ako. Pinabayaan kong tumulo ang mga luha ko. Huling iyak ko nang maghiwalay kami ni Cheska. Akala ko, nasubukan ko na ang lahat ng paghihirap. Akala ko lang pala iyon, kasi may darating pa palang paghihirap. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa makatulog na ako. 


****

Kinabukasan, nagising ako ng maaga. Bukas na ang presinto. Hindi ko alam kung anong oras na pero alam kong 5:30 pa lang siguro ng maaga. May naririnig akong iyak ng isang lalaki. Alam kong sa kabilang kulungan ito. Sumilip ako sa bintana na may rehas at nakita ko ang umiiyak na lalaki. Kinausap ko ang lalaki.


"Hey, dude, why are you crying?" pinilit kong maging malumanay ang boses ko. Tumingin ang lalaki sa'kin at umiyak. Nagsalita siya pagkatapos ng ilang minutong paghikbi. 


"I'm an orphan. 18 years of age, I got out of the orphanage and tried to make a living. I stole until the police arrested me." na-touch ako sa sinabi ng binatilyo. Siguro, matagal nang walang kumukuha sa kanya. Hindi man lang siya binalikan ng mga magulang niya. Siguro, bunga siya ng mapusok na damdamin ng mga magulang nito. Kaawa-awang bata pero kawawa rin ang magiging anak ko. Hindi niya makikita ang kanyang ama. Ako. Hindi ko siya makikita. Nawala ako sa iniisip ko nang magsalita ang binatilyo. 


"Who are you?" tanong nito. 


"A husband, 26 years of age, a businessman, married and soon to be a father. I have built my business through sweat and blood, and now the whole fucked up government of London accuses me of plunder and non-allegiance to the Crown which I never did." kwento ko sa bata. Hindi umimik ang bata at sinabi niyang...


"You're lucky you'll see your child soon, if the government accusation is false, I hope you'll see your child soon because I don't want to see your child looking for his parent." sabi niya sa akin. Naiintindihan ko naman ang sinasabi ng binatilyo. Ayaw niyang maranasan ng anak ko ang mga naranasan niya na lumaking salat sa pagmamahal at pag-aaruga ng magulang. Biglang dumating ang pagkain namin. Kumain na ako. Simpleng itlog at tinapay ang almusal ko na may kape. Kinain ko na ito. Ininom ko na rin ang kape. Nilapag ko na lang ang pinggan ko at humiga na. May nagsalita sa selda. 


"Mr. Williams, you need to bathe, your case is on the hearing with the Parliament." Pumunta na ako sa CR ko at naligo. Pagkalabas ko, nakita ko na ang damit ko. Akalain mo yun, provided na nila ng coat and tie na susuotin ko sa Parliament. Nang matapos ko nang masuot ang damit ko, pinosasan na naman ako at in-escort-an pa. Grabeng security ang ginagawa nila. Nagpaalam pa ako sa binatilyo. Pupunta raw kami ng Parliament. Mga 30 minutes ang aking hinintay para maabot ang destinasyon namin. Napakaraming media ang nagcocover sa hearing ko na ito. Lumabas na ako at tumungo ako. Mabilis kaming nakarating sa loob ng Parliament at pumunta na sa session hall nito para sa hearing ng aking kaso. Pagkapasok ko ng session hall, maiinit na titig ang ipinukol sa akin. Mamaya, nagsimula na ang hearing. 

The Assault On My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon