Chapter 19: The Move

43 1 0
                                    

Andrea's View

Andito kami ngayon sa guests room ng bahay ng mga Williams sa London-- kung saan lumaki si Jill Henry. Palaisipan ngayon kung papaano namin maibabalik si Cheska. Kinuha kasi siya ng hari at para magawa niya ito, kinausap niya ang tatay at nanay ni Cheska. Sino ba naman kasi ang makakatanggi sa hari diba? Nandito rin sina Catherine at Ben. Ang mga magulang ni Cheska at ni Henry, si Ivan at ang boyfriend niyang si Francis, si Kate na kapatid ni Henry at ang boyfriend kong si John. Pinag-uusapan naming kung paano naming maibabalik si Cheska at Henry. Isang buwan na ang nakakalipas simula nang mawala si Cheska. Naibalita na nga sa BBC na may nililigawan nang babae ang hari at si Cheska 'yon. At ang punong ministro naming na si Charles? Ayun, na-huli cam na ka-holding hands si Henry na papasok sa isang restaurant.

"What if makipag-alyansa tayo sa mga terorista dito sa UK?" desperadong tanong ni Catherine.

Umiling ako.

"Hindi pwede. May sarili silang layunin at may sarili rin tayong layunin na hindi naman nila ikasisiya." Sagot ko sa kanya. Miski din ang mga magulang ng mag-asawa ay malalim ang iniisip. Nagsalita si John.

"Kung hindi natin makuha sa santong dasalan, daanin natin sa santong paspasan. Naisip na natin ang lahat ng legal na pamamaraan para makuha yung mag-asawa pero kontrolado ni Charles ang lahat. Medyo napaisip ako sa sinuggest ni Catherine na makipag-alyansa tayo sa mga masasamang elemento. Hindi natin kailangan ng terorista kasi madadamay tayo kapag nakipag-alyansa tayo sa kanila." Seryosong sabi ni John. Napatingin ako sa kanya. Ang gwapo talaga ni bibilabs ko but kidding aside, may point siya.

"So you mean, we need to allied with other bad groups like mafias and such?" tanong ni Ben.

"Exactly. It seems like His Majesty and his prime minister are allied." Sagot naman ni John. Napatahimik kaming lahat sa sinabi niya. Nakakagulat ang mga sinabi ni John. Tutal, alam naman niya kung pano kumilos si Charles kaya gamay na niya mga kalokohan ng isang yun.

"I agree." Sambit ni Ivan pero wala na siyang ibang nabanggit bukod pa do'n.

Natahimik na lang kami. Biglang umiyak si Joseph sa kabilang kwarto at tinakbo naman siya nina Mrs. Williams at Mrs. Jones. Napatingin ako kay Kate, 18 years old pa lang siya at nagmumukha na siyang 24 years old sa itsura niya dahil siya ang sumalo sa mga outlying branches ng Williams Housing and Establishment Company – na pagmamay-ari ng pamilya nila. May mga business advisors naman si Kate na tumutulong sa kanya sa pagpapatakbo ng negosyo nila. Junior High lang ang tinapos ni Kate pero hindi biro ang hinahawakan niyang mga kumpanya. When Henry succeeded his father managing their main branch of their business dito sa London, Kate succeeded his brother managing business in Manila at the age of 16. Nagulat ako nang magsalita si Kate.

"We cannot tolerate this. Ever since my brother have been treated unfair, the company's shares and stocks is going down. When, the main branch of our company has been made under the control of His Majesty's government, our stocks and shares plummet further towards the red line. Now, all of our bank accounts have been frozen by the government. Our company is suffering and is on the verge of bankruptcy. We have three months to save the company or we will rot ourselves in hunger and let my brother and sister-in-law suffer!" pumikit nang mariin si Kate para siguro pigilan ang kanyang luha. Alam ko na hindi biro ang hinaharap ng pamilya niya ngayon. Miski nga din kami apektado eh.

Nagalit ang fans kay Cheska dahil sa ginawa niyang pag-divorce kay Henry. Tinapos na ng recording company ang kontrata ng banda kahit may dalawa pang album ang natitira sa deal. Alam kong dahil ito sa mga nangyayari kay Cheska at sa pamilya namin. Oo, namin dahil naging pamilya na rin  samin sina Cheska at Henry. 

"During my two year stay in the Philippines..." napatingin kami ulit sa kanya.

"I have known every organizations there. Be it communist, liberal, Moro and other political affiliations. Recently, I have known an organization there named 7 Demons." Pagpapatuloy niya.

"They are very powerful gang in the Philippines and they're based at Martenei
University. Their supreme leader, Marcus Martenei, the owner of Martenei University, have allied themselves with a Russian mafia. I heard that the gang, through the help of the Russian mafia, brought down a Japanese mafia." Sabi ni Kate. Napanganga naman kaming lahat sa kanya. Bago pa maging patay ang atmosphere ay nagtanong na si John.

"So you're implying that we can have an alliance with this 7 Demons? How can you be so sure that a gang under alliance with a Russian mafia can help us bring back Cheska and Henry?"

Ngumiti si Kate at tumayo, revealing her beautiful business dress at nakabukas ang first two buttons ng business attire niya revealing her cleavage. Eh di ikaw na may malaking hinaharap. Char. For short, confident ang ate mo.

"Point taken, John. I have also plans of bringing back to us the couple that we love and toppling the government of Charles Hertsler and King John II."

"WHAT?! ARE YOU CRAZY KATE? YOU CANNOT TOPPLE A LEGITIMATE GOVERNMENT OF UNITED KINGDOM!? YOU ARE DRIVING INSANE! THIS IS NOT THE OPTION!" sigaw ng nakakatandang Williams.

"Point taken, dad. The question is.... Is the current monarch legitimate? Is the whole House of Regensburg have been murdered in that fateful night before the Queen's burial? Dad, I'm telling you. We have no other choice but to take a risk. We are doing this... not for us but for Joseph! I cannot fathom the fact that the child will grow up parentless! And sometimes, I cannot fathom that Joseph will see his parents divided and broken! Dad, please!" humagulgol na nang iyak si Kate. Inalo naman siya ni Catherine at Ben. Tumayo na si John at siya naman ang nagsalita.

"So guys, after these heated discussion on how to save Henry and Cheska, just raise your hands if you want to agree with our decision. Who wants to have an alliance with 7 Demons from the Philippines to help us bring back Cheska and Henry?"

Nagtaas ng kamay sina Catherine at Ben na inaalo pa si Kate, Ivan at Francis na magkaakbay pa, ako at si John. Ang hindi nagtaas ng kamay ay yung tatay ng dalawang mag-asawa. Hindi naman nakaboto yung dalawang nanay ng mag-asawa since inaasikaso pa si Joseph na umiiyak pa rin. Ang yes ang nanalo.

Nakita kong umiling ang matandang Williams at nagsalita. "I hate the way you solved this problem but I have to respect your decision. I hope you bring back my son and daughter." Umiyak na rin siya at inalo ni Mr. Jones. Lumambot ang puso naming roon. Nang mahimasmasan na si Kate, ngumiti siya at tumingin sa'min.

"Let's move, guys. We're doing this for Joseph."

AN: Hellooooooo! Nakapag-update na rin sa wakas! This chapter is dedicated to xakni_allyM for being my inspiration for bringing my writing hobby back to life again! Hi Ate! Tribute ko sa'yo yung pag-feature ng 7 Demons ditto sa story ko. All names na related sa 7 Demons will be credited to you po.


The Assault On My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon