Chapter 22: To San Francisco

25 1 0
                                    

John's View

Narito kami ngayon sa airport at lumuwas na kami papunta ng San Francisco, kasama rin naming ang magsyotang si Ivan at Francis. Ayon sa nakalap naming source, may asawa si Marcus Martenei at si Francis Jose ang napangasawa niya. May dalawa silang anak, si Jarius Vei at Ezekiel. Kinakabahan kaming lahat dahil do or die na ang misyon namin para sa San Francisco. Negative ang sabi nung Ryan samin kaya sana mapilit namin si Martenei sa plano namin o kami ang magdurusa.

May 12 oras kaming bubunuin para sa byahe at excited na si Ivan. Kinukwento niya ang mga adventure niya sa San Francisco nung mga panahong malakas ang raket niya sa modelling. Masaya naman si Francis sa mga kwento niy at minsan natatawa din kami ni Kate sa mga kinukuwento niya.

Makalipas ang mga oras at nakarating na kami sa San Francisco. Maganda itong siyudad at napakamoderno. Sumakay na kaming apat sa limousine at tinungo ang tahanan ng mga Martenei sa San Francisco. Habang kami'y bumabiyahe, nagkukuwento si Kate.

"We have also established business here in San Francisco, but due to him, it was all gone. I'm only taking care of the Asia-Pacific branches of our business. The other branches? Gone." Malungkot niyang sabi. Tumingin lang ako sa kanya at nagsalita

"I know this challenge to your family is difficult but I know you'll overcome it." Ngumiti na lang siya ng pilit.

Matapos ang ilang minuto, nakarating na kami sa tahanan ng mga Martenei. Unang tingin mo pa lang, alam mo nang marangya ang may-ari nito. Pumasok na kami sa kanilang tahanan at bumaba na kaming apat. Kumatok kami at bumungad samin ang babaeng na naka-maid uniform.

"Sino po sila?" tinitignan kami nitong babaeng ito na parang may tumubong kabute sa mukha namin.

"Hinahanap po namin si Marcus Martenei. May kailangan lang po kami sa kanya." Sagot ko sa babae. Umalis naman na ang babae at may lumapit samin nan aka t-shirt na lalaki na may kagwapuhan rin naman at naka-medic pants. Hmmmm. Doktor siguro to.

"Ikaw po ba si Marcus Martenei?" tanong ko. Hmmm. Pansin ko na asset ng lalaking ito ang mata niya, nakakadagdag pa ito sa kagwapuhan niya.

"Ay, hindi. Francis Sandoval yung pangalan ko. Sino ng apala kayo at bakit kayo naparito?" takang tanong niya.

Nagpakilala kami at sinabi naming ang pakay naming kay Marcus Martenei. Siya pala ang asawa ni Martenei. Maya-maya, dumating ang isa pang lalaki na may kagwapuhan rin naman pero ramdam mo ang dark aura niya dahil sa mata niya at overall itsura niya. Ito na siguro si Marcus.

"Oh. Ito pala ang mga tinutukoy ni Ryan?" wala man lang bati ang isang to.

"Alam kong may kailangan kayo, akyat kayo." Umakyat na kaming tatlo nina Kate, John at Francis de Stroganoff.

Nagpaiwan si Ivan para i-entertain si Francis Jose-Martenei. Pumasok kami sa office room ni Marcus sa bahay niya. Nang makapasok na kaming lahat sa kwarto, nagsalita na si Marcus.

"You know what, I'll contact the Russian mafia organization about your plans. But it'll be risky for them I think to fight for your plans. I might suggest to them that if they will not take a risk, they might contact another allied group based in Middle East to initiate your plans." Kung ganitong alanganin ang sinasabi nila at may iilang araw na lang kaming natira, kailangan ko siyang pilitin siya sa gusto namin.

"Sir, I know you're trying to help us but we need sure answers! We only have 12 days left for our plans!" sabi ko. Tumingin lang sakin si Marcus at sinagot ako.

"What is your plan then?" tanong niya. Sinabi naman ni Kate ang plano namin pati na rin ang Plan B. Nakikinig ng maigi si Marcus at pagkatapos nito...

"Okay, I know what you're insisting me on this matter and it's a deal. I will contact you within 3 days and give you updates."

"Thank you, Mr. Martenei." Banggit ni Kate at bumaba na kami. Masaya naming inintertain ni Ivan si Francis Jose. Matapos nito, umalis na kami sa tahanan ng mga Martenei at nagpasalamat. Bumalik na kami papunta sa airport. Habang lulang kami ng airport, nag-usap kami.

"So, what will gonna do now?" tanong ni Francis habang nilalambing si Ivan.

"Well, we will start our surpise to my brother and sister-in-law." Nakangiting sagot niya. Napangiti na rin ako at tinawagan si Andrea na nasa London at binalitaan tungkol sa napag-usapan namin sa San Francisco.

AN:

Hello po! Ito na po yung update sa "The Assault On My Love". This is my birthday gift to all of yo! <3 Sana magustuhan nyo kahit maiksi lang. :) Salamat sa pagsuporta sa mga gawa ko. Basahin niyo rin yung "If You Don't Mind" at "13 Days With Him", maganda po yan! :D 

The Assault On My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon