"Tara Gala! 'Di ka naman uuwi sainyo Sie diba?" bungad sa 'kin ni Madi kasama ang iba naming bestfriend galing ibang school habang nagbabasa ako ng reviewers. Napailing naman ako sakaniya at sinabing "Can't go, may gagawin ako sa orgs bukas."
"Putcha, acads nanaman? Huy Sie, last mong gala siguro nung party ni Era which was eventually 4 months ago pa. Have fun naman, don't stress yourself" pang c-convince sa 'kin ni Irene. "Sige, try ko." As usual eto nanaman ang sagot ko. "Oh ayan ha, siguraduhin mo yang ita try mo! Nakailang rinig na kami niyang style mong try ko pero ang ending M.I.A ka pa din!" Madi replied.
Hindi naman sa ayaw kong gumala. In fact I really love gala ever since then, pero there's this once instance in my life that happened all of a sudden that made me forget and leave my past lifestyle. Pero, tama din naman sila, ang tagal ko nang hindi gumagala, siguro it's time for me to have some little fun, kasi for sure aabot pa ng buwan ulit bago ako umalis o gumala. Kumain lang kami saglit sa cafeteria ng school namin at umalis na sina Era at Irene.
Pagka alis nila ay umalis rin si Madi at may classes pa siya. Iba kasi strand niya, HUMSS siya at ABM naman ako. Tapos na din naman ako mag aral, at na bored na rin, kaya I checked my socials, baka may mahanap na new long distance crush, charot!
Yeah, I prefer long distance crushes rather than a typical crush sa school. As much as possible ayoko maka hanap ng rason ulit para mag stay dito, quota na din ako sa mga pa ganyan! Sakit kaya nung sabik ka makita sila dati araw araw tapos bigla bigla makikita mo sa campus may jowa na pala. Kung sakanila inspiration yang crush sa campus, ako hindi kasi alam ko kasi tangang tanga ako dati dahil sa mga lecheng school crush na yan.
Saktong sakto ay nag dm sa 'kin si Chie sa IG, bestfriend ko from Manila.
@lvchie
woy, may bago akong cutie nakita. reto kita, g ka?
@siedump
pass muna lods
@lvchie
pass?? GRABE STACEY AMELIE IKAW BA YAN? THE WORLD IS HEALING !!
@siedump
ulol, tight lang ang sched ko 'no! 'di ko siya masisingit eme
@lvchie
sabagay, kaya ka na g-ghost
@siedumpok ghoster
@lvchie
wew, ako nanaman nakita.
@siedump
ikaw nanguna eh, sige na nga bye na muna. uwi lang ako
@lvchie
ay oo nga pala, Saturday bukas, ingat ka pauwi sa province!
@siedump
tangerks, sa apartment ako uuwi may gala ako bukas
@lvchie
wow grabe talaga parang nag iiba na ang ihip ng hangin, bumabalik kana sa dati mong gala era? sana may makita kang cutie
@siedump
ulol, pinagbigyan ko lang. hays sana nga may makita! chos, kahit may makita ako ayoko na ng crush sa malapit !! mas g pa ako sa irereto mo mwa
@lvchie
syempre, irereto ko na 'to oh
@siedumpmaka asta kang ganyan kala mo 'di puro failed talking stage nabibigay mo sakin
@lvchie
malay ko ba ha hatdog, sige na umuwi kana mag ingat ka tanga ka pa naman
@siedump
ok bitch bye pakyu
I turned off my phone and fixed my things before I went home. Pagkarating ko ng apartment. I took of my shoes and wore my slippers before heading to the table para ilapag ang mga gamit ko tsyaka ako pumasok ng kwarto at kumuha ng damit pang palit ko after maligo. Feel ko kasi ang lagkit ko na from school.

YOU ARE READING
Chasing Midnight Dreams
CasualeWhat are the things can you sacrifice for the sake of achieving your long time dream? Even if it takes on leaving the people you loved the most. Stacey Amelie Rivera, a senior high school student who used to live in a type of lifestyle where she cou...