The new kid

326 18 3
                                    


After party

"Babe ready ka na?" Rachel called to Mika. She wore a simple dress. Her girl tho, ang tagal mamili ng isusuot. "Bakit ba ang tagal mo mamili? Sino naman dapat mo i-impress dun?"

Rachel walked backed to their shared room at nakitang nakalatag yung mga damit ni Mika. She just sipped on her mango shake habang tinitingnan ang seryosong mukha ng girlfriend. Mika was able to narrow down into three choices na. Rachel sighed, kanina kasi mga sampu ang pinagpipilian.

"Kaya today, babe?"

"Shhhh. Wag ka magulo"

Natawa nalang si Rachel. Her girlfriend is concentrating.

"Papakilala daw ako ni Jheck sa bago kong karibal sayo. Kaya dapat presentable."

Nasamid si Rachel sa narinig at naubo ubo kaya naman nilapitan siya ni Mika at hinagod ang likod. "Are you okay?" Tanong pa nito at sinamaan lang siya ni Rachel ng tingin at tinulak nang bahagya.

"Parang tanga. Anong karibal?" Tanong ni Rachel nang makabawi.

"Ewan ko. You tell me. Anong karibal" sabay irap ni Mika. "Lagi nalang. Taon taon nalang may karibal sayo, beh"

Natawa si Rachel at nagkibit balikat. "Ako na 'to. Ano pa nga ba"

"Ang yabang mo" sabay bato ni Mika ng isang damit na hindi napili sa girlfriend.

"Sinong karibal ba kasi yang sinasabi?"

"Malay ko, ipapakilala pa nga lang sa akin mamaya. Wala naman talaga ko balak mag punta kasi wala naman kaming podium finish kaya lang yun nga sabi ni Dionela may ipapakilala siya. Tapos sabi din ng management punta kami."

Rachel looked at her girlfriend na para bang baliw ito.

"Saka invite din ako nila Ly at Pangs. Kahiya naman kung di ako pupunta."

"Pag ako nag invite sayo tatanggi ka?"

"Oo naman" mabilis na sagot ni Mika. "Pag ikaw, may sarili akong party para sayo. After party agad."

Mika grinned kaya nasabunutan naman siya ni Rachel.

"You pervert"

"Excuse me, sayo lang"

*****


Nakarating na sila sa venue ng party. Mika decided on a simple shirt and a casual jeans. Sinimangutan naman din uli siya ni Rachel dahil ang tagal niyang pinag isipan pero yun lang daw ang isinuot.

Mika stucked her tongue out na parang bata at pumasok na sila.

"Ware nag honeymoon pa ba kayo?" Sinalubong sila ni Jheck.

"Di naman, nag ayos pa kasi ako since may ipapakilala ka." Sagot ni Mika. "Dun ka na, babe. Lalambingin ko muna tong kabit # 1 ko."

Pinagsusuntok naman siya ni Jheck. Natawa na lang din si Rachel at nagpunta na kung nasaan yung iba nilang teammates.


"Oh? Ba't ikaw lang? Nasaan si Yeye?" Tanong ni Jovs.

"Nandun kasama yung kabit niya. Bakit mas nauna mo pa hanapin yun kesa sa teammate mo? Kakabit ka din ba?" Irap ni Rachel at kumuha ng ice tea.

"Grabe ka naman. Himala lang kasi di kayo magkadikit eh pag mga ganitong close party di kayo mapaghiwalay."

"May ipapakilala daw na karibal si Jheck kay Mika." Sagot ni Rachel.

Natawa naman si Jovs.

"May alam ka no?"

"Medyo?"

"Mga siraulo kayo."


Beauty and HarotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon