[LR] 8: One at a time

509 24 7
                                    


Mika

Not that I was looking forward to see her, pero hindi na nga si Rad ang sumusundo kay Celine. Bihira naman din talaga kaming magkatagpo sa pagsundo, nagkataon lang nung nakaraan. Actually, it was the first time, medyo na-late kasi ako ng labas sa office. Maaga ko naman nasusundo si Lily, may kinailangan lang talaga ako tapusin.

I busied myself, but not to the extent na kinalimutan ko na ang anak ko. I learned from Rad. Kids grow up fast kaya sinusulit ko habang malapit pa si Lily sa akin. Soon she'll make friends whom she would like to hang with the most, plus, share stories she doesn't want to tell me.


"Ma'am, may naghahanap po sa inyo." sabi ng isa kong ka-work.

"Sino?"

"Asawa niyo daw po."

Sa sinabi niya ay nasamid ako at lumabas naman siya mula sa likod nito at nginitian ako nang matamis. "Hi." bati niya at tumawa. "Want some water?"

Umiling ako. "Anong ginagawa mo dito, Rad?"

"I miss my wife."

Huminga ako nang malalim. I pursed my lips and forced a smile. "Napag-usapan na natin to, diba?" Tumayo naman ako at kinuha ang wallet ko. "Sakto pang lunch time ka pumunta, papalibre ka lang e."

Natawa naman siya muli. "Syempre. Alangan namang istorbohin kita sa oras ng trabaho. Di ka nag-iisip."


Tinuktok ko lang yung wallet ko sa noo niya saka iyon binulsa. Hindi ko sadyang hawakan ang kamay niya, nakasanayan nalang din siguro, pero hindi ko na rin binitawan.

It felt so fucking right. 

And somehow, I felt alive just— for a while.

Pumunta kami sa malapit na restau at umorder ng makakakain. Walang nagsasalita sa amin habang naghihintay, hindi ko magawang tanungin kung bakit niya ako pinuntahan.


"Mika." natatakot ako i-angat ang tingin sa kanya. "Babe."

Huminga ako nang malalim at tiningnan siya. "Rachel."

"I know, I know. It's just— I miss you. I miss us." She bit her lower lip at ibinaba ang tingin. 

I puffed my cheeks, still looking at her. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang department secretary namin. "Hello? I'm filing half-day today. I have important matters to attend to." napa-angat naman si Rad ng tingin kaya nginitian ko siya. "Babalik ako para kunin gamit ko, iwan mo nalang sa desk mga kailangan kong tapusin, ipapasa ko first thing in the morning. Sorry, I don't think I can manage to lose someone important kapag pinaglagpas ko ang araw na 'to." I chuckled a bit, but it felt like it. 


I can't push Rad further away when all I wanted is to hold her close to me. 

Bahala na.


"You won't lose me?" hindi niya siguradong sambit kaya natawa naman ako. 

"Ikaw ba?" sabay tawa ko at sumimangot naman siya. "Joke lang, napakamatampuhin naman ng taong to." lumipat ako sa tabi niya at kinuha ang kamay niya. "Pakiramdam ko nabubulunan na ako sa mga sinabi ko sayo." napailing naman ako at pinagdaop ang mga kamay namin at sinandal ang ulo ko sa headrest saka siya tiningnan. "Mali ba magkaroon ng tayo?" 

Her free hand held my cheek kaya hinawakan ko rin iyon. Umiling siya at ngumiti. "Anong mali? Paano naging mali?" 

Nagkibitbalikat ako. "I don't know." 

Beauty and HarotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon