Almost 7

1.2K 46 73
                                    


What happened to us?

We were almost there,
Aren't we?

I felt it ...

I thought you did too.

Who ever said
It's impossible to miss
What you never had,

Well, I really thought
That I almost had you.

And I miss you.

*****


Umuwi ako, empty-handed pati broken hearted. I sniffed, halos buong pollution ata nasinghot ko dahil walang humpay sa pagtulo ang luha ko. I threw myself sa aking kama, and clutched the bedsheet dahil pucha, sobrang sakit.

Damn this annoying feelings.

Damn you, Mika.

Hindi ka nag-iisip.

Sa dami rami naman kasi ng tao sa mundo, bakit yung taong may mahal na? Alam mo namang simula't sapul na hindi pwede, hindi maaari at tinutulungan mo lang naman siya pero bakit?

Tangina naman oh.

Nasabunutan ko na lang din ang sarili ko habang umiiyak. Dapat ang ending nito magkakabalikan sila tapos magiging masaya ako para kay Rad tapos ililibre niya ako kasi success.

But now I'm wishing na sana ako na lang. Na sana naging totoo na lang kung anong meron samin.

Nakatulog ako habang umiiyak, what a pathetic human being. Nang mapatingin ako sa oras ay late na pala ako para sa morning training namin kaya agad ako nagprepare at nagpunta na sa training.


"Sorry, coach. Late po ako nagising." Sambit ko at tiningnan lang ako ni coach Shaq. Oo na, alam ko namang mukha akong tanga ngayon dahil namumugto ang mga mata ko.

"Mag warm-up ka na."

"Ilan po additional laps?" Tanong ko dahil nga late ako.

"Hindi na, sige na. Bilisan mo, nang makasama ka sa kanila agad." Sagot niya kaya nagjogging na din ako.


Hindi ako nakakain ng breakfast kaya hinang hina ako, kagabi pa ako walang kain tapos kulang pa ako sa tulog, feeling ko anytime ay bibigay ang katawan ko.


"Ye." Tawag sa akin ni ate Ces dahil waterbreak na namin. "Bakit ka late?" Tanong niya.

"Late ako nagising ate." Walang gana kong sagot at kumagat sa baon kong tinapay.

"Hindi mo hinatid si Buday?"

Agad na rumehistro ang lungkot sa mukha ko habang nakatingin ako sa aking paa, ayoko tingnan si ate Ces dahil alam kong maiiyak lang ako. "Hindi po, kaya late ako nagising hindi ko na-set yung alarm ko. Alam mo namang tawag niya ang gumigising sa akin diba." Paliwanag ko dahil si Rad nga ang naging taga-gising ko.

Tinapik naman ni ate Ces ang likod ko saka ito hinagod. "Nag-away ba kayo?"

Umiling ako. "Hindi ate. Narinig mo naman yung balita diba?" I sighed. "Nakakainis." Halos maiyak naman ako kahit tumatawa. "Ate Jovs asked her to stay kagabi. Gusto kong pigilan siya pero hindi ko magawa. Sino ba naman ako diba?" Ramdam ko na ang pamumuo ng luha ko kaya nagpahid na ako at muling kumagat ng tinapay.

"Condolence." Sabi niya at napatingin ako sa kanya. "Condolence sa namatay mong puso."

Napaiwas na lamang ako nang tingin. Minsan talaga parang tanga ito si ate Cessy e. "Baliw ka." Sagot ko at tumayo na.


Beauty and HarotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon