CHAPTER THIRTEEN

7.7K 79 5
                                    

"Luckily, nahuli na 'yong nagnakaw sa inyo at ang nanakit sa lola mo." imporma ni Ate Janet habang nakatayo sa labas ng bahay namin para lang sabihin ang balita. Nabuhayan naman ang loob ko dahil sa napakagandang balita na inihayag ni Ate Janet. Mabuti naman, hindi ako makapapayag na hindi mahuhuli ang gumawa no'n kay Lola.

"Talaga po? Buti naman at nahuli na, asaan na raw po 'yung magnanakaw?" tanong ko rito habang nakakunot ang mga kilay. Nawa'y makulong ito ng mahabang panahon, para mapagsisihan ang ginawang kasamaan.

"Nasa kulungan. Ay, sige na mauna na'ko may gagawin pa'ko." saad ni Ate Janet at umalis na sa harapan ko. Napatanga nalang ako dahil sa naging kasagutan ni Ate Janet sa tanong ko. Tama naman si Ate Janet, nasa kulungan nga naman.

Habang wala pala ako'y kinakausap ng mga pulis si lola for investigation para mahanap at madakip ang salarin. Si Ate Janet din ang gumawa at tumulong sa'min na ipinagtataka ko.

Hindi ganoong tao si Ate janet wala nga itong pakealam sa'min. Ngunit, it suddenly changed. I can't believe that she helped lola and I. This is the first time Ate Janet did this. Ano kayang nakain no'n? Baka natauhan na? But I'm still thankful to Ate Janet sa ginawa nitong pagtulong.

Pumasok na'ko sa loob at isinara ang pinto. Tulog pa pala si lola. Anong oras pa kasi ngayon ala sais palang. Ipinagluto ko muna si lola ng umagahan at naglinis na rin ako ng buong bahay.

Hindi ko pa nasisilip si lola sa kwarto nito dahil naka-lock ang pinto. Marahil ayaw ni lola mag pa istorbo kaya nag-lock ito ng pinto. Ipinag sawalang bahala ko nalang iyon at naupo para magpahinga.

Minuto, oras na ang lumipas subalit hanggang ngayo'y tulog pa rin si lola at hindi lumalabas ng kwarto nito. Mukhang napasarap ng tulog si lola ah. Ngumiti nalang ako at iginala ang paningin. Tumayo ako at lumapit malapit sa picture frame namin ni lola. Kinuha ko ito at pinagmasdan. I'm still young at this photo, seven years old palang ata ako nito.

Taimtim kong pinagmamasdan ang litrato namin ni lola nang makaramdam ako ng malamig na bagay na parang yumakap mula sa aking likod. Mabilis akong napa harap dahil doon. Nagtaka naman ako dahil wala namang kung ano bigla lang lumakas ang simoy ng hangin kahit nakasara pa ang pinto at mga bintana.

Sa hindi ko mawaring dahilan bigla nalang akong nakaramdam ng kakaibang bagay. My heart beat so fast and suddenly I felt nervous for no reason. My hand begun to shake. Bakit biglang gan'to nararamdaman ko? I feel something will happen or already happen?

Mabilis akong tumakbo papalapit sa kwarto ni lola at kinatok ito nang kinatok. "la! Buksan mo 'tong pinto!" saad ko na kinakabahan.

"La! Andyan ba kayo sa loob please buksan niyo po 'yung pinto!" ani ko na naiiyak na dahil sa kaba. Jusko ano bang ginagawa ni lola sa loob. "la buksan mo 'tong pinto!" impit kong sigaw na nagmamakaawa na buksan ni lola ang pinto.

Dahil sa hindi pagtugon ni Lola, maslalong nagdagungdungan ang dibdib ko dahil sa kaba. Nagsimula na ring maglamig ang mga kamay ko.

Hindi na'ko nakapag timpi'y kumuha ako ng malaking bakal at ipinanghampas sa door knob ng pinto upang magbukas ito at hindi naman ako nabigo. Mabilis kong binitawan ang hawak kong bakal at binuksan ang pinto.

Gumaan ang pakiramdam ko ng kaunti nang nakita ko si lola na nakahiga sa kama nito. Napahinga nalang ako ng malalim at lumapit dito. Akala ko kung ano na ang nangyari kay lola. Hinawakan ko ang braso ni lola. Nabigla nalang ako ng maramdaman kong ang lamig niyon.

T-teka.

Mabilis kong kinapa si lola at halos manlamig ang buong katawan ko. Napatulala nalang ako at parang bigla akong nabingi.

Pleasured By The Twin Billionaires (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon