CHAPTER TWENTY (R-18)

24.4K 96 7
                                    


"Wala pa rin po ba si Vincent?" anong oras na lagpas seven p.m na wala pa rin si Vincent. He said earlier saglit lang siya, before he left.

Napatanong nalang tuloy ako kay aling Medina na kasalukuyang nag-aayos ng hapagkainan. Nanggaling ako sa may garden sa itaas pumunta ako rito para tanungin kong nakarating naba si Vincent ngunit wala parin pala ito. I'm starting to get worried about him.

"Baka naman po, maraming inasikaso Ma'am Cath kaya ginabi na." sagot ni Aling Medina sa'kin habang naglalagay ng plato sa lamesa. Napasinghal nalang ako saka lumapit kay aling Medina para tulungan itong mag-ayos ng hapagkainan. "Naku, Ma'am d'yan nalang po kayo ako nang bahala rito." pag-pigil sa'kin ni Aling Medina.

"Okay lang naman po sa'king tumulong," saad ko nang nakangiti. Wala namang nagawa si Aling Medina kundi ang hayaan akong tulungan siya sa pag p-prepare ng lamesa. Hindi por que meroong mga katulong ay hahayaan nalang ang mga gawain sa mga 'to. Isa pa, hindi ako sanay na pinagsisilbihan ako.

"Teka po Ma'am Cath, Sobra po ata ang nailagay niyong plato tatlong lang naman po kayo, bakit ho labing isang platito ang inilagay niyo sa lamesa." Saad ni Aling Medina habang kinakamot ang ulo.

"Sabay-sabay na po tayong kumain mamaya pagkarating ni Vincent. Ang lawak po kasi ng mesa tapos kaming tatlo lang po ang kakain kaya mas mabuting salo-salo na po tayong lahat na kumain." Nilagyan ko na rin ng tig-iisang kutsara at tinidor ang bawat platito habang si Aling Medina naman ay naglalagay ng mga baso.

"Hindi po ba magagalit si Sir Vincent?" pag-aalinlangan na tanong ni Aling Medina. "Saka nakakahiya rin po katulong lang naman po kami rito sa bahay parang ang sagwa naman ho kung kasabay namin kayong kumain." nakayukong ani nito habang halata sa mukha nito ang pag-aalinlangan.

"Mabait naman po si Vincent at Calvin kaya p'wedeng-p'wede kayong kumain kasama namin. Pero kung nag-aalinlangan po talaga kayo kahit ngayon lang po, sabay-sabay napo tayong kumain." Ngumiti nalang ako rito dahil ngiti lang din ang isinagot nito sa akin. "Asan po pala ang iba? Bakit kayo lang po ang naririto para mag-prepare ng lamesa?" takang tanong ko.

"Yung tatlo po'y nasa kusina nagluluto ng pagkain. 'Yung apat naman po'y 'di pa tapos sa kaniya-kaniya nilang gawain." tugon ni Aling Medina. "Sige po maiwan ko ho muna kayo." paalam nito saka umalis ng dining area para tumungo sa kusina.

Napatingin ako sa orasan, mag aalas-otso na ngunit wala pa rin talaga si Vincent nasa'n na kaya iyon? 'di man lang nagsabi na gagabihin pala siya nang uwi. Napahinga nalang ako ng malalim at naupo.

"Vincent told me, pa-uwi na siya." saad ni Calvin sa likod ko. Bigla-bigla nalang sumusulpot buti nalang at hindi ako magugulatin. Napatingin ako rito at sinundan ito hanggang maka-upo ito sa harapan ko.

"You don't have to worry, you look bother," sambit ni Calvin at na-upo na rin para damahan ako.

"Nag-alala lang ako. Anong oras na ta's wala pa rin siya wala man lang siyang pasabi. I called him earlier 'di naman niya sinasagot ang mga missed call ko." Mahina naman na natawa si Calvin. Napakunot ang noo ko rito dahil sa pagtataka anong meron, bakit natawa ang isang 'to? I shook my head and ignored it.

------

Mahigit eight thirty na naka-uwi si Vincent galing sa pinuntahan nito kanina. Kaya naunan na kaming kumain nina Calvin kasama ang mga maids.

"Bakit ngayon kalang?" salubong ko kay Vincent na naka-cross ang kamay habang nakataas ang isang kilay. Vincent chuckled and smiled at me. Mabilis itong lumapit papunta sa akin at mahigpit akong niyakap. Muli na namang bumalot ang amoy nito sa ilong ko kasabay ng kaniyang mainit na yakap.

Pleasured By The Twin Billionaires (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon