CHAPTER 01

224 45 33
                                    

SENA

Mainit na hangin ang sumalubong sa akin pag apak ko palabas ng eroplano. Matagal na panahon din ako sa America at ikalawang pagkakataon ko palang itong pag uwi sa pilipinas. Ang una ay noong 13 years old ako. At nangako ako sa sarili ko non’ na hindi na ako babalik pa pero tingnan mo naman, hindi mo talaga alam kung saan ka dadalhin ng panahon.

Naglakad na ako sa NAIA terminal at hinanap ang sundo ko. Bago ako umalis ay sinabi ni Papa na susunduin daw ako ng ‘Kuya’ ko dahil may importante itong lakad at hindi nya ako masusundo.

Which I doubt that he’ll listen. I know how much that guy loathes me.

Susunduin pa kaya ako nun?

It’s been six years nang umuwi ako at wala akong contact sa kanya magmula nang bumalik ako kaya hindi ako sigurado kung mamumukhaan ko pa ang kapatid kong yun.

Naalala kong may sinend palang picture si Papa bago ako bumyahe kaya napag desisyunan kong tingnan yun pero agad namang nahagip ng mata ko sa di kalayuan ang isang lalaking nakasuot ng shades at itim na facemask habang abala sa kausap nito sa cellphone. Hawak nito ang banner na may nakasulat na pangalan ko at greetings.

Nakasuot ito ng simpleng putting long sleeves na nakatupi hanggang siko at itim na pantalon pero fashionable ang dating.

Is this him? After all these years?

My half-brother.

Lumapit ako rito pero hindi nya ako napansin dahil abala parin ito sa kausap sa phone.

“…May lakad pa ako- anong oras na. Mapapagalitan ako. Ikaw na dito. Bilisan mo- Sige.”

Huminga ako nang malalim bago magsalita.

“Excuse me?” pagtawag ko ng pansin dito.

Humarap ito sakin at natigilan sandali. Ako naman medyo nagulat dahil sa tangkad nya..

“Hello! Miss Serenity Santos?” He asked with full smiles.

Napataas ako ng kilay sa tinawag nito sakin. He sounds like a stranger to me, well he is, since hindi ako lumaki kasama sila ni Papa. Medyo nagtataka lang ako sa paraan ng pakikitungo nito sakin.

“Serena Santos.” Sambit ko sa pangalan ko sa matigas na Ingles.

“Oh.”

Napatingin sya sa nakasulat sa banner na hawak nya at nakitang Serena Shion Santos ang nakalagay don. Napasulyap sya sa akin at ngumiti ng tipid.

“Ay, sorry sorry.”

Bahagyang kumunot ang noo ko sa inaasta nito. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may mali..

Kinuha nya ang dala kong maleta, nalanghap ko ang panlalake nitong pabango dahil don. He smells sweet yet manly, hindi masakit sa ilong.

Akmang kukunin din nya ang dala ko pang bag ngunit inilayo ko ito.

“I can manage.. Kuya.”

I thought he’ll be somewhat pleased about it but I saw his puzzled look.

Is there something wrong with what I said?

YOU ARE THE DREAM | N. PabloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon