Weeks passed at wala akong ginawa kundi magkulong sa kwarto.
Even before, mas gusto kong nasa bahay lagi, inuubos ang oras sa pagpapractice.
I lived in Madame Alice’s house, separate from my mom, it’s because she never supports my dream, gusto nyang mag aral ako at makapag trabaho ng maayos in the future. Dahil iniisip nyang wala akong future sa pagtugtog lang ng violin.
I love music, at kahit ilang beses na akong nanalo at unti unting nakakalikha ng pangalan ay wala parin itong kwenta sa kanya.
Bumuntong hininga ako, ngayong hindi na ako makapag patugtog ng violin ay talagang nabuburyo nako.
Minsan naririnig ko ang ingay ng mga kaibigan ni kuya sa labas dahil madalas silang bumisita, pero madalas ring wala. Si kuya Josh, kapag hindi nagkukulong sa kwarto nya at naglalaro ng computer games ay lagi namang wala sa bahay. Ewan ko kung saan nagpupunta. Si Papa laging out of the country dahil sa mga business trips nya.
Sa sobrang bored ko ay napag desisyunan kong lumabas at pumunta nang library.
Naligo na ako at nagbihis ng simpleng damit.
Nakasalubong ko sa living room si Ymir na naglilinis, binilin ko sa kanya na lalabas lang ako, sakaling may maghanap sakin.
Naglakad lang ako dahil walking distance lang naman daw ang pinakamalapit na library dito samin ayon sa gmaps.
Nang makarating ako sa library ay agad na akong naghanap ng magandang babasahin, gusto ko sanang magbasa ng mga classical novels pero naagaw ang pansin ko ng isang libro na nakalapag lang sa gilid, parang hindi ito belong sa section na ito ng library. Kinuha ko ang libro at tiningnan, interesting ang cover nito, a girl playing the violin and a boy playing the piano. It’s titled “Your Lie In April”. Tiningnan ko ang likod ng libro para basahin sana ang synopsis nang may mag salita sa harap ko.
“You’re into Manga’s too?”
Muntik na akong mapa atras dahil sa lalim ng boses nito. Nag angat ako ng tingin at nakita ang isa sa mga kaibigan ni kuya. The moreno one, he’s wearing a black bonnet, an oversized black t-shirt and baggy pants. He looks like.. one of those rappers.
“Kuya Felip? Am I right?” I asked.
Tumango sya at saka nagtingin tingin sa bookshelf.
Pero teka, Manga?
Binuksan ko ang libro at nakitang puro drawings ang laman nito. Stupid Sena, no wonder parang out of place ito sa bookshelf na to. It’s not a novel!
“Uh, actually, I just picked it up coz I find the cover interesting.” Pag amin ko.
Nandon parin sya at parang may hinahanap parin sa shelf.
“I know.”
Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Sumulyap sya sakin at ngumiti ng tipid.
Wow.. he looks like a snob and now I get to see his smiling face. I always had an impression of him that he’s one of those pa cool boys na feeling crush ng lahat. He’s got the looks okay? But I just feel like.. he’s a playboy.
“Alam ko kasi ako ang naglapag nyan dyan.”
Niloloko ba ko nito? So sa kanya pala ito? Binalikan nya pero hawak ko na?
Kinuha ko ang libro at inabot sa kanya.
“Here, I’ll give it back.”
Tumingin sya sa kamay ko at sa akin saka napako ang tingin nya sa likod ko.
Nagtaka naman ako sa tinitingnan nya kaya lumingon ako. I almost lost my balance when I bumped into someone, thankfully that person immediately held my elbows and steadied me.
BINABASA MO ANG
YOU ARE THE DREAM | N. Pablo
FanfictionSena had given up her dream for the sake of her promise. Now she was sent back to the Philippines to live with her father and half-brother. She needed to adjust to a new home, new university, new environment, and new people. She didn't know what mig...