CHAPTER 02

196 40 26
                                    

“Anak, I-I’m so sorry t-that I couldn’t m-make it to y-your r-ecital t-oday…” hirap na hirap nyang sambit.

Nananakit ang dibdib ko habang patuloy na bumubuhos ang luha ko.

“Mama, shh. Don’t talk anymore please?”

Umiling iling sya.

Sobrang dami nang dugo ang nawala sa kanya.

“Sena.. promise me that you’ll achieve your dreams.. o-okay?”

Tumulo ang luha ni mama habang sinasambit ang mga salitang yun.

Paulit ulit naman akong umiling iling.

N-no m-mama.. I’m sorry.. dahil hindi ko sinunod ang gusto mo, I’m so sorry! I should have listened to you.”

Hushh… I-it’s all my f-fault. I’m so s-sorry anak…P-promise me that you’ll go back to your dad… h-he can t-take care of you. P-patawarin mo n-na sya anak… S-start a new life… w-with your father…”

‘Ayaw ko..’

Gusto kong sabihin ang laman ng utak ko pero ayaw ko namang maging selfish.. ang mama ko, nahihirapan na sya.

P-promise me… Serena…”

She almost sounds like she’s begging for my answer, at alam kong yun lang ang hinihintay nya. Ayaw ko. Ayaw ko pa.

Pero sa huli…

Tumango ako.

“I promise… mama…” pilit akong ngumiti.

Nang masabi ko iyon, ngumiti sya sa huling pagkakataon..

Nagising ako dahil sa katok sa pintuan ng kwarto ko.

Bumangon ako sa pagkakahiga at kinusot ang mata ko, tiningnan ko ang oras sa wristwatch ko at nakitang alas otso na pala ng gabi.

“Pasok.”

Pumasok ang isang matangkad na babae. Kung hindi lang sya naka uniform nang pang maid ay baka napagkamalan ko syang nakatira dito.

Maganda sya at maganda rin ang hubog katawan. Mukhang magka edad lang kami o mas matanda sya nang isang taon. Mataray ang mukha nya at mukhang hindi kami magkakasundo.

Nang makapasok ito ay nakatingin lang ito sakin.

“Is there something wrong?” I asked.

Mistula itong bumalik sa huwisyo at ngumiti sa akin.

Oh. Akala ko ay tatarayan ako nito.

“Ah ma’am sorry po ang ganda nyo po kasi. Hehe.” Nagkamot ito ng batok at nahihiyang tumingin sakin.

Hindi ko naman alam ang sasabihin kung mag tethankyou ba o ano. Lagi naman akong nasasabihan non, noon pa. My dad is half spanish after all. Pero hanggang ngayon hindi ko parin alam pano sasagot.

“Nga pala ma’am, pinapababa na daw po kayo ni Sir para mag dinner, napahaba daw po ang tulog nyo pero hinintay po nila kayo.” Ngiting ngiti paring sabi nito.

Namilog ang mga mata ko. Alas otso na ah? Late na para sa dinner. Hinintay talaga nila ako?

Bumangon agad ako at nag ayos. Inayos nung maid ang hinigaan ko.

YOU ARE THE DREAM | N. PabloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon