PROLOGUE

15 0 0
                                    

Prologue

[BELLA'S P.O.V.]

BAKIT nga ba ako nandito? This is not supposed to be where I am right now. And also, hindi dapat ako nandito ngayon e. Dapat nasa bahay lang ako at natutulog! Ugh!

I sighed for the nth time. Hindi ko na mabilang kung pang-ilan ko na itong buntong-hininga. Mukha na talaga akong ewan ngayon. Basta ang gusto ko lang ay umuwi na! Period.

Gusto ko nang mayakap iyong malambot na malambot na malambot kong unan...

"Isabella! Ano ang ginagawa mo?" tanong ni Mama nang makita akong nakabusangot ang mukha habang nakahalukipkip.

Sasagot sana ako ng "nakaupo lang" pero 'wag na lang. Baka malagot pa ako nito.

Sa halip na sagutin siya sa tanong niya ay nagtanong 'rin ako. "Ma, kailan tayo uuwi?"

Naiinip na ako at nangangalay na ang pwet ko kakaupo. Hmph.

Narinig ko siyang tumawa ng mahina. Tinignan ko siya ng matalim. Pero mas lalo lang lumakas ang kanyang halakhak. Oh please, Ma. I just wanna go home. Hindi ba niya nakikita na ayaw ko na dito? Hindi sana ako nandito in the first place kung hindi lang niya ako pinilit na sumama. At talagang nadala ako sa mga magandang salita ni Mama para matangay niya ako dito.

Tsk.

After a minute, she finally stopped laughing.

"Atat na atat ka na yatang umuwi, nak? Hindi pa naman tapos ang party," nakangiting ani niya. Napairap ako sa aking isipan. Really? "Teka, pwede bang mag-antay muna tayo? Wala pa kasi si Serena dito. Remember her? You met her once at the mall." she added.

Yeah, right. How can I forget the name of the person that my mother always talked about when I was still a child? Si Tita Serena lang naman ang best friend ni Mama. Magkaibigan na sila simula noong highschool pa lamang. At masasabi kong napakayaman at maimpluwensiya ng pamilya nila. Sila lang naman ang may-ari ng mga bigtime investment companies and marketing companies dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Paanong nalaman ko? Duh, they are all over the news and magazine for Pete's sake!

One time, naikwento ni Mama sa'kin na si Tita Serena ang tumulong sa kanya noong pinanganak ako ni Mama. Walang-wala kasi si Mama noon at mukhang wala 'ding balak tumulong ang mga kamag-anak nami at tsaka kinailangan niyang mabayaran lahat ng mga hospital bills. Mabuti na lang at nandyan si Tita Serena at handang tumulong kay Mama nang mabalitaan niya ang miserableng sitwasyon niya. Isa pa, utang ko ang buong buhay ko kay Tita Serena. Nang dahil sa kanya, nakayanan ng Mama ko ang mga hadlang sa buhay dahil nandyan siya lagi sa tabi niya.

Too bad, I only met her once. At the mall when we were going on a shopping. And I can say that she's really sweet and amazing.

Huminga ako ng malalim. Naisipan kong pagbigyan si Mama, tutal gusto ko 'ring makita ulit si Tita Serena.

May lumapit sa amin na babaeng may kaedaran na, pero ang ganda niya pa 'ring tignan. Nakangiti ito habang naglalakad sa direksyon namin.

It's Tita Coreen, isa sa mga kaibigan ni Mama. Kaarawan ng pinsan niya ngayon at sa mansyon niya dinalo ang party.

"Grace! Nandito ka lang pala e. I've been looking for you everywhere!" she stated with a pout face. My mother, in returned just smiled.

"Sinamahan ko lang ang anak ko, Coreen." sagot ni Mama, tsaka tumingin sa akin. Tumingin 'din naman sa direksiyon ko si Tita Coreen at pagkakita niya sa akin, ngumiti siya agad ng matamis.

"Oh. Hi, Isabela! You must be feeling bored right now. I'm sorry for that..." paumanhin niya. "Oh! My daughter, Trisha, is around your age. She just got here. You know what? You should meet her!"

In Love With My TroubleWhere stories live. Discover now