CHAPTER 1

11 0 0
                                    

Chapter 1

[BELLA'S P.O.V.]

KASALUKUYAN akong nandito sa loob ng kwarto ko. Abala ako sa paglalaro ng chess sa laptop ko. Wala lang, bored kasi ako ngayon. Araw ng Sabado ngayon at kapag ganitong araw, wala akong masyadong ginagawa. I mean, nagawa ko na halos lahat ng mga gawaing bahay. Simula sa paglilinis ng bahay... paglalaba ng mga damit, paghuhugas ng plato, pagtutupi ng damit, pag-aayos at pagpupunas ng mga gamit sa bahay, pagpapakain ng alaga kong pusa... hanggang sa pagdidilig ng mga halaman sa labas.

Wala na akong ibang magawa ngayon kaya nabo-bored na ako. Hays. Hindi naman ako madaling mapagod kapag may gagawing mga bagay. Ang weird pakinggan pero mas mapapagod ako kapag walang ibang gagawin. Kagaya ngayon.

Wala sa bahay si Mama ngayon. Nagtatrabaho siya bilang isang restaurant manager ng isang sikat na hotel dito, Starstruck Hotel. Sakto lang naman ang sahod ni Mama para sa aming dalawa, sobra nga e. Kaya minsan, nagvo-volunteer si Mama sa isang charity program para mag donate doon sa mga nangangailangan. And I truly appreciate my mother for that. May  busilak siyang puso at handang tumulong sa mga nangangailangan. Binayaran nga niya si Tita Serena as a payback sa tulong niya noon.

Sobrang proud na proud ako kay Mama. Kahit mag-isa lang siyang nagtataguyod sa akin, hindi naman siya nagkulang sa akin. Kahit pagod na pagod na siya o kaya ay stress siya sa trabaho, hindi niya ako nakakalimutang kamustahin. She's always there for me. Noong bata pa lang ako hanggang ngayon, nandyan lang siya para sa akin. She was both a mother and a father to me.

And about my father...

Wala akong ideya kung nasaan siya ngayon. Kung buhay pa ba siya o patay na. Simula noong magkaisip ako, never ko pang nakikita ang mukha ng tatay ko. Ni pangalan nga ay hindi ko din alam. Wala 'ding picture na naitago si Mama patungkol sa kanya. At kung magtatanong man ako, ang lagi niyang sagot ay,

"Iniwan tayo ng papa mo at sumama sa ibang babae. Ni hindi nga niya alam na buntis ako sa'yo at magiging ama na siya. Sa madaling salita, wala siyang pakealam sa atin."

Hindi sinabi ni Mama iyong pangalan ni Papa kahit anong pilit ko sa kanya. Para daw iyon sa ikabubuti ko.  Kalaunan ay tumigil na din ako sa pagbanggit patungkol kay Papa. Alam kong nandyan pa rin ang galit at poot sa puso ni Mama. At naiintindihan ko naman iyon. Hindi sa nagtanim din ako ng galit kay Papa, pero kung sakaling may pagkakataon mang magkita kami, gusto ko munang marinig ang rason niya kung bakit niya kami iniwan ng ganoon ganoon lang. Depende na lang sa sagot niya kung ano man ang mararamdaman ko. Lahat ng tao may rason. At hindi dapat tayo madaling madala sa ating emosyon. Who knows that that person has a reason for doing that?

Kaya sa ngayon, ayaw ko munang magalit sa kanya.

Nabalik ako sa aking ulirat nang marinig ang boses ni Mama na nanggaling sa ibaba.

"Isabela! Halika rito! May maganda akong balitang sasabihin sa iyo," tawag niya sa akin. Haaa? Nakauwi na pala siya? Ang aga naman yata?

At anong magandang balita kaya ang sasabihin ni Mama sa akin?

"Sige po, Ma! Sandali lang at aayusin ko na muna ang higaan ko!" sigaw ko pabalik kay mama.

Dali-dali kong inayos ang higaan ko at niligpit ang laptop. Pagkatapos ay bumaba na ako ng hagdan. Agad kong nakita si Mama sa may kusina na nagliligpit ng mga pinamili niyang grocery.

Tinawag ko ang kanyang pansin. "Ma? Akala ko ba mamaya pa ang out mo? Alas 3 pa lang naman ng hapon, ah." taka kong tanong. Pabirong napabusangot ang mukha niya pagkarinig sa akin. Ito talagang si mama, ang childish.

"Ayaw mo na ba akong makita, anak? Ouch. Sinasaktan mo ang damdamin ko!" Nagdrama naman siyang nasasaktan siya habang nakahawak pa sa kanyang dibdib.

Cheesecakes.

In Love With My TroubleWhere stories live. Discover now