Chapter 3
[BELLA'S P.O.V.]
MY FIRST month in Havens University was hell. At kapag sinabi kong hell, literal na impyerno talaga ang naranasan ko while I was studying here. Because of that JERK who stole my first kiss last time, my dream of having a peaceful experience dito sa Havens, ay nawala na parang bula! Well, I expected that he was well-known and popular in this university, pero hindi ko din inakala na ganoon pala siya kasikat maging sa labas ng eskwelahan! May sarili 'nga siyang mga fans club dito, e. At sa isang buwan kong pananatili dito, mabilis ko 'ding nalaman ang kanyang buong pangalan.
Skyler Blaze Torres.
I also found out that he was part of a band. Along with his group of friends. Basically, kaya pala sila sikat maging sa labas, kasi aside sa nagpe-perform sila dito sa H.U., they also had gig performances out there. Not to mention na those jerks were freaking rich as heck!
And for the first few weeks of staying here, fortunately I haven't seen a single shadow of him. Dahil kapag nakita ko siya ulit, baka hindi ko mapigilan ang sarili kong gulpihin siya hanggang sa hindi na siya makakalakad.
"Look, sis. Siya 'yung girl na hinalikan ni Baby Sky, right?"
Baby Sky? Yuck!
"Yeah. And I even heard rumors that they have a thing going on with them..."
"What?! Are you serious? She's not even that maganda. I bet na she's just another play thing for him,"
"I know right! Mas bet ko pa 'nga si Summer kesa sa kanya, e. But of course, I don't want to see them together! Duh!"
Hindi ko na lang pinansin iyong dalawang babaeng nag-uusap sa gilid. Kahit pa sabihin ko sa kanila na hindi totoo 'yong chismis na 'yon, hindi pa din sila maniniwala. Actually, halos lahat ng nag-aaral dito, iyon ang tingin sa akin. Kaya sa ngayon, wala akong balak na patulan sila. Wala 'din naman akong magagawa kung iyon ang paniniwalaan nila. Basta, ang sa akin lang ay kung ano iyong totoo. At wala naman silang masamang ginawa sa'kin, maliban lang sa panlalait.
And me being with that asshole?! Dream on! Napakaimposibleng mangyari. Like, sino bang matinong tao ang gugustuhing makasama ang manyak na lalaking 'yon? Halos lahat yata ng masamang ugaling naisip ko, nasa sa kanya. Ano bang nakita nila para magustuhan ang walang modong lalaking 'yon?
Nakarating ako sa cafeteria kung saan namin napag-usapan ni Maegan na magkikita. Napagdesisyunan namin na sabay na lang kaming mag-lunch, tutal absent naman iyong teacher sa panghuli naming subject bago mag lunch, kaya may vacant kaming isang oras. Sa totoo 'nga, ngayon lang kami nagsabay ni Maegan kumain. Iba kasi iyong schedule niya sa schedule ko.
Nahanap ko agad siya sa bandang gilid na busy sa pagkukulikot sa kanyang phone. I called her, and she instantly smiled upon seeing me. Hindi ko na pinansin iyong mga panghuhusgang matang nakabuntot sa akin at naglakad lang patungo sa pwesto ng kaibigan ko. Nang makalapit ako, agad kong napansin na naka order na pala siya ng pagkain namin. Sabi niya kasi, it's her treat for me.
"Yes! Finally, nagkasabay 'din tayo!" She squealed like a kid. Umupo ako sa tapat niya. "Anong subject niyo ba ngayon at sinong teacher?" tanong niya.
"General Mathematics, Mrs. Caro." tipid kong sagot.
"Talaga? Buti na lang, hindi ko siya naging teacher. She's super strict, you know," Yeah, it's true na medyo strikta si Mrs. Caro. Isa 'nga siya sa gurong kinakatakutan ko dito. Pero masasabi kong maganda siyang magturo ng mga lessons and lectures dahil naiintindihan ng maayos ng mga estudyante ang kanyang tinuturo.
"You know what, Bell... Naiinis ako sa babaeng classmates ko kanina kasi ikaw iyong pinag-uusapan nila," Nanatili akong walang imik at nakinig lang sa kanya. Kasalukuyan akong kumakain. Siya naman ay umiinom ng inorder niyang milkshake.
YOU ARE READING
In Love With My Trouble
RomanceAfter an unexpected encounter that happened, Isabella's dream to have a peaceful life in her dream university; Havens University, completely vanished into thin air. All because of the doing of one person-a guy to be exact. Faced with many problems a...