Chapter 2
[BELLA'S P.O.V]
PALAISIPAN pa 'rin sa akin iyong inakto ni Maegan noong mga nakaraang araw. Lalong-lalo na iyong lalaking nabangga ko na nagsabing nahanap niya na 'daw' ako. Wala akong ideya kung sino iyon at kung para sa akin ba talaga iyong sinasabi niya. Or ako lang 'yung timang na nag-iisip na ako iyong sinasabihan niya?
But, either way, it sounded weird to me.
"Isabella, tapos ka na bang kumain?" Si Mama.
"Uh, patapos na po, Ma," Tumayo na ako. Nilapag ko iyong ginamit kong pinggan at kutsara't tinidor sa lababo para hugasan.
Ngayon kasi ang orientation day ng unibersidad. At bukas na bukas na iyong official start ng klase. "Sige, bilisan mo. Baka late ka na doon,"
Tinignan ko iyong wall clock sa may sala. Kahit nandirito ang pwesto ko sa kusina, malinaw pa rin naman kung saan nakatuon ang orasan. 7:15 a.m. Alas otso pa magsisimula iyong orientation.
Nang matapos akong maghugas, dumiretso ako sa taas kung saan naroroon ang aking kwarto para makapagbihis. Since hindi pa naman official start ng klase, okay lang kahit hindi muna mag uniform. At isa pa, wala pa din naman ang uniform ko. Makukuha ko lang iyon bukas sa registration office ng unibersidad. And I bet madami 'ring mga baguhang estudyante na gaya ko na hindi pa magsusuot ng uniform kaya hindi lang ako ang wala pang uniform ngayon.
Pagkatapos kong mag-ayos ng aking sarili, nagpaalam na agad ako kay Mama. Trenta minutos na lang kasi, at magsisimula na iyong orientation. Babyahe pa ako ng bente minutos bago makarating 'doon. Medyo malayo kasi ang eskwelahan sa bahay namin. At pagdating doon, hahanapin ko pa kung saan ihe-held ang event.
"Bye, Ma! Love you,"
"Mag-ingat ka, Isabella. Love you!"
I'm currently wearing a fitted shirt paired with a bomber jacket. Sa ilalim naman ay maong na pantalon at puting rubber sapatos. Nang nasa paradahan na ako ng jeep, timing naman ang pagdating ko dahil may jeep na nakaabang doon. Agad akong sumakay. Mabuti na lang talaga at hindi marami iyong tao sa loob. Nagbayad na ako't sinabi kay manong driver kung saan ako ihihinto.
Nandito na ako sa tapat ng Havens University. May nakikita akong mga estudyanteng papasok pa lamang sa malaking gate ng unibersidad at iyong iba naman ay nakasakay pa sa kanilang mamahaling mga sasakyan habang papasok sa loob. At masasabi kong speechless ako sa laki at ganda ng estruktura. Like, this is one hell of a palace, dude! How much more kung sa loob na?
Pumasok na ako matapos ipakita sa security guard iyong I.D. ko na nagpapatunay na isa akong estudyante rito. Kahapon ko lang 'to nakuha. It was delivered by mail to our house. Fortunately, I got it on time. Balita ko kasi na hindi nagpapapasok ang guard kapag nagkataon na wala kang I.D. Kahit madalas ka nang nakikita ng mga nagbabantay dito, still you're not an exception. Kahit magdahilan ka pang nawala mo ito, if there's no proof na nawala mo 'nga ito, hinding-hindi ka talaga papapasukin.
Ganoon kahigpit ang security nila dito. No wonder it's labeled as one of the most prestigious university here in the Philippines.
When I finally got a glimpse of what's inside, I was awestruck by its beauty and size. Sadyang napanganga pa ako. Napaka organized at linis ng paligid. May nakahilerang mga--- parang pink na cherry blossoms sa magkabilang gilid ng daan hanggang sa dulo kung saan nakatayo ang napakalaki at napakatayog na estruktura. May nakaukit sa pinakagitna nito na Havens University na pinapalibutan ng gintong disenyo. Ewan ko na lang kung totoo ba iyong ginto o hindi. Kahit matagal na pinatayo itong unibersidad, parang bago at maaliwalas pa 'rin tignan.
Woah! Fountain ba 'yan? Goodness! It really is! May fountain pa na nakapwesto sa gitna ng Havens University. Pinagmasdan ko ang paligid. Halos lahat ng mga estudyante ay may kanya-kanyang ginagawa. Iyong ilan, nakaupo lang sa mga benches na nasa gilid ng mga puno, iyong ilan nagchichikahan at nagtatawanan, may nagbabasa, may naglalakad lang, meron ding mag-isa lang sila, at iyong ilan naman ay parang walang pake sa paligid. Lumibot pa ang paningin ko sa kabuuan. May mga iba pang naglalakihang buildings na nakatayo sa paligid.
YOU ARE READING
In Love With My Trouble
Любовные романыAfter an unexpected encounter that happened, Isabella's dream to have a peaceful life in her dream university; Havens University, completely vanished into thin air. All because of the doing of one person-a guy to be exact. Faced with many problems a...