Chapter 19: Most Beautiful Illusion

237 11 1
                                    

"Lang?!"

Biglang tumayo ang babae mula sa pagkakadapa sa lupa at sinugod siya ng yakap.

"Lang, you came back for me." Humikbi ito at mas hinigpitan pa ang kapit sa kaniya. "I thought you're not coming back. Ang dilim sa kubo. Paggising ko ay wala ka na kaya tumakbo ako palabas. Akala ko ay iniwan mo na ako."

Parang namatanda na hindi siya nakagalaw. Nakabitin lang sa ere ang kamay niya na hindi alam kung saan ilalagay. Gulat na nakayuko, awang ang labi at nakatitig lang siya sa babaeng umiiyak na nakayakap sa kaniya.

Blangko ang kaniyang utak. It's traveling somewhere in the recent past.

Her touch is achingly familiar. Warmth filled his senses when he smelled her vanilla scent that he couldn't help but close his eyes.

Every second of every day for the last two years, he begged the gods to make him feel this kind of peace and serenity again he had only experienced with Cin.

Nang parang mahimasmasan ay natigilan ito at agad na bumitiw sa kaniya at nag-iwas ng mata sa hiya.

She adjusted her frames that were not the same as he remembered it to be.

"S-Sorry po Sir Langdon. Natakot lang po talaga ako."

"C-Cin..." he whispered when he finally found his voice.

"Yes po? Bakit po?" malambing na tanong nito, nagtataka na sa reaksiyon niya.

"Cin," Langdon drawled, making sure his eyes were not betraying him.

Makailang beses siyang kumurap para kumbinsihin ang sarili na namamalik-mata lang siya.

How could this be? It's impossible!

What's happening? Is it reality? Hindi ba ako nananaginip lang? Am I dead? Napatay ba ako ng mga humahabol sa akin?

That's the only acceptable explanation he could come up with because what else could it be? If he is still alive and breathing, why is Cin standing in front of him wearing that similar lovestruck expression whenever she's staring at him?

Ganoon na ba siya kagaling gumawa ng kwento at nabuhay niya si Cin at nabalik sila sa nakaraan?

Or maybe it's just a dream. Yes, it's just a dream. Napuruhan siguro siya sa ulo kaya ngayon ay wala siyang malay at nananaginip na lang.

"Are you real? Will you run away if I talk to you?" he asked in trance and moved to touch her face.

Sa tuwing tinatanong niya sa panaginip si Cin ay palagi lang itong tumatakbo palayo sa kaniya hindi gaya ngayon na ang lapit pa ng mukha nito at nakangiti pa sa kaniya.

"You... You're warm," he said, talking to himself when he reached for her hand. "You feel so alive, my Cin."

Humulagpos ang pagpipigil niya. Niyakap niya ito ng buong higpit at paulit-ulit na hinagkan ang tuktok ng ulo.

He doesn't care if she is just a dream or a figment of his imagination. Lulubusin na niya ang pagkakataong ito dahil baka bigla itong maglaho nang hindi man lang siya nakakahingi ng tawad dito.

 

Nang tingnan uli niya ito at may nababasa na siyang lambong sa mata nito. Alam na niya ang kasunod nito. Magigising na siya kaya dapat na niyang dalian.

"Cin, I'm sorry. I'm sorry for everything. I promise I will make everything right before I follow you, okay? Please be at peace there. Ako na ang bahala rito. Hindi ako aalis hangga't hindi ako nagbabayad sa mga kasalanan ko at hindi ko naitatama ang lahat."

 The Taste of Forgotten Love (Sweet Sin's Revenge 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon