"Lang, why do you have to do it? Why?"Nakalutang sa ere si Alcindra habang pinipilit niyang abutin ito. And then she started falling, her cries slowly escaping his hearing until all he heard was just a gasp coming from above him. And there she was, covered in blood. No, she's crying blood.
"Cin..."
"I love you, Lang. I will always love you."
And she started fading away.
"No, no. No... Cin! Cin"
"Cin!"
Habol ang hininga na bumalikwas siya ng bangon at agad na tiningnan ang eyeglass chain na palagi niyang itinatabi sa bedside table.
Bumangon siya sa katahimikan ng gabi at pinunasan ang pawis saka lumabas sa balkonahe para manigarilyo.
Binalikan niya ang panaginip. Iba iyon sa mga nakasanayan niyang mga eksena na dumadalaw sa kaniya gabi-gabi.
Kung dati ay nakakausap pa niya nang maayos si Cin, ngayon ay bigla-bigla na lang itong naglalaho. Dati ay palagi nitong sinasabi na pinapatawad siya nito pero ngayon ay may nababasa siyang galit sa mata nito.
"Why am I suddenly missing you here, Cin? What an idiot I am, acting like I didn't kill you myself," bulong niya habang nakatanaw sa madilim at sirang mansiyon ng mga Alcantara.
Ginambala siya ng isang tawag kaya medyo nawala ng kaunti ang atensiyon niya sa malayo.
"Sir, umatake na naman ang grupo nina Nathan Alcantara. Nasira po nila ang halos lahat ng mga camera."
Nagbuntunghininga siya saka tinitigan ang naka-expose na kamay na may iilang daliri na lang ang natira.
"Let him be," aniya at pumikit. Hinayaan niyang malunod uli ang sarili sa guilt.
"Pero sir, may bagong utos po si Sir Luca. Hulihin raw namin ang sinuman na magte-trespass lalung-lalo na sa security office."
Natigilan siya sandali bago dali-daling hinablot ang jacket at kumaripas ng takbo papalabas ng silid.
"Sino ang nahuli ninyo? Is it Nathan?" tanong niya ng nasa loob na siya ng kotse at tinanguan ang guwardiya na nagbukas ng gate para sa kaniya.
"Hindi sir. Babae po."
Babae.
Namigat sa pamimintig ang ulo niya sa narinig. A woman... Could it be her?
He bolted like a madman and arrived at the office within less than five minutes. Nadatnan niya ang mga tao na pinapalibutan ang babaeng nakatalikod at nakatali sa upuan.
"Untie her!" he shouted and came in front to take a better look at the woman who was throwing him a murderous glare.
"Tama ako. Lalabas ka nga ng lungga mo kapag una kang inatake!"
She freed herself from the rope. Namumula ang mata nito tanda ng sobrang galit.
A little bit disappointed, he sighed and motioned the men to leave them alone.
"You shouldn't be here, Alcantara. Leave."
Mabagsik itong tumayo at puno ng poot na tinitigan siya.
"Leave? I won't leave until I kill you, Langdon! Hindi ko alam kung bakit wala pang ginagawa sa iyo ang mga pinsan ko kaya ako na ang gagawa ng bagay na dapat ay matagal na naming ginawa. I don't care what happens to me now! I just want to kill you!"
Inilabas nito ang isang maliit na kutsilyo sa bulsa at walang pag-aatubiling sinugod siya. Umiwas siya rito sa unang pag-atake at nagbuntunghininga.
"Tatiana, please leave now. It will do no good to you if people see you here," payo niya rito nang nagpatuloy pa rin ito sa tangkang pagsaksak sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Taste of Forgotten Love (Sweet Sin's Revenge 2) [COMPLETED]
RomansaMawawasak ang dalawang taong huwad na katahimikan. May magbabalik na pamilyar na mukha mula sa nakaraan. Ang mukhang kinabaliwan niya noon ay siya ring magiging mitsa ng kaguluhan ngayon.