Chapter 9: Driving The Wedge

221 11 0
                                    

"Langdon!"

"Casindra!"

Naglapat sa huling pagkakataon ang kanilang mga labi at niyakap ang isa't isa. Hindi pa sana nila gustong humiwalay pero saglit lang na pumuslit si Cas paalis sa mansiyon nila at kailangan na nitong bumalik kaagad kung ayaw nitong makatunog ang mga kasama sa pagkawala nito.

"Tomorrow, six p.m., meet me here again. Don't bring anything to avoid suspicions. Nahanda ko na ang lahat. Makakaalis na rin tayo dito sa wakas, Cas. I'll bring you to California first and then we'll head to Monaco right after."

Tumango ito sabay ngiti ng puno ng pag-asa.

Her smile melted his heart once more as he surveyed her face. "Matutupad na ang ipinangako ko sa iyo, Cas. We'll be leaving from this godforsaken place. We'll start to build our own family away from here. Wala nang pipigil sa atin. I could openly give you flowers and gifts when we're there. I could date you wherever I want. We'll be happy there. Just you and me."

"I know Lang and I can't wait to love you freely without fear." Hinaplos nito ang tiyan. "We will raise this baby together with love. We'll nurture our baby with the same love we're giving each other."

Hinaplos niya rin ang pipis pa nitong tiyan nang buong pagmamahal. The moment she told him she's pregnant, that's when his desire for leaving intensified. He can't let their baby be born in this kind of place. Gusto niya itong bigyan ng normal at masayang na buhay malayo sa pangingialam ng dalawang pamilya.

They will never go back here until peace is restored between the clans.

He's scared and he knows Cas has reservations too but they'll go by. Being young doesn't mean they couldn't be responsible. May pera siya. He's got savings that were out of his family's reach. Handa rin siyang tulungan ng tiyuhin niya.

Natagalan lang ang pag-alis nila dahil kailangan niyang itaon iyon sa kaarawan ng abuelo para mas madali silang makatalilis paalis. Karamihan sa mga security detail nila ay ma-a-assign sa Los Ojos kaya magkakaroon siya ng pagkakataon na lingatin ang mga naiwan.

Tomorrow is the day Casindra said yes to him. It's their first anniversary together and he took it as a good sign that their plan will go smoothly as they want it to be.

"Langdon!"

"Casindra!" tawag ng kanilang mga bantay sa kanila.

"Please be safe. I love you," ang huli niyang nasabi bago binitawan ang mga kamay nito.

"I love you too," she replied and ran towards the opposite side where Tatiana was calling for her name.

Sinilip niya muna mula sa kakahuyan kung papasok na ba ang dalawa sa ari-arian ng mga Alcantara bago siya lumabas ng lungga para puntahan si Sergio na natahimik na sa kakatawag sa kaniya. Iyon pala ay busy na ito sa kakakiliti sa dala nitong alagang daga na si Romy.

"Ang tagal mo! Papakainin ko pa itong si Romy."

"Akala ko ay ipapakain mo kay Jenny," tukoy niya sa alagang reticulated python.

"Ang sama mo!" Ipinasok nito ang daga sa loob ng t-shirt saka siya binatukan.
"I don't know why Casindra loves you. Anghel iyon tapos ikaw demonyo. Bulag nga talaga siguro ang pag-ibig."

 The Taste of Forgotten Love (Sweet Sin's Revenge 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon