34: Greatest Betrayal

178 7 0
                                    

The door flew open and Langdon came rushing into the living room to check where the kidnappers were hiding both Cin and Cas.

Ngunit hindi si Cin o si Cas ang bumungad sa kaniya. Sitting on his kitchen counter is none other than Luca smoking his weed and filling his entire house with its nasty smell.

Ngumisi ito nang matagpuan niya ang mga namumungay na mata nito.

"Langdon, kaya pala ayaw mo akong papasukin sa bahay mo noon ha. May itinatago ka pala talaga. Tama talaga ang hinala ko."

Inilang-hakbang niya ang pagitan nila ng pinsan at itinutok sa ulo nito ang baril at sa nanlilisik na mata ay nagsalita.

Wala na siyang maramdaman na kahit ano dito. Kapag nalaman niyang kinanti nito si Cin ay papatayin niya ito sa isang kisapmata.

Nevermind that they were once best buds. He doesn't care if they're cousins. Dadanak ang sariling dugo nito mismo sa bahay niya.

"Where's Cin?! Tell me she's safe or else I'll blow a hole in your head. Hindi ako nagbibiro, Luca. Tell me where she is!"

His chest was heavily heaving as he waited for his answer but instead of giving one, Luca just laughed and began clapping his hands.

"Langdon! Ang galing mo! Ang galing galing mo! What a show! It was just my joke when I told you to blow the Los Ojos but you actually did! You burned that whole mother fucking place down, you asshole!"

Tumawa ito na parang baliw at nagbuga ng usok sa mukha niya. Hindi siya tuminag sa pagkakatutok sa baril sa sentido nito.

"Ano pa ang mukhang maihaharap mo sa pamilya? And you dare to even challenge me into getting the leadership? You're weak Langdon boy just like your father!"

Luca burst into another laughter. Walang buhay ang mga mata na ikinasa niya ang baril.

"Tinatanong kita kung nasaan si Cin," malamig niyang saad.

Alam naman niya na sa sandaling gawin niya iyon ay wala na siyang babalikang pamilya. It's over for him and his plan.

"Oh, yeah. I forgot that you're here for her. Pero alam mo, Langdon. Bilib din ako sa iyo. Tinuhog mo ang magpinsan. Grabe ka. You know, I should not be surprised anymore, you are your father's son after all. Kilala ang ama mo na isang pabling."

Walang kurap na pinaputok niya ang baril sa kisame. Nahulog ang bombilya na sinalo ng ulo ni Luca. Tumagas ang dugo mula sa napunit na noo nito.

"Sagutin mo ang tanong ko, Luca. Where's Cin?"

If he won't reply now then he'll surely plant all of the bullets in his head. He was already a murderer. He didn't mind being one once again.

Sinalat nito ang sugat saka napailing. "I guess you weren't really joking." Pumalatak ito. "Pero hindi mo man lang ba hahanapin ang first love mo? It's painful, you know. Being forgotten just because you learned to like more the other one."

"Where's Cas and Cin?! What did you do to them?!" He forced the words out of his mouth. Sa puntong iyon ay namanhid na talaga siya.

Hinawakan nito ang barrel ng baril niya at inginuso ang tao sa likuran niya. "Why don't you ask her herself?"

Lumingon siya sa kaniyang likuran at tuluyang nabitawan ang baril. Mas lalo niyang naramdaman ang kapaguran.

Luca snorted and went down from the counter to put his arm around her who just smiled at him.

"She's really a good girl. She readily agreed to my plan."

He went to tap his shoulder.

"Ah, I really have to go now. Langdon, my cousin, thank you for the show! I love it very much! Phenomenal! You exceeded my expectations."

Hindi pa rin makapaniwala na tinitigan niya ang mukha ng babae. Ni hindi niya napansin na kanina pa umalis si Luca.

Nakatitig lang siya sa babae na nakatitig din pabalik sa kaniya.

How... How could she do this to him? How could she betray him like this?

Was she really just pretending all along? Ano ba ang totoo sa mga ginawa at sinabi nito?

Is this what her plans are?

"What's the meaning of this? What's happening? How could you do this?" Napilit pa niya ang sarili na magtanong.

Suddenly, his phone in the pocket started ringing but he didn't have the energy to answer it. His mind is in a limbo trying to process her reasons.

"Come on, Langdon. Answer it," she urged him and leaned on the doorframe.

Wala sa loob na kinuha niya ang cellphone at sinagot, ang mga mata ay nakatitig pa rin sa babae.

"Hello," anas niya.

"Asturia, hindi ka tumupad sa usapan. Nasaan ang pinsan ko?!"

He blinked when he recognized Lucindra's voice. Kinagat niya ang labi nang maalala ang usapan nila.

"I'll take her to you safely. Nagkaaberya lang."

Nagbuntunghininga ito sa kabilang linya. May iba pa itong sinabi pero iisa lang ang rumehistro sa kaniya. Na matagal na pala siyang ginagago ng babaeng kaharap niya ngayon.

Kasabay nang pagbaba ng cellphone niya ang pagngisi ng babae mula sa pintuan.

Nag-igtingan sa galit ang buong mukha niya.

How could she do this to him? Why did she betray him?

"You dare to forget me, Langdon?" she said bitterly. "I called you many times for you to come and check me out but you didn't even have the heart to return my calls. Bakit mo ako ginaganito? Ako ang nauna! Ako lang dapat ang mamahalin mo sa buong buhay mo!"

Tumulo ang mga luha nito. "Ano iyon, Lang?! Iiwan mo na lang ako basta-basta dahil mas mahal mo na siya sa akin?!"

Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatitig dito. Nagdurugo ang puso niya sa bagong nalaman. Her tears looked so real like she really mean them. How could Cas betray him like this?

Ngumisi ito nang pagkalaki-laki saka humalakhak. "Is that what you're expecting to hear from me, Asturia?"

Nag-iba ang boses nito. Naging malaki. Magaspang. Malayo sa malambing at kalmadong boses na nakasanayan niya.

Doon na niya kinuha ang baril sa sahig at itinutok rito.

Naipon na ang mga luha niya sa gilid ng mga mata pero hindi niya ito hinayaang bumagsak.

 The Taste of Forgotten Love (Sweet Sin's Revenge 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon