CHAPTER 1: Moon-Lee

34 1 0
                                    

Bright's POV
"Anak, okay lang yan. Madami pang lalaki dyan tsaka andito naman kami. Hindi mo sya kawalan." Umiiyak ako habang yakap ni mama ngayon.

"Bright you should not waste your tears. Hindi mo sya dapat iniiyakan." Tama si dad pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Naghiwalay kami ng lalaking yun. Pinaglaban ko sya kay dad pero ngayon nahihiya na ako dahil sa ginawa nya sakin. Dad's right he's not worth crying for.

"Pero sabihin mo sakin kung sinong nagbigay ng panyo na ito." napatingin ako kay dad na may hawak na panyo. Yun yung binigay ng lalaking nakabanggaan ko bago umuwi.

"Yung lalaki po. Sabi nya pa nga I should not cry in front of him again eh." Tumango lang sya.

Iniwan nila ako dito sa kwarto ko pagkatapos. Kailangan ko daw magrest dahil may work na naman ako mamayang gabi. Kasal na sila mama at daddy, 10 years ago. I'm so happy for them na kahit sobrang daming pagsubok na dumating noon ay nalampasan nila. Si papa Grey yung sinasabi nyang hindi sya magaasawa ayun hindi natupad dahil nakabuntis sya. But I'm so proud of him dahil pinanindigan nya si tita Gracy at ngayon sobrang inlove sila.

"Ate, you cried daw?/ate who made you cry?" Napabangon ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Gosh kagulat naman!

"Come here." Nang makabawi ako ay pinaupo ko sila sa kama ko.

Ang kambal kong kapatid. Brian Alexander and Brix Alizander. Parehong 8 years old syempre kambal nga eh. I'm now 18 kaya nagmumukha akong ateng ina kapag ako ang tinatawagan nila para sumundo sakanila. Mas gusto daw nilang ako ang sumundo kesa sa parents namin dahil naglal*ndian daw kase sila dad sa kotse. Nakakadiri daw kase.

"Your kuya Andrew broke up with me." Naramdaman ko ang maliit na kamay ni Brix sa pisngi ko.

"Ate don't cry." Napangiti ako. They're so sweet pagdating sakin.
"And we never called him kuya, ate. We saw him kaya kanina may kasamang babae." Mas lalo akong napaiyak sa sinabi ni Brian.
"Sabi sayo wag mo na sabihin eh!" Yung iyak ko napalitan ng tawa nang magaway sila sa harapan ko. Ang cute kase nila.

"Wag na kayo mag away." Tigil ko sakanila. Baka kase magkasakitan pa ako pa mapagalitan ni mama pag nagkataon.

"Ate can we sleep here tonight?" Tumango lang ako.

Nauna pa silang pumwesto ng higa bago ako kaya natawa ako. Nawawala ang sakit na nararamdaman ko dahil sa mga kapatid ko. Niyakap nila ako nang makahiga ako.

Goodnight everyone
Zzzzz

His POV
Nakatingin lang ako sa bahay ng mga Lee habang nagyoyosi. Matagal ko nang binabantayan ang babaeng anak ng mga Lee. Stalker ba? Matagal ko na kasing gusto ang babaeng iyon pero hindi ko alam ang pangalan nya. I don't have the courage to ask though.

*Ring*
Napatingin ako sa cp ko nang magring ito. It's my gangmates kaya sinagot ko agad.

"Hello" bungad ko
Joker: Ace nasan ka?
Me: dati
Spades: bro, may laban tayo mamayang gabi 7pm sharp.
Jack: pumunta ka na dito lover boy hahaha
Me: shut up, Wayne.
Jack: oh come on don't call me Wayne.
Me: tsk.

Binaba ko na ang tawag. I need to go hindi pa naman sya lalabas dahil mamaya pang 6pm ang shift nya. I know her schedule dahil sa 5 months kong pagbabantay sakanya ay alam ko na lahat tungkol sakanya. Her ex is our enemy kaya hindi ko sya malapitlapitan dahil baka may gawin syang masama sakanya.

To be continued...

***
Pasensya na medyo mabagal ako mag update dito. Please vote and share. Thank you!!

iamfyre

HTID: Falling In Love With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon