CHAPTER 4

17 1 0
                                    

Bright's POV
Palabas na ako ng hospital at uuwi na ako. Hays gusto ko na lang talagang matulog buong araw. Sana walang pasok ang kambal at hindi ako ang tawagan para magsundo mamaya.

Wala namang big deal sakin kung ako ang sumundo pero kase medyo pagod ako. Akalain mong patapos na duty ko 1hour na lang eh tapos bigla namang may sinugod na matanda. Inatake daw sa puso edi tinignan ko at kung ano ano pang ginawa ko sakanya. Ayus na sya pero kailangan nya maadmit para maobserbahan sya. Pinalitan ako ng isang cardiologist din para sa mga explanation na kailangan malaman ng family ng pasyente.

"Bye doc." Paalam sakin ng guard sa may exit door naming mga doctors. May sarili kase kaming exit door papunta iyon sa mga sasakyan namin. Pero yung mga walang sasakyan ay may service naman ang hospital. I requested it to papa Grey may mga katrabaho kase akong mga nagkocommute lang eh.

Sumakay ako sa kotse ko para makauwi na. Hays.

Black's POV
May nakita kaming puting kotse na palabas ng building. Ito ang nakita kong minsan nang ginamit ni Painne maybe sya ito.

"Master inaantok pa ako dahan dahan naman sa pagmamaneho." Reklamo ng mga kasama ko dahil sa mabilis na pagpapatakbo ni Painne ay hindi ko namalayang matulin na pala ang takbo ng van namin.

Ano bang nakain ng babaeng ito at napakabilis magpatakbo?

"Sh*t!" Napapreno ako nang may biglang humarang sa harapan namin.

Sino ba mga to? Tsk. Nawala tuloy sa paningin ko si Painne.

"Ano ba black--- sino ba mga yan?" Nagising silang lahat dahil sa biglaang preno ko.

"Labas dyan! *Blag*" ano ba kakapaint lang nyan!

"Tsk." Lumabas ako at sumunod naman ang ibang kasama ko.

"Ano bang problema nyo?" Walang emosyon kong tanong.

"Kilala nyo ba si Karl?" Yung green ang buhok

"Yung nasa hospital ngayon?" Axel

"Yes. Yung binugbog nyo." Tsk

"Eh ano ngayon?" Miles

"Kapatid ko sya." Ah so ano ngayon kung kapatid nya? Maghihiganti sya?

"Walang nagtanong." Lexus

"Gusto kong malaman kung sino ang sumaksak sakanya." Nanggigigil nyang tanong.

Teka sumaksak? Binugbog lang namin sya.

"Anong sumaksak?" Lexus

"Ginawa nyo nakalimutan nyo?" Bigla syang sumugod na dahilan ng hindi ko pagkailag.

"F*ck!" Pumutok ang kilay ko sa ginawa nyang pagsuntok. Pero pagkatapos nun ay umilag lang ako at naghahanap ng tyempo.

Suntok lang sya ng suntok at iniilagan ko naman yun. Ganun din ginagawa ng mga kasama ko. Iniiwasan naming lahat magkaroon ng sugat o kahit ano dahil parepareho kaming ayaw sa hospital. Nakakapasok kami pero ayaw naming mamalagi dun kaya kung maaari ay wala dapat kaming matamong kahit anong malalim na sugat.

Nakahanap ako ng opening nang hindi agad sya nakabawi sa lakas ng pinakawalan nyang suntok na hindi naman umabot sakin dahil nakailag agad ako.

"Lakas ng loob nyong sumugod." Sabi ko pagkasuntok ko dito. Hindi ko na tinigilan ang pagsuntok sakanya hanggang dumugo na ang mukha nya at wala na syang lakas para lumaban.

Tinalikuran ko sya at bumalik sa van. Hindi pa tapos yung iba sa mga kalaban nila.

HTID: Falling In Love With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon