CHAPTER 3

27 2 3
                                    

Bright's POV
I heard a chuckle mula sa likuran ko kaya napaharap ako dito pero pinagsisisihan kong humarap ako. Ang tigas naman ng dibdib nya sakit ng ilong ko.

"Yung panyo ko?" Tumingala ako para salubungin ang tingin nya. Sya yung lalaking nakahood kaninang lunch??

"Lalabhan ko muna." Inirapan ko sya tsaka ininda ulit ang ilong ko. Magiging flat na yata.

"Masakit?" Nagulat ako nang hawakan nya ang ilong ko. Parang naconscious naman ako nang hawakan nya.

"A-ah teka masakit pero wag mo hawakan. Close tayo?" Binitawan nya pero nakatingin pa rin sya sakin.

"I'm sorry. I'm Lucifer Black but you can call me Black." Hindi ko mapigilang tumitig sa mukha nya habang nagpapakilala sya.

"Pasa ba yan?" May napansin kase akong parang pasa sa panga nya.

"Lagot/patay/LQ na yan." Napalingon ako sa tatlong kasama ng lalaking ito. Anong LQ?

"No hindi pasa yan. Your name?" Tinakpan nya pero pinipilit ko pa ring tignan.

"Bright Painne Lee. Wag mo nga takpan! Hintayin nyo ako dito kukuha ako ng yelo sa loob." Umalis ako dun at pumasok sa loob ng hospital.

"Yiiiee! Master ibang klase talaga kamandag mo ah hahaha!" Narinig kong inaasar nila si Black.

Nakakatakot ang pangalan nya sino kaya nagpangalan sakanya matanong nga bakit yun binigay. Anyways hindi naman ako nagtagal sa pagkuha ng icebag sa loob ng hospital. Pabalik na ko sa parking kung nasaan ang apat na yun.

"Doc hiwalay na ba kayo ng bf mo?" Tumango lang ako. Ayokong pagusapan ang lalaking yun.

"Upo." Utos ko kay black na nakatayo Hanggang ngayon.

"Upo daw boss dito." Binuksan nung isang lalaki ang pinto ng kotseng gusto ko idrive.

Lumapit sya dun at naupo. Isipin nyo naman kase ang tangkad nya paano ko magagamot di ba? Nang makaupo sya, nilapat ko naman ang yelo sa panga nya na may pasa. Nakipag-away siguro ito.

"By the way doc, Axel Wayne nga pala. Iyong may tattoo sa kamay yan si Miles Hanz Hayes. At yung rainbow ang buhok na mukhang bakla si Lexus Taylor." Pakilala nung may kulay red na highlights sa buhok.

Natawa ako nang bigla syang batuhin ng plastic bottle na hindi ko alam kung saan nakuha Nung Lexus. Mga mukhang gangster pero makukulit naman. Mababait din.

Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa tabi ko.

"Nakipag-away kayo ano? Tsaka teka lang hindi ko pa naitatanong eh..." napatingin ako sa dalawang nanghila sakin. "Bakit may picture ako sa phone nyo?" Bigla silang nagkamut sa ulo.

"Kase ano...matagal ka na naming gustong lapitan hehehe." Sabi ni Lexus na mukhang nahihiya pa.

"Lalo na si boss. Harang lang talaga yung g*go mong ex eh." Sabi ni Miles pero nagulat ako nang biglang may lumipad na kung ano papunta sakanya kaya napatingin ako sa katabi kong nanlilisik na ang mata.

"Bat ka nambabato dyan? May pasa na nga." Biglang nagtawanan ang mga kaibigan nya.

"Burn!! Hahaha master tiklop ka agad ah." Asar nila kaya kahit ako ay natawa na din.

"Shut up." Natawa ako nang mapikon sya.

"Painne... Ouch!" Sa gulat ko ay naidiin ko ang icepack sa pasa nya.

"Sorry sorry. Ikaw naman kase eh." Tinignan ko ang pasa nya. Baka kase lumala.

"Painne anong oras uwi mo?" Nakakapanibago naman ang tawag nya sakin.

"Bukas pa. 7am bakit?" Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sakanila. Lalo na sakanya.

"Wala lang." Sagot nya.

Nagkwentuhan lang kaming lima sa parking hanggang sa kailangan ko nang pumasok sa loob para maground ulit.

Time check: 3am maghahanda na ako mamaya para sa last round ko sa mga pasyente ko and after that uwi na.

HTID: Falling In Love With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon