CHAPTER 6

20 1 0
                                    

Axel's POV

Natahimik kami nang magsalita si Black.



"Kayo kase." Bulong ko kay dito sa dalawa.

Nag-agawan ba naman ng chocolate. May binigay kase akong chocolate para sana manahimik sila pero mukhang mas umingay pa. Dalawa lang kase dala ko at nakain ko na kanina yung isa.



"Si Miles kase eh."

"Uy bat ako? Ikaw kaya."

"Hindi ka nagsheshare eh."

Napakamot na lang ako sa ulo ko nang magturuan sila. Seryoso ba sila?


"Madaming chocolate sa HQ dun na kayo kumain nun." Sabi ko na lang para hindi naman sila magaway.

"Sure ka?" Tumango lang ako kay Miles.


Masyado silang mahilig sa sweets kapag natapos ang laban. Sakto lang sakin.



Tumahimik na. Hays buti na lang talaga tulog na si Black kung hindi masasaway na naman kami dito.


Medyo malayo dito ang location namin ngayon sa HQ kaya matatagalan kami sa byahe. Sana lang walang kahit anong masakit kay Black maliban sa kilay nya. Wala pa naman kaming number ng Painne nya para sya maggamot kay Black.

Nakakainis kase haharang harang wala namang laban samin. Masabi lang na nakaganti eh. Ano napalapit nila ngayon edi duguang nasa gitna ng kalsada ngayon.





I'm hoping na magkalovelife na si Black. Tagal nya na kayang binabantayan si doc Painne. Hindi lang sya makalapit dahil ayaw nya makagulo ng relasyon at kalaban namin ang boyfriend nya dati kaya nahihirapan syang makalapit. Baka malaman pa na may gusto si Black kay Painne paginitan pa siya.

HTID: Falling In Love With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon