CHAPTER 2

23 0 0
                                    

Bright's POV
Nasa resting area ako ngayon ng hospital para syempre magpahinga. Wala namang kelangang icheck ngayon dahil kakatapos ko lang mag round.

"Ah doc Bright??" Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito.

"Yes?" Humarap ako dito.

"May mga naghahanap po sayo sa labas." Tumango ako sakanya tsaka sumunod na.

Sino naman kaya? Hays sayang yung pagkain ko.

"Asan na ba ang doctor na ito?" Grabe naman sa lakas ng boses nun.

Pagdating namin sa may information area ay nadatnan namin ang dalawang lalaking na hinaharap sa nurse ang cp nito. Ano ba nasa phone nila?

"What's happening here nurse kev?" Tanong ko sa nurse na nakaassign sa info desk.

"Hinahanap ka po nila, doc. Kanina pa nga pinapakita yung picture mo eh." Tumango na lang ako.

"Thank you nurse kev balik ka na sa ginagawa mo. Ako na bahala dito." Nilingon ko ang dalawang lalaki na mukhang natahimik pa.

"Ano pong maitutulong ko?" Mukhang natauhan naman sila nang magsalita ako.

"Ay doc sama ka samin. Kailangan magamot ang kaibigan namin." Hindi pa ako nakakasagot ay hinila na nila ako. As in dalawang kamay ko tig-isa sila.

"Teka bakit hindi nyo na lang dalhin dito?" Tanong ko habang hila hila nila ako.

"Ayaw nya sa hospital doc." Hanggang sa dumating kami sa isang sasakyan.

Wait ito yung gusto kong ipabili kay daddy na car! Gosh gusto ko magdrive nyan! Pero bago ang lahat kailangan ko munang tignan ang sinasabi ng dalawang ito.

"Asan na?" tanong ko dahil wala naman akong nakikitang pasyente dito.

"Wala naman talaga miss. Gusto ka lang makilala ni master hehe." Aba scammer ang mga loko.

"Sino ba yang master nyo at talagang pinalabas pa ako? Nagrerest ako dun eh!" Inis kong sabi at nagpapadyak pa.

"You're really cute kapag naiinis." Napatigil ako sa pagpapadyak nang may magsalita sa likuran ko.

HTID: Falling In Love With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon