Chapter Four

386 27 0
                                    

                "May 1 week vacation ka kasama ang fiance mo" Sambit ni Daddy pag- kapasok at pagkapasok ko pa lamang ng bahay.

"Saan po?" Tanong ko.

"Sa resort nila. Maya maya ay nandyan na sila kaya mag-impake ka na. Sembreak niyo pa naman di'ba?"

"Opo. Eh hindi pa po ako nakakapag-enroll"
Nagaalinlangan ko pang sabi.

"Ako na ang bahala doon" Sambit ni Daddy tsaka naglakad na papuntang kusina.

Naglakad na papunta sa kwarto ko, at nag-impake na nang susuotin.

Maya maya pa ay may narinig na akong bumisina. Dumungaw ako sa bintana at nakíta ang dalawang kotse. Talaga bang magkahiwalay pa sila ng sasakyan?

Kaagad na akong bumaba bago pa ako tawagin ni Daddy.

"Ayos na ba ang gamit mo?" Tanong niya. Tumango na lamang ako.

Binuksan ko na ang pinto. Bumungad naman ang mga magulang ni Greggy. Masaya sila at magkaholding hands pa.

Ngumiti ako. "Hello po, Tita Tito" Saad ko.

"Don't call us Tita Tito just call us Mommy and Daddy instead. Dun na rin patungo iyon" Nakangiting saad ng Mommy ni Greggy.

"Sige po" Nakangiti kong sabi. Pumasok na sila. Sumunod naman si Greggy na naka t-shirt at shorts lang na may suot pang shades.

"Hi Kid" Saad ni Greggy, kaya kaagad na kumunot ang noo ko.

"Excuse me?" I said. He chuckled, and raised his hand for apir. Kunit noo akong tumingin sa kamay niya.

"Apir" Sambit niya. Kaya marahan kong nilagay ang kamay ko sa kamay niya. "Ayan" Saad niya, at pumasok na sa bahay.

"Ang random mo" I mummbled.

"I know right" Sambit niya kaya napatingin ako sakanya. "Nasaan na ang mga gamit mo? Dadalhin ko na sa kotse"

Tumaas naman ako, at sumunod siya. "Wag ka sumunod, dadalhin ko na lang sa baba"

"Hindi, ako na ang mag-dadala" He insist, kaya pinabayaan ko na.

I entered my room, at nanatili lang siyang nasa labas ng kwarto. Tumingin naman ako sakanya.

"Pwede ba?" Tanong niya.

"Huh? Oo naman" Sambit ko, kaya dahan dahan na siyang pumasok.

"Mahilig ka mag-paint?" Tanong niya. "Ang dami mong libro, puro law pa. Law student ka ba?" Tanong niya.

Bahagya na lang akong ngumiti, at umiling.

"Eh kanino 'tong mga libro?" Tanong niya.

"Sa'kin Hindi kasi ako pinayagang mag-law, pero I really have interest, kaya nag-babasa na lang ako"

"Ahh" Sambit niya tsaka bahagyang tumango.

"Ako na ang magbubuhat hindi naman masyadong mabigat" Sabi ko at binuhat ang dalawang bag. 

"Ako na" Sabi niya at kinuha sa'kin ang bag. Hindi ko binitawan kaya tumingin siya sa'kin. "Ako na" Sambit niya ulit, habang matalim na nakatingin sa'kin.

"Edi ikaw na" Sambit ko sabay bitaw, kaya napaupo siya. Napatakip ako sa bibig dahil malakas ang lagapak, tiyak na rinig iyon hanggang sa baba.

"Sorry" Sabi ko sabay peace sign.

Tumayo na lamang siya, at huminga ng malalim. "Ang liit mo pala" He said. I glared at him. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay sinasabihan akong maliit, dahil hindi ako maliit.

Better With YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant