ZACH'S POV
Nadulas akong sabihin na hintayin niya ang nga bandmate ko, naalala kong sinabi nga pala ni Greggy na wag kong sabihin.
Laking pasalamat ko na lamang ng tumanggi siya.
Hinintay ko na rin sila Alas pagka-hatid ko kay Irene sa parking. Hindi rin naman nag-tagal ay dumating na si Alas at Marcus. Sumunod si Samuel na naka-motor.
"Ano raw nangyare?" Nag-aalalang tanong ni Zach.
"Maisipan nanaman ng lalaking yan" Ani ni Marcus.
"Muntik na mamatay" Saad ko.
"Ha?! Bakit?!" Napatingin naman kami nila Alas kay Samuel pagkasabing pagkasabi niya palang.
"Okay ka lang pre?" Tanong ni Alas.
"Ahh oo... Inaantok na ako, pampagising lang" Natatawang sabi ni Samuel.
"Oh, e kamusta naman si Greggy? Gising ba?" Tanong ni Samuel.
"Hindi, tulog. Pero sabi naman ng doctor ayos ang kalagayan niya nadala naman agad siya rito sa hospital" Sambit ko.
Pumasok na kami sa elevator. "Ilang beses na 'tong ginawa ni Gery ah? I thought he's seeing a psychiatrist? Is he taking meds for his anxiety?" Tanong ni Marcus.
"Hindi ko nga alam, e. Wala naman kasing nag-babantay sakanya" Sagot ko naman.
"Si Janna?" Tanong ni Marcus.
Nanahimik kaming lahat nila Alas at hindi napigilan ang ngiti.
"Tsk..." Ani ni Marcus.
Hanggang sa lumabas kami ng elevator ay nakangiti kami ni Alas, at Samuel habang si Marcus ay inis na inis.
Pumasok na kami sa room ni Greggy, at sumalubong saamin si Ellise. Binati lamang nila si Ellise tsaka tiningnan si Gery.
Hinihintay lamang naming magising si Gery.
"Naiwan ko phone ko sa kotse, baba muna ako" Sambit ni Marcus.
Pagkabukas na pagkabukas ni Marcus ng pinto ay siyang pagpasok ni Janna. Lahat naman kami ay napatingin.
Awkward namang ngumiti si Janna, si Marcus naman ay umatras upang makadaan si Janna.
Nahihiya naming binati sj Janna.
Tahimik kaming lahat ngunit bakas sa mukha namin ang kilig. Lalong lalo na si Alas na mamula mula pa.
Gumalaw ang kamay ni Gery kaya tumayo kaming lahat at Pinaligiran siya.
Iminulat niya ang mga mata niya ay kaagad niya ring pinikit ito.
Isa lang ang dahilan non; alam niyang mabubungangaan siya.
"We know you're awake" Janna said.
Lalo pang idiniin ni Gery ang pagpikit. Tumawa naman kming lahat.
"Gising, nagkita si Marcus at Janna" Sambit ni Samuel na siyang dahilan ng pagmulat ng mata ni Gery.
"Weh?" Tanong naman ni Gery.
"Gregorio!" Sigaw ni Janna.
Nagulat naman kaming lahat at bahagyang napatalon.
"Ano nanamang ginawa mo? Eh kung ganyan lang pala ang gagawin mo eh mas gusto ko na lang patayin si Andrei. I don't wanna work with him. Eh panigurado kung mawala ka, yun ang magiging boss ko"
"Patay na ba ako?! Hah?!" Pilosopong tanong ni Greggy. "Tinesting ko lang naman...."
"Testing?! Pang-ilang beses mo na-" Greggy cut my words.
VOUS LISEZ
Better With You
RomanceSometimes, things never work as we want. Sometimes, the person we thought we hate will be the person who will love us the most unconditionally.