Chapter 2
"Gano'n na lang din ang gagawin natin?"
Tumango ang mga ka-grupo ko. Nagkita-kita kami para sa capstone project. As STEM students, we decided to focus more on the rational use of agricultural lands. Doon naman mayaman ang Cagayan Valley, kaya naisip namin na iyon ang pagtuunan ng atensyon.
"Kailan niyo ulit gustong mag-meeting?" Tanong ko habang inaayos na ang bag.
"Kayo ba," si Tim. "Ayos lang sa akin kahit ano."
"Ikaw na lang mag-decide, ikaw naman ang leader." Ngumisi sa akin si Anne.
Sinamaan ko sila ng tingin. "Kapag ako ang nag-decide walang magre-reklamo, ha."
"Poll na lang sa GC," suhestyon ng huling miyembro ng grupo namin, si Maude.
We all agreed on that. Patapos na kami sa planning stage ng proyekto. We are already devising how to carry out the research part.
Naghahanda na kami sa pag-alis sa bahay nina Maude nang makatanggap ako ng chat galing kay Kuya Soren. Tinatanong nito kung nasaan ako. Hindi ako agad nakapagreply dahil nagpaalam at nagpasalamat muna kami sa mga magulang ni Maude.
Palabas na kami ng gate nila nang tumunog ang cellphone ko dahil sa incoming video call. It was still Kuya Soren. Kumunot ang aking noo pero sinagot pa rin ang tawag. Agad bumungad sa akin ang pawisan niyang mukha at ang ingay sa paligid niya.
"An-an!" He grinned so wide. "Saan ka?"
"Nasa Caritan, may lakad ako. Bakit, Kuya?" Namataan ko si Kuya Casper sa likuran niya, kumaway ito sa akin.
"Tapos na ba lakad mo? Nasa Buntun kami," he said and angled the camera so I could see his background.
I saw the others on his background. Nasa isang basketball court sila. Kumaway sa akin si Kuya Evan, gano'n din si Kuya Mico na may hawak ng bola. Ang alam ko nga ay may laro o praktis sila ngayon para do'n sa sinasabi ni Daddy na dadaluha nila.
"Katatapos lang. Why?" Nilingon ko ang mga kasamang naghihintay na ng masasakyan.
"Pinapatanong ni Kairo kung gusto mo raw sumama sa amin. Katatapos ng laro at pupunta kami sa bahay nila." Itinapat niya ang camera kay Kuya Kairo na abala sa pag-aayos ng kaniyang sapatos.
"Gagawin niyo ro'n?" Nilingon ko ang daan, maraming dumaraan na tricycle pero may mga laman.
"Kakain," tumawa siya at tinawag si Kuya Kairo. "Kai, si An-an."
Nag-angat ng tingin si Kuya Kairo at ngumiti nang makita ako. Pawisan siya kagaya ni Kuya Soren. Basa ang medyo kulot na buhok niya, kaya naman ang iba ang naka-dikit na sa kaniyang noo.
"Thea," umayos siya ng upo at mas inilapit ang mukha sa camera. "Where are you?"
"Caritan," tugon ko at pinakita ang highway. "Katatapos ng group meeting namin."
"You want to come with us? Kakain kami sa bahay," he said. "Champ would be happy to see you, too."
Saglit akong nag-isip. Wala naman akong ibang lakad at uuwi na rin pagkatapos nito. Random invitations like this are not unlikely for me. They would call or text me out of nowhere and ask if I wanted to join them. It could be anything. May laro sila, may outing sila, may jamming sila. I had gotten used to it.
"Sige," I said. "Mag-tricycle na lang ako papunta sa bahay niyo."
"We can pick you up," he offered immediately. "Paalis na rin kami ng Buntun. Daanan ka na lang namin diyan. What's your landmark?"
"Uh," I looked around, "SM City na lang. Punta na lang ako do'n, malapit lang naman."
"Alright." He smiled. "We're leaving now."