Chapter 14
The guys were dog-tired. It was conspicuous by how wolfishly they devoured the food. I had to limit myself to two slices of pizza because I feared it wouldn't be enough for them. While they were occupied with the food and the basketball topic, I texted Rainier, whom I left hanging after canceling his call.
Anthea Espinoza:
Hi, sorry for cancelling your call :( Nasa labas pa rin ako kasama sina Kuya Soren. We're having dinner before heading home.
His reply came minutes later.
Rainier Contreras:
Ah, okay. Update me when you get home?
I bit my lower lip and fought the urge to smile. I was typing discreetly under the table.
Anthea Espinoza:
Sureee :)
Nag-angat ako ng tingin nang biglang magsalita si Daddy na nasa gitna ng long table. Hawak niya ang kaniyang cellphone.
"Totoo ba 'to? Nagkabalikan na raw sina Sharon at Gaby?" He asked loudly to no one in particular.
"Sino?" Natigil ang akmang pagsubo ni Kuya Seth ng pizza na nasa kaniyang kanan.
"Si Sharon Cuneta at Gabby Concepcion? Ito. Sabi sa Facebook." Tugon niya at binigay kay Kuya Mico ang kaniyang cellphone para ipakita ang sinasabi niya.
"Ha?" Nagkamot ng ulo si Kuya Leon na nasa harapan ko.
"Grabe rin 'yang dalawang 'yan no'ng mga kabataan namin. Fan na fan ang asawa ko no'n. Grabe ang iyak niya no'ng naghiwalay ang dalawang 'yan pagkatapos ma-i-kasal." My father added, smiling to himself at whatever memory he recalled.
"Ha?" Si Kuya Laz na nasa harapan ni Daddy. "Paanong magkakabalikan ang mga 'yan, Papi, e may asawa na si Sharon Cuneta?"
"Oo nga?" Kuya Kiel piped in. "Si Kiko Pangilinan 'di ba?"
"Bakit sabi r'yan nagkabalikan sila?" Nagkamot ng ulo si Daddy.
"Awit," tumawa si Kuya Mico at binalik ang cellphone ni Daddy. "Dapat talaga hiwalay ang Facebook ng mga matatanda, e."
Tumawa ang lahat sa sinabi ni Kuya Mico. Kahit si Daddy ay hindi naiwasang matawa. Umiling ako at hindi napigilan ang pag-hikab sa pagod. Nagkatinginan kami ni Kuya Kairo na kanina pa tahimik sa upuan niya.
I beamed at him. The blue of his eyes was steady as he regarded me. His lips twitched as he gingerly smiled back, only wide enough for those dimples to be noticeable.
"Kunin mo na 'yong sumbrero mo, Kuya?" Tanong ko.
He shook his head. "You can give it to me next time."
"Okay," I pursed my lips and shrugged.
Halos alas diyes na kami naka-uwi ni Daddy. Naabutan namin si Kuya Camden sa may sala, kausap ang girlfriend niya sa kaniyang laptop. Siniksik ko ang sarili sa tabi ni Kuya para makapag-hi kay Ate Tina. Nakipag-kwentuhan ako saglit sa kaniya bago umakyat sa kwarto para maligo.
"Hindi na kita pupuyatin kasi maaga ka pa bukas," sabi ni Rainier.
It's past eleven and we've been talking for almost thirty minutes already. Nakahiga na ako at inaantok na dahil sa pagod.
"Paano kapag gusto kong mag-puyat?" Ngumuso ako, kahit hindi niya kita.
Mahina siyang tumawa. "You sound so tired, Anthea. Magkikita naman tayo bukas."
Nagtaas ako ng kilay. "Magkikita?"
"Breakfast tayo bukas? Seven thirty ang pasok mo 'di ba?"
"Mmmm," humikab ulit ako. "Hindi ba nine AM ka bukas?"