Chapter 8

532 47 14
                                    

Chapter 8

"May tanong ako, pre."

Nilingon ko si Kuya Mico na nakatayo sa kanan ko. Nakatayo naman sa kanan niya si Kuya Marco. Papunta na ako sa harap ng building namin nang madaanan ko silang pinapanood ang sayaw ng mga elementary sa open field. Isa 'yon sa opening performance ng Foundation.

"Ano?" Sinulyapan ni Kuya Marco si Kuya Mico na siyang nagtanong.

Binalik ko ang tingin sa open field. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil kahit na hindi sabay-sabay ang mga bata ay nakaka-aliw pa rin silang panoorin. Ang cute pa ng mga flower costumes nila.

"Kapag ba nilagay mo sa freezer 'yong utot, titigas 'yon?"

Kunot noo kong binalik ang tingin kay Kuya Mico. Seryosong-seryoso ang mukha niya, habang si Kuya Marco ay unti-unting nalukot ang mukha sa tanong ni Kuya Mico. Nagtitigan silang dalawa. Umiwas ng tingin si Kuya Marco. Akala ko ay hindi nito sasagutin ang tanong ni Kuya Mico pero bigla itong nagsalita.

"Hindi ako sigurado, e. Base sa composition ng utot, pwede siguro? Depende rin sa temperature. Diba may oxygen ang utot? Isipin mo, ang kailangan na temperature para ma-freeze ang oxygen ay mas mababa sa -300 °F dapat. Tapos hindi pa titigas agad 'yon. Paano na lang 'yong utot? Mas kailangan mo pa ng lower temperature para do'n. Pero hindi pa rin titigas agad. Depende rin siguro kung may moisture 'yong utot? May mga basang utot 'di ba? Mas mabilis siguro tumigas 'yon. Ewan ko, pre." Kuya Marco scratched his head, honestly frustrated that he's not sure of the answer.

Napakurap ako at napatitig sa kaniya. Gano'n din si Kuya Mico na medyo nakaawang pa ang bibig. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan sa aming tatlo ay tumikhim ito at tinapik ang balikat ni Kuya Marco.

"Joke lang 'yon, pre." Ani Kuya Mico, gustong matawa o ano.

"Ah," napakamot ulit ng ulo si Kuya Marco at nagtagal saglit ang tingin kay Kuya Mico bago niya ito minura. "Tangina mo."

"Ewan ko sa inyong dalawa," umiling ako at tinapik sa balikat si Kuya Mico bago nagsimulang makipagsiksikan sa mga tao para makaalis sa learning hall.

"Saan ka punta?" Pahabol na tanong ni Kuya Mico.

"Hanapin ko 'yong mga kasama ko, Kuya. May laro kami mamayang hapon." Kumaway ako sa kanilang dalawa.

"Good luck, An-an! Kalaban namin Senior High sa basketball mamaya. Sabihin mo walang iiyak!" Pasigaw niyang sinabi.

Maraming lumingon sa kaniya dahil doon. Karamihan doon ay mga Senior High base sa departmental uniform na suot nila. Kung nakakamatay lang ang tingin, baka diretso libing ang abutin niya.

May sinabi si Kuya Marco sa kaniya bago siya nito binatukan. Mabilis na naglakad palayo si Kuya Marco at agad namang sumunod si Kuya Mico. Nakuha pa nitong ngumisi sa akin bago sila tumakbo paalis.

I scrunched my nose and fought the urge to give them the middle finger. They wouldn't see it anyway because they're already gone. Ang yayabang talaga ng mga 'yon! I wish they lose this afternoon. Or, in every one of their games, this foundation!

"Good luck, 'nak." Niyakap ako patagilid ni Daddy.

He was on his way to the gym when he spotted me with my teammates, stretching before our first game.

"Thank you, Dy! Mag-uumpisa na yata iyong laro sa loob," sabi ko sabay nguso sa direksyon ng gym sa tabi lang ng open court kung saan gaganapin ang laro namin.

Tumango siya. "Narito sina Camden. Kasama niya ang mga ka-batch niya. Manonood daw sila ng basketball kaya dinaanan ko sila kanina sa Robinsons."

"Wow," humawak ako sa dibdib ko, "paano naman akong kapatid niya Daddy? Hindi niya ako panonoorin? Wala man lang suporta riya'n?"

Forever and Ever and Always (LAPRODECA #5)Where stories live. Discover now