Chapter 5

878 44 18
                                    

Chapter 5

"Ang bigat naman nito!" Reklamo ni Cez nang i-abot ko sa kaniya ang paper bag na may lamang mga libro.

"Alalayan mo 'yong ilalim kasi baka mabutas 'yan," I glared at her when she carelessly carried the paper bag.

"Itapon ko 'to, e." Umamba pa itong itatapon nga sa gilid ng pathway. "May bayad 'to."

"Wala akong pera," tugon ko at nagsimulang maglakad papunta sa canteen.

Sumabay siya sa akin dahil madadaanan namin pareho 'yon. Uuwi siya ng bahay kaya naman pinasabay ko na 'yong mga librong ginamit ko sa pang-umagang klase. Nauna iyong mga kasama ko sa canteen dahil hinintay ko pang matapos ang huling klase ng kapatid ko.

Nagtitipa ako sa aking cellphone nang sikuhin ako ni Cez. Kunot noo ko siyang tiningnan. Pinanlakihan niya ako ng mga mata at tinagilid ang ulo sa kaliwang direksyon. Nasa learning hall na kami sa tapat ng canteen.

"Iyon 'yong crush mo 'di ba?" Medyo malakas niyang sinabi. "Iyong engineering?"

Napalingon ako sa kaliwa at halos manigas nang makitang halos ilang hakbang na lang ang layo ni Rainier sa amin. Naglalakad siya papunta sa aming direksyon. Mag-isa siya at may hawak na laptop bag.

"Kuya, crush ka raw ni—" mabilis kong tinakpan ang bunganga ng demonyo kong kapatid at hinila siya palayo.

Sigurado akong narinig kami ni Rainier dahil napatingin ito sa amin. Alam ko ring namukhaan niya ako dahil sa klase ng tingin na binigay niya sa akin. Sa sobrang nerbyos ko ay hilaw akong ngumiti sa kaniya at mabilis na kinaladkad palayo ang kapatid.

"Punyeta ka," diniin ko ang kamay sa bibig ng kapatid. "Dapat diyan sa bunganga mo tinatahi, e."

Tumatawa siya habang pilit tinatanggal ang kamay ko sa kaniyang bibig. Ang bilis pa rin ng pintig ng puso ko at hindi ko maiwasang sumulyap sa aming likuran. Nahagip ko ng tingin si Rainier na naglalakad patungo sa gate sa Lecaros.

"Ano ba! Ang bigat ng mga libro mo!" The devil protested.

Kumbinsihin ko kaya 'yong Tatay namin na i-turn over ito sa DSWD?

"Alam na niyang crush ko siya! Narinig niya yata iyong sinabi mo!" Hinampas ko siya sa balikat, bahagyang nanginginig sa kaba at hiya.

"Aray! Ang bigat ng kamay mo!" Sigaw niya kaya naman may napatingin sa aming mga estudyante.

Minura ko siya sa sobrang inis ko. "Subukan mo lang manghiram ng mga gamit sa akin, ah. Nunkang pahihiramin kita."

"E 'di iwan ko na lang 'tong libro mo rito," singhal niya at binaba ang yakap na paper bag.

"Subukan mo!" Pinisil ko ang braso niya at pinandilatan ko siya. "Umuwi ka na nga! Nagdidilim paningin ko sayo."

Ngumisi siya at binuhat ulit ang paper bag. "Pero in fairness, Ate, ha. Mas gwapo siya sa personal. Bet na bet!"

"Isa!" Akmang hahampasin ko ulit siya nang mabilis siyang naglakad paalis sa harapan ko.

I glared at her back as I tried to calm my breath. She even has the audacity to look back and make a stupid face. My God! Nabuking pa yata ako ng wala sa oras. Walang preno talaga ang bibig ng batang 'yon!

Naglakad ako papasok ng canteen at hinanap ang mga kasama ko. Nakita ko sila sa dulo ng lamesa pero nabaling ang atensyon ko sa lamesang malapit lang din sa kanila. Naroon sina Kuya Soren, Kuya Marco, Kuya Evan, Kuya Laz, at Kuya Mico. May kasama pa silang dalawang lalaki na hindi ko kilala.

Paanong hindi ko sila mapapansin kung ang lakas ng boses at tawanan nila? Dumiretso ako sa isang counter at nag-order ng pagkain. Kalalapag ko lamang ang tray at gamit sa lamesa namin nang marinig ko ang boses ni Kuya Soren.

Forever and Ever and Always (LAPRODECA #5)Where stories live. Discover now