Clingy Bitch.
"Naka busangot 'yang mukha mo? Ke aga-aga bad mood agad?" Tanong sa 'kin ng kaklase kong si Nicole.
"Eh paanong hindi ma-ba-badtrip, halos buong maghapong nakabuntot sa kanya kahapon yung twin sister ng ka-teammate slash crush 'yang si Austin." Si Gracie na ang sumagot para sa akin.
"Huh? Don't tell me sumama sa inyo ang babaeng 'yon kahapon?" Tumango si Gracie sabay sipsip sa hawak niyang tumbler na may lamang tubig.
"Kung makita niyo lang ang itsura ni bakla kahapon parang pinagsakluban ng langit at lupa sa sobrang pangit. Ni hindi nga siya nakapag make up kahapon dahil nagpumilit na sumama si ate mo girl. Syempre no choice ang protagonist kundi ang isama siya, dahil kung hindi tiyak aatungal na parang biik ang anak ng amo niya." Dagdag pa ni Gracie.
Kasalukuyan kaming andito sa classroom at vacant time ngayon dahil absent daw yung second subject namin. Wala rin akong practice sa swimming club kaya heto ako tulala and speaking of that dirt, yes I call her dirt dahil masyado siyang marumi at nakakadiri para sa akin. Like yuck! Kung maka dikit sa 'kin mas masahol pa sa linta.
"Tska, alam niyo bang napaaway na naman 'yon. Grabe ka bakla ang ganda mo talaga." Sabay lingon sa akin ni Gracie.
"Ako?" Turo sa sarili ko. "Of course no. Maganda talaga ako." Confident kong sagot.
"Este ang gwapo mo. Ikaw lang naman ang bukang bibig ng kakambal niyang crush mo. Halos ipagdiinan niya sa mukha nung kaaway n'yang lalaki ka talaga. Grabe din talaga ang tama sayo ng kambal nun." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa sinabing iyon ni Gracie. I sarcastically laughed at her nalang just to pretend na grateful ako sa chismis niyang 'yon.
Bwisit talagang linta 'yon. As if namang kakampihan ko siya at maging masaya sa ginawa niyang pagtatanggol sa 'kin.
Wala akong dapat patunayan sa lahat dahil alam ko sa sarili kong bakla ako. Bakla akong ipinanganak, bakla rin akong mamatay. Pangatawanan ang pagiging diyosa!
"Ang cute din talaga ng love triangle niyo no. Mahal ko o mahal ako ang peg. Iba ka talaga besh. Pang miss multi-verse ang ganda mo." Asar sa akin ni Nicole.
Umirap lang ako sa kanya.
"Okay change topic. Bakla, may notes ka ba sa creative non-fiction? Pakopya naman." Pag-iiba ng topic ni Camille sabay paawa epek.
"Ayan! Kung kailan malapit na exam tsaka may pagsulat nako pauso mo talaga, Camille." Sita sa kanya ni Judy.
"Pakialam mo ba? Maki uso ka rin." Aniya sabay dila rito.
"Enough! Masyado niyo namang kinareer ang pagiging adik sa sulat ko. Obvious naman na pareho kayong maghihiraman n'yan mamaya." Gatong ko naman.
Sabay lang silang ngumiti sa akin pero dahil bida ako inirapan ko lang silang pareho at marahang binuksan ang zipper ng bag ko.
"Nice naman beks. Ano araw-araw ng papalit ng dekurasyon sa loob ng bag. Sosyal mo naman masyado." Puri sa akin ni Camille.
"Why not. Dapat 'E' for effort, bitch. Wag puro kuya ng notes ko lang dapat be organized with effect. Tsaka paano nalang kong manghiram si Austin my loves ko ng notes ko tapos makita niyang magulo ang laman ng bag ko eh di minus points diba." Maarteng singhal ko kanya.
"Sus, effort mo mukha mo. As if namang papatulan ka nun. Eh halos kulang na lang lumuhod sa harap ni Erica sagutin lang siya nito." Halos hindi maipinta ang mukha ko sa sinabing 'yon ni Judy with matching cross arms pa nga si gaga.
The hell! Talagang itinuloy niya ang pangliligaw sa hitad na 'yon. Kaya ba umalis siyang walang pasabi kanina. Bwisit talaga!
Wala sa mood kong kinuha ang notebook ko binigay ito kay Can at nakabusangot na isinubsob ang aking mukha sa mesa ng upuan ko.
BINABASA MO ANG
Obsessive Brat
Humor"Yes, I'm obsessively in love with you to the point na wala akong itinira para sa sarili ko at pinagsisisihan kong naging obsessed ako tulad mo. Kung may isang tao akong gusto kalimutan ikaw 'yon. Napakahirap mong mahalin." -Vanica Leigh Zamore.