Stalker.
"Ano bang ginagawa na'tin dito, ha? Alam mo kung isasama mo lang ako para mag-cutting, babalik na lang ako sa classroom kesa samahan ka sa kalokohan mo." Angal sa 'kin ni Ecang.
"Shhh. Ang ingay mo. Tumahimik ka muna pwede? Baka may makarinig sa atin dito dahil sa ingay ng bibig mo." Irita kong sagot dahil baka marinig kami.
"Wow ha. Ako pa ngayon ang maingay. Idamay mo ba naman ako sa kalokohan mo. Paano na lang kapag may nakakita sa atin dito? Nakakahiya, Leigh baka isipin nilang manyak tayo." Sagot niya pa.
Hays! Kung maka sermon din talaga ang isang 'to. Sakit sa sintido daig pa nanay kung makapagsalita.
Andito kami sa loob ng storage room sa loob mismo locker room ng mga swimming athlete. Walang malisya at wala rin akong balak na manyakin lahat ng mga lalaki dito, dahil iisang tao lang ang hinahanap ko. It's been 3 days passed since the time I saw him sobrang akong nag-alala sa kanya.
Biruin niyong sa iisang lugar lang kami nakatirang pareho pero kahit sa buong mansion at lupang kinatitirikan ng bahay nami ay hindi ko siya mahagilap.
Halos oras-oras akong pumupunta sa headquarters ng mga maid at paulit-ulit na kinukulit ang nanay niya pero iisa lang parating excuse nito sa 'kin. Maaga daw itong pumasok kaya sa sobrang hindi mapalagay, ako na mismo ang gumawa ng hakbang makita lang siya. Masyado akong nag-aalala kapag hindi siya nakikita ng mga mata ko. Marahil nasanay lang talaga 'ko sa presensya niya kahit palaging iwas siya sa 'kin.
"Bahala ka nga sa buhay mo." Rinig ko lang sa sambit niya sa tabi ko.
Maya-maya pa ng lingon ko kung saan ito naka upo wala na akong nakitang Ecang, Bwisit talagang babae 'yon hindi maaasahan magaling lang kapag usapang libre.
Akmang bubuksan ko na sana ang pinto nitong storage room nang makarinig ako ng pag-uusap, marahil mga kasama ito ni Velarious my love ko kaya hindi ko na itinuloy na buksan ito sa halip ay bumalik ko sa aking puwesto kanina.
Kaso nakalipas na ang halos dalawang oras tila hindi ko man lang narinig ang mala huni ng ibon na boses ng Velarious my love ko. Mas lalo akong na-bwisit ng malowbat pa ang phone ko. Shit paano na? Nagsimula na akong mag-panic na tila hindi alam kung paano lulusutan itong katangahang ginawa ko.
Para akong bata na nawawala kulang na lang mapudpod na itong mga kuko ko.
Hindi ko alam kung ilang oras pa ang lumipas pero ang tanging alam ko lang gabi na at nilalamok na ako sa loob ng storage na 'to.
Fuck! I can't take this anymore.
Bahala na kung may makakita sa 'kin.
Wala pag-aatubili kong binuksan ang pinto at kaagad nagmasid sa buong paligid nanlaki ang mga mata ko ng makita ang sinag ng buwan mula sa maliit na bintana. Shit! malamang hindi magkandaugaga ang lahat ng tao sa mansion kakahanap sa 'kin. Paano na lang kapag nakarating kay Daddy na wala pa ako sa bahay. Tiyak mayayari na talaga ako neto.
Sa pag-asang makakahanap ng charger ng phone ko ay isa-isa kong pilit na binuksan ang lahat ng locker dito. Kaso halos nangangahalati pa lang ako nang bigla akong marinig at pagpihit sa pinto ng locker room kaya dali-dali akong nagtago sa pagitan nitong locker room at napahawak sa aking dibdib sa sobrang kaba.
"Baka may makakita sa atin." Sambit ng pamilyar na boses.
Hindi ko narinig na sumagot ang kasama niya sa halip halos lumuwa sa sobrang gulat ng marinig ko kung paano sila maghalikan.
Shit! Ano ba 'to.
Hindi ko mapigilang kiligin at pamulahan ng pisngi dahil sa wakas hindi na lang sa mga bl manwha's ako makakakita at makakarinig ng ganito. My gosh sa totoong buhay din pala at sa ganitong sitwasyon pa! Shit ako na ang pinaka masuwerte ngayong araw.
BINABASA MO ANG
Obsessive Brat
Humor"Yes, I'm obsessively in love with you to the point na wala akong itinira para sa sarili ko at pinagsisisihan kong naging obsessed ako tulad mo. Kung may isang tao akong gusto kalimutan ikaw 'yon. Napakahirap mong mahalin." -Vanica Leigh Zamore.