Hearthrob.
"Jusko, Leigh. Ano bang itsura yan?" .
Hindi ako sumagot sa tanong ni Ecang sa halip nakabusangot akong umupo sa upuan ko.
"Bwisit! Ang aga-aga lakas manira ng araw. Kainis bakit ba may asungot na tulad niya." Singhal ko sabay sipa sa hangin habang nakaupo.
"Ha? Asungot? Sinong asungot?" Inayos niya ang salamin niya sabay lapit sa akin at umupo sa katabi kong upuan.
Maaga akong pumasok ngayon para sana maabutan si Velarious my love ko pero wala maaga daw itong umuwing mag-isa kaya wala ako sa mood na pumasok sa classroom pero at the same time okay na rin na maaga akong pumasok, dahil nitong mga nakaraang araw ay napapadalas ang pagiging late ko. Para hindi malaman ni Daddy ang lahat ng kalokohan ko I think I need to obey him, slightly. As if namang susundin ko talaga totally. Paraan ko lang 'to para makita mo pa rin si Velarious my love ko at syempre palihim na makapag cutting class na rin.
"Waaaahhh! Si Draco Salazar." Tili ng ibang classmate ko dito sa loob ng classroom.
Hayop na asungot. Lakas mang-bwisit!
Mas lalong umalingawngaw ang tilian sa buong classroom nang pumasok ito at nakangiting lumapit sa akin.
Well, akong pake sa kanya dahil in the first place hindi naman siya ng business ko.
"Good morning, wifey! Flowers for you." Aniya sabay abot ng bulaklak sa 'kin.
Kunot noo at walang emosyon ko siyang tinignan sabay cross arms.
Mga ilang segundo rin akong ganun kaya siniko na ako ni Ecang.
"Tanggapin mo na, flowers daw o." Mahinang sabi nito.
Hindi ko siya sinunod sa halip lumingon ako sa direksyon ng binata.
"Ah. Pasensya ka na. Draco medyo hindi lang maganda ang gising niya." Pagdadahilan ni Ecang at siya na mismo ang kumuha ng bulaklak at nilagay sa table ko.
"Ah ganun ba. Btw, can I treat both of you later?" Tanong niya kay Ecang.
"Sure why not." Walang pag-aatubiling sagot ni Ecang.
Napatingin ako sa kanya at pinanlakihan ko siya ng mata. Kita ko ang mapang-asar niyang itsura. Bwisit na babaeng 'to ang bilis mapapayag kapag libre.
"Okay. See you both of you later. Study well wify!" Aniya sabay umalis.
Napa face palm nalang ako sa sobrang inis.
"Anong bait talaga ni Draco nu? Suwerte mo sa kanya girl." Hirit ni Ecang sa akin.
"Suwerte? Anong masuwerte sa paninira ng araw ko, aber nga? Asungot talaga." Pikon kong sagot.
"Anong pinagbubulungan niyo dyan ha?!" Sigaw kong sita sa mga kaklase kong walang magawa sa buhay.
Dali-dali namang umupo ang mga ito sa kani-kanilang mga upuan.
"Maka asungot naman 'to. Grabe ka dun sa tao. Bakit kasi hindi mo namang sagutin para okay na." Dagdag niya pa.
"Sagutin? Ano ako tanga? As if namang papatulan ko ang asungot na 'yon. Hindi ako hibang para patulan 'yang alok mo. Kung gusto mo ikaw nlang total kung maka-oo ka kanila wagas tsaka masyado pa akong in love kay Velarious my love ko. Kaya siya lang ang dapat kong maging jowa."
"Hay! Baliw na baliw ka sa baklang 'yon. Halata namang walang gusto sayo ang sirena na iyon." Gatong niya.
"Anong sinabi mo?!"
"Ang sabi ko. Bakit hindi mo bigyan ng chance si Draco like head over heel ang pagiging in love sa'yo nung tao. Tsaka heartthrob na mismo ang lumapit sa diyosang kagaya mo, aayaw ka pa?"
BINABASA MO ANG
Obsessive Brat
Humor"Yes, I'm obsessively in love with you to the point na wala akong itinira para sa sarili ko at pinagsisisihan kong naging obsessed ako tulad mo. Kung may isang tao akong gusto kalimutan ikaw 'yon. Napakahirap mong mahalin." -Vanica Leigh Zamore.