PROLOGUE

1.2K 27 3
                                    

Isang bagong mundo ang bumungad sa mga mata ni Tarzan nang umagang iyon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Isang bagong mundo ang bumungad sa mga mata ni Tarzan nang umagang iyon.Nagising sya sa isang lugar kung saan may kasikipan ngunit maayos naman ang kanyang kalagayan.

Dagli nyang inikot ang paningin at nagpalingon lingon sa maliit na butas kung saan sya lumolunlan.

Napakunot ang noo nya at biglang nakaramdam ng kaba sa dibdib dahil hindi nya maproseso ang isip kung nasaan na nga ba sya.

Nais nyang makaalis sa lugar na iyon at gawin ang lahat upang makalabas.Pero aakmang kikilos na sya nang may maramdaman syang mainit na palad na kumapit sa kanyang kaliwang kamay.

Nang lingunin nya ang nilalang sa tabi,nakita nya ang lalaking may kaidaran na ngunit may kisig parin sa katawan.Hindi nya alam ang depinisyon ng salitang 'gwapo ngunit ito ang mukhang bumungad sa kanya ngayon.

"A-uncle..." Nasambit nya sa lalaki.

Nginitian nalang sya nito ng matamis kapag kuwan sinapo sya nito sa noo.Bahagya naman syang napaigtang dito dahil sa sensasyong naramdaman kung kayat napaatras ang kanyang ulo.

"Wag kang mag alala,nasa kotse tayo,uuwi na tayo sa tahanan mo" ani ng lalaki "Mukhang bumaba na ang iyong lagnat pamangkin.Salamat naman at hindi kana inaapoy tulad nang kahapon"

Hindi sya sumagot kapagkuwan ay pinagmasdan nya lang ang paligid na kinalulunlan. Ibig sabihin,kotse ang tawag sa lugar na ito? Ani nya sa isp habang inililibot ang mata sa paligid.Bumuntong hininga nalamang sya pagkatapos ay narinig nyang bahagya ngumisi ang tsuhin sa tabi.

"Wag kang magalala,alam kong kahit ang simpleng sasakyan na ito ay bago sayo.Ito ang sinasakyan ng mga tao upang makarating sa isang lugar napupuntahan" paliwang nito sa kanya.

"Hindi mo na kailangang lumambitin pa sa mga baging upang magpalipat lipat sa mga puno at lugar kung san mo man gustong pumunta" saglit itong tumahimik habang pinagmamasdan ang kabuuan nya.

Hindi nya maitago ang ilang na nararamdaman sa katabi kaya nanatili syang tahimik.

"Ok lang ba yang suot mo? Kumportable kaba?" Tanong nito sa kanya.

Tsaka lang sya bumaling sa sariling katawan at pinagmasdan ang kasuotan.Kaya pala may kunting init na syang nararamdaman sa sarili dahil may suot na sya ng bagay na ito.Sa ilang taon panaman kasing bahag lang ang suot,baliwala na sa kanya ang lamig na naging pangkaraniwan na lamang sa kanyang katawan.

"Sabihin mo lang kung hindi ka kumportable dyan ah,papalitan ko payan ng mas preskong damit" ani ulit ng tsuhin nang hindi sya nagsalita "Natatawa ako sayo ng una kitang nakita.Naka toxido ka,pormal na pormal ang itsura mo.Pero alam kong hindi ka kumportable sa suot mong yun kaya pinapalitan pa kita ng mas preskong damit" mahina itong umikhim.

"Im sorry kung ngayon lang kita na kita sa ilang taong paghahanap ko.Nanghihingi talaga ako ng tawad lalo na sa mga magulang mo,hindi ako makapaniwalang nasa tabi na kita at maiuuwi sa pamilya natin"

Muli hindi nanaman sya umimik.

Binalot lang sila uli ng ilang pang segundong katahimikan nang saglit na tumigil ang tsuhin sa pagsasalita.Tumitig lang ito sa kanya na parang pinagaaralan ang buo nyang katawan.

"Alam mo bang masaya ako kase nilagnat ka nung oras na sinakay kita sa barko" ani nito kapagkuwan "Napagtanto kong tao kaparin pala na nakakaramdam ng sakit,akala ko maiimune na sayo ang pagiging isang unggoy.Sorry sa word ko,pero posible kasi na umasal kana sa ugali ng mga unggoy na nagpalaki sayo.Natakot lang ako na baka tuluyan ka na ngang maging taong unggoy kagaya ng sinasabe nila"

Lumayo sya ng tingin at napadako ang mata sa labas ng maliit na butas na tinatawag nilang bintana.Natanaw nya ang kakaibang lugar na sa tanan ng buhay nya ay ngayon nya lamang nakita.

Malalaking gusali ang nakikita nya,para nya itong maikukumpara sa mga bundok sa islang pinanggalingan.Nagtataasan at naglalakihan din.

Inilibot nya pa ang paningin sa labas ng masilayan nya ang isang mahabang bagay mula sa tulay.Umaandar ito ng mabilis habang papunta sa isang direksyon.Ang tawag nila dito,tren.

Tren na maikumumpara nya sa uri ng insekto,bulati o kahit anong hayop na may mahabang buntot.

Kamangha-mangha itong pagmasdan kung kayat hindi nya maiwasang iuwang ang bibig dahil sa hindi maitagong pagkamangha.Marame pa syang nakitang kakaibang bagay nang tumagal pa sya sa pagmamasid sa labas.

Isa na nga lang dito ang mga sasakyan na tulad ng kinalulunlan nya.Nagpapaunahan ito sa isang makinis na daan na para bang mga geraff,kabayo,zibra,lion o tigre.

Ang kaibahan lamang,magkakapareho ang ibang kulay nito,isa pa may apat itong gulong na mas trible pa ata ang bilis ng pagtakbo sa nasabing mga hayop.

Marami pa syang nakitang kakaiba na hindi nya maitatangging napapamangha sya sa lahat ng iyun.Masaya syang makita ang mga bagay nato na tila nagbubukas sa kanya ng bagong pinto.Para bang iniingganyo sya sa bago nitong buhay na haharapin.

Nakatanim sa kanya ang isang ngiti nang kumportable syang sumandal mula sa inuupuan,kapagkuwan biglang dumampi sa isip nya ang binatang si Aiden.Hindi man nya ito kasama sa bagong yugto ng kanyang paglalakbay.

Alam nyang makikita pa nya ito at gagawin nya ang lahat para maging karapat dapat sa binata.

Yayakapin nya ang bagong pagkato at gagawin nya ang lahat upang mabilis nyang matutunan ang mga dapat nyang matutunan sa modernong buhay na haharapin nya sa bagong yugto ng kanyang buhay.

The Heir temptation (BOOK 2)Where stories live. Discover now