PART 18

174 8 1
                                    

AN; I hope sa mga nagbabasa ng tarzan bxb version mula book 1 hanggang book 3 e hindi po maguluhan sa bagong title ng kwento.Ganun parin naman po yung kwento at walang binago.

Ang this crap (The Heir temptation) was official the book two of tarzan bxb.Sana mag enjoy kayo sa pag babasa.Salamat!

-----

Hindi nya na hinayaan pang makasagot ang binata.

Wala itong nagawa ng hagipin nya ito sa braso at kaladkarin palabas ng gym.

Wala na syang panahon,kailangan nya ng kumilos bago pa may gawin ang kanyang tsuhin kay Aiden.

Hindi nya na pinayagan pa ang binata na magreklamo na agad ding tinungo ang sarili nitong sasakyan na naka parke lang sa isang tabi.

Para nya itong bitag at walang hirap na napapasunod sa utos nya.

Wala itong ingay nang pumasok na sila sa sasakyan at pinaandar ito ng walang pagdadalwang isip.

Nasa daan na sila nang subukan ng binata na kausapin sya.

"Mahirap makapasok sa school nayun Tarzan" sambit nito "Lalo na pag hindi ka studyante.Kailangan mo pa ata ng security code para lang makatuloy ka sa opisina ng mga guro doon"

"Wala akong pakialam" sabat nya "Kailangan kong makausap ang Profesor na sinasabi mo.Studyante nya si Aiden hindi ba? Kung ganon kilalang kilala nya talaga ang taong mahal ko"

Segundong katahimikan lang namagitan sa kanila ng binata bago muli itong nagtanong.

"Bakit ganun nalang ang tiyo uncle mo?" Tanong nito "Bakit parang lahat gagawin nya makalimutan mo lang yung Aiden nayun? Malaki ba ang papel ng binatang yun sa buhay nya"

"Natatakot sya" saad nya "Takot sya na baka sa oras na bumalik na ang katinuan ko.Si Aiden,ang makinabang ng lahat kasama ko.Kwento ito ng yaman sa yaman,pangalan sa pangalan ng pamilyang kinabibilangan ko.Pero alam mo,wala akong pakialam sa lahat ng yan.Si Aiden lang ang kailangan ko,pwede kaming umalis malayo sa kanila.Pwede kaming bumalik sa islang pinanggalingan ko,matahimik lang kami dalawa"

Napansin nyang napatingin sa kanya ang binata kapagkuwan.

"Ang swerte ni Aiden" mahinang sambit nito "Ang swerte nya kasi may taong handang magsakripisyo para makamit ang kaligayahan nyong dalawa" narinig nyang napabuga ito ng malalim na paghinga bago nagpatuloy "He so lucky to have you,Tarzan.Ikaw ang tamang taong dapat pinapahalagahan"

Hindi na sya sumagot pa,sa halip ay napatingin na lamang sa bintana ng kotseng kinalulunlan.

Sinariwa nya ang mga sandaling panahon na nakasama nya si Aiden.

Sa lahat ng araw at oras nayun,wala syang naramdaman kundi puro kaligayahan nya lamang.Marami pa syang natatandaan na ang iba ay may pinagsisihan nya dahil sa paggamit ng kanyang katawan sa ibang pagkakataon.

Ngayon nya lang napagatanto na dapat ang pakikipag naig sa isang tao ay dapat may namamagitan sa inyong dalawa.

Mahalaga yun dahil iyun ang dahilan ng pagtibay ng isang relasyon.

Pero sa mga ginawa nya.Tanging init lang sa katawan ang nararamdaman nya.

Kaya ayun ang labis nyang pinagsisihan.At pagsisihan nya pa ulit dahil baka sa isa nanamang pagkakataon,ay matukso sya.

Naputol ang malalim na pagiisip nang marinig na magsalita ang binata.

"Nandito na tayo" sambit nito.

Napatingin sya sa napakalaking gusali na ngayon nya lang nakita sa buong buhay nya.Bigla syang kinabahan,lihim syang napangiti.

Hindi sya makapaniwalang sobrang lapit na pala nila ni Aiden sa isat isa.

Kahit siguro sa hindi sinasadyang pagkakataon ay pwede silang magtagpo ng binata.

"Halika na" saad nya lang bago nagtuloy na lumabas.

Sinipat nya ang ilan ilang taong nandoon at nakita nya itong pumpasok sa isang direksyon.

Kaya naman naghinala sya na ito ang daanan upang makapasok sa loob ng gusaling ito.

Sumunod sya sa mga naunang dumadaan papasok ng gate,pero ganun nalamang ang gulat nya nang harangin ng tila may pagkaarmadong lalaki sa harap nya.

Hawak nito ang isang bagay na itinututok sa katawan ng mga taong nauna sa kanya.At nang sya na ang tututokan,bigla syang kinabahan at napaiwas dito.

"Anong pakay mo dito?" Tanong ng lalaking iyun.Pero hindi nya ito pinansin.Sinubukan nyang pumasok sa loob pero pinigilan ulit sya nito.

"Kung hindi ka studyante sa paaralang ito.Hindi ka pwedeng pumasok,pahingi ako ng Id mo Sr"

Napatanga sya sinabi nito.Hindi nya alam kung anong uri na bagay ang ID.

Kaya naman sa sobrang asar,ay pinilit nya paring pumasok.Tila mas naging alerto ito,at nagtawag pa ng dalawa pang kasama.Kalmado itong pinakiusapan sya pero tila kinain sya ng pagkaasar kaya pinilit nya ulit na makapasok.

Tatlo na ang pumigil sa kanya.Nakakatawag na sila ng pansin dahil dito.

Hindi nya narin alam ang gagawin nya.Kaya mabuti nalang at narinig nya ang boses ni Shin na pinatigil ang mga kalalakihang iyun.

"Sr! Kilala ko sya" ani nito na agad naman tumuon ang tatlo sa binata "Kilala ko po sya,may kailangan lang po syang kausapin dito"

Sasagot na sana ang pangalawa sa lalaki pero agad syang nagsalita "Si Aiden" saad nya "Dito daw sya nag aaral,gusto ko syang makita"

"Sinong Aiden ang tinutukoy mo?" Tanong naman ng una pang lalaki na unang pumigil sa kanya "May apilyedo lahat ng mga studyante dito kuya'"

"Aiden Further po ang buo nyang pangalan" ang binata ang sumagot "Diba po may klase sya ngayon? Nais lang po namin sya makausap"

"Hindi namin kilala ang Aiden na tinutukoy nyo" saad naman ng pangatlong lalaki "Sa dami ng studyante sa paaralang ito.Hindi nanamin matandaan ang mga pangalan nila"

"Check his info nalang po" ang binata ulit ang sumagot "Kung ano pong faculty nya,at kung anong oras ang uwi nya"

"Im sorry kid" ang panga

lawang lalaki naman ang sumagot sa binata "Hindi kami nag bibigay ng info sa mga studyante.Umalis na kayo dahil nakakaabala na kayo sa daan"

Saglit nyang tinignan ang daan na tinukoy ng lalaking iyun.Nakita nyang marami rami na ngang nagaantay na tao para makapasok.

"Ganun po ba?" Saad ng binata "Kung ganun nais nalang po naming makausap si Professor Theoden Vixen"

"Si Prof Theo?" Sambit ng naunang lalaki "Ano namang kailangan nyo sa kanya?"

"Hindi rin kami nagbibigay ng inpormasyon" sabay sabay napatingin sa kanya ang apat na kalalakihan dahil sa sinaad nya.

Natuwa sya sa loob dahil nagamit nya kaagad ang bago nyang natutunan.

Ang 'wag magbigay ng impormasyon' "Kilala nya ang Aiden ko" sambit nya "Gusto ko syang makausap dahil studyante nya si Aiden.Alam kong may alam sya sa taong mahal ko kaya sya ang dapat kong lapitan ngayon"

"Mahal mo?" Ang pangalawang lalaki ang nagtaong sa kanya "Kaano ano kaba ni Aiden Further"

Tumaas ang kabilang gilid ng labi nya bago napatingin sa gusaling nasa harap nya ngayon. "Mapapang asawa ko sya" sambit nya "Papakasalan ko si Aiden Further"

Itutuloy…

The Heir temptation (BOOK 2)Where stories live. Discover now