"Tarzan!!"
Ito ang narinig nya mula sa pamilyar na boses sa kanyang tsuhin.Tinatawag sya nito pero wala sya sa sariling nagtuloy tuloy sa labas ng hospital na iyon upang puntahan ang sasakyan nila.Hindi nya ito pinapansin.
"Tarzan! Sandali!" Habol pa nito sa kanya pero nagpatuloy lang sya."Sandali,hindi pa tayo tapos Tarzan!"
Nagtuloy lang sya sa paglakad.Wala talaga syang pakialam sa malakas na tinig nito.Pero saglit itong nanahimik na tila segundo ang hinanda bago muling nagsalita kapagkuwan.
"Brice Greyzson!" Singhal na ni Jack,dito ay natigilan na si Tarzan at napaharap na sa gawi ng tsuhin.
"Totoo nga..." tila may napagtantong saad ni Jack "You are a fast learner... Brice Greyzso-"
"Tarzan" pagtatama nya dito "Ako si Tarzan,u-uncle Jack"
"Sinungaling ka" sambit nito na kinakunot ng noo nya "Wag ka ng mag maang maangan pa Brice,alam ko kung sino kana ngayon.Totoo bang normal kana? H-hindi ka na asal hayop ngayon?...p-pero paano?"
Hindi sya nagsalita sa sinaad ng tsuhin.Pakiramdam nya kasi,tila hinuhuli sya nito.
"This cant be Brice" saad muli nito "Pero paano wala pang gumagamot sayo.Hindi pa kita masyadong napapakonsulta.Hindi ko alam kung natutuwa ako o nangangamba ako.Hindi ko kasi alam ang mangyayari kung isa ka ng ganap na normal.Na baka mas matalino ka na gaya sa naiisip ko"
Pinagmasdan nya lang ang mukha ni Jack.Hindi nya maintindihan pero tila may takot sa mukha ng tsuhin na ipinagtataka nya.Tila hindi ito masaya na nagiging normal na sya,na mas nagiging maayos na ang kanyang pagiisip.
"Sino ba talaga si Aiden?" Kapagkuwang tanong nito matapos ang ilang segundong pagtititigan nila "B-bakit ba hindi mo sya makalimutan?"
"Nasan si Aiden…saan si Aiden?" tanong nya nanaman na tila kailangan nyang sabihin.
Ito lang kasi ang depensa nya.Ang magpanggap na inosente parin ang utak habang hinahanap ang isang taong,kahit ang kaharap ay hindi ito kilala."Gusto sya makita Tarzan,gusto k-ko sya mahanap"
"Pinapaikot mo ako" sambit ni Jack "Pero sige,Tarzan.Pakiusap,wag ka na munang bumalik sa normal please...wag agad dahil may plano pa ako"
Hindi sya gumalaw ng lumapit ito sa kanya upang sapuhin ang pisngi nya.Pinakatitigan sya nito na tila binabasa ang mga mata nya.
"Masama man akong tsuhin kung maituturing" sambit nito "Pero ayokong bumalik ka sa normal Tarzan.Gusto kong manatili ka lang bilang ikaw ngayon,kung ano mang klasing pagiisip ang meron ka.Dahil oo,may plano pa ako.Sa lahat ng mga pinaghirapan namin,hindi mo na deserve ang mapunta sayo ang lahat,ang mana.Patay na si Brice Greyzson.Kaya sana manatili kalang bilang si Tarzan.Wag mo ng subukang ituwid ang lahat"
Hindi sumagot si Tarzan,sa halip ginamit nya ang pagkakataon upang mas magpanggap pa sa nangyayari.
Sakto naman dahil tila tunulungan sya ng paro-paro nang dumaan ito sa paligid.Hindi nya alam kung saan ito nanggaling.Kaya naman gamit nya ito,umakto syang tila mangmang at hangang hanga sa insektong iyun.
Bahagya pa syang lumakad upang habulin ang paro-paro.Narinig nyang ngumisi ang tushin,bumuntong hininga na tila naginhawaan sa pagpapanggap nyang pagiging mangmang.
"Sya parin yan" sambit nito "Si Tarzan parin ang kausap ko.I hope so,pero thank you,hes not normal yet.At sana habang buhay na syang maging si Tarzan…mang mang at walang alam sa mundo"
Tila may kumurot sa dibdib ni Tarzan nang marinig ito sa tsuhin.Pero para mapagpatuloy ang pagpapanggap.Ininda nya ang sama ng loob.
Isang bagay pa ang pumasok sa kanyang isipan na tila nagpapatanong sa kanya ng husto.

YOU ARE READING
The Heir temptation (BOOK 2)
Aktuelle LiteraturSa paghahanap sa dating INIT ng pagmamahal.Ano nga ba ang bagong MAKAMUNDONG kanyang matatagpuan. ®18 Mature content