Mabilis lumipas ang mga panahon para sa isang Tarzan.Pero Tarzan pa nga ba ang tawag sa kanya? O ganap na syang si Brice Greyzson.
Ang segundo ay lumipas,naging minuto ito.Ang minuto ay naging oras at ang oras ay naging isang araw.Ang isang araw,ay naging linggo,dikalaunan naging buwan.
Ngayon,sa tinatapakan nyang panahon,dumaan ang isang taon,kalahating buwan hanggang sa naging limang taon.
Nawala sya na parang ligaw na kaluluwa.Nahanap ng isang pagibig,ngayon,naligaw muli sya.
Hinahanap nya ang dating pagibig na nakatagpo nya.Hindi nya tinatanggap ang bagong pagkatao para lang sa sarili.
Niyakap nya ito para sa binata,para kay Aiden.Gusto nya pagdating ng araw,kung sakaling makaharap nya ang taong minamahal.
Buo na sya,maayos at matalino na sya.May maipag mamalaki na sya dito.Kaya nya na itong ipaglaban at maprotektahan.
Ngayon,kahit tila naliligaw muli.Alam nya na ang direksyon ng pupuntahan.
Kahit mag isang naglalakbay,sa masukal man na kagubatan,o sa kongkretong daan.Alam nya nandyan ang binata,alam nya kung saan sya tutungo,kung saan hihinto.
Naisilang sa muling pagka
kataon ang isang Brice Greyzson.
Lahat nagdiwang,lahat nakisaya.Sa loob ng limang taon sinikap nyang matuto ng makabagong pamumuhay.
Dahil narin sa pagsisikap nya,sa mabilis na utak na meron sya.Naging isang tanyag syang businessman sa bansang kinabibilangan.Totoo nga ang sinabi sa kanya ng isang uncle Ambrose.Balang araw hahawak sya ng malaking kumpanya.
Tinawag nila itong Lord Brice Greyzson company ( LBG company).Karaniwang pinapangalan sa mga bagong uupo sa kumpanyang ito.
Ngayon,sya na ang may hawak nito,pinapalago nya na ito.
Nakuha nya na ang lahat,mga pagkilala,bahay,lupa magagandang sasakyan.
Nakapag patayo pa sya ng isang Bar.The LBG night Bar, short for Lord Brice Greyzson night Bar.
Mismong pangalan nya din ang inilagay sa night Bar na ito.
Nasa kanya na ang lahat,pero hindi ang kasiyahan.
Oo,hindi sya naging masaya.
Hindi sya kuntento,sa lahat ng natamasa nya,may kulang.Kaya naman ang sakit ng nakaraan tila bumabalik sa kanya bilang bangungot.Mga taong ginamit sya,mga taong gusto lang ang laman nya.
Pero huli na ang isa,hindi sya ginamit bilang si Tarzan na may malaking katawan,gwapong mukha at inosente sa mga bagay.
Ginamit sya bilang si Brice Greyzson na magmamana ng malaking kumpanya,malaking negosyo at maraming pera.
Natatandaan nya yun.Ang unang beses nya bilang isang ganap na boss sa kumpanya.
Ang unang beses nya para sa board meeting.Si Alisio Voss the one of the successful business man in the country.Pang walong bilang na successful sa negosyo sa hanay ng sampong mayayaman sa bansa.
Ito ang isa sa mga hakbang nya noon upang makatawid.Kailangan nyang ma-deal ang kontrata sa taong iyun upang umusad sya papataas.
Ngunit naging successful ba sya? O nabigo?
Balikan ang limang taon bago ito lumipas.
Sa unang pagkakataon,bukod sa pagharap nya sa mga tao bilang si Brice Greyzson.Ito ang una ring pagkakataong haharap sya bilang isang businessman.
Si Alisio Voss,ay parang isang pintuan na kailangan nyang buksan para makapasok sa mundo ng mga negosyanteng tao.Nandito ang alas upang umabante kaya alam nya na ang unang paraan nito upang makuha ang gusto.
![](https://img.wattpad.com/cover/349144914-288-k228335.jpg)
YOU ARE READING
The Heir temptation (BOOK 2)
Ficção GeralSa paghahanap sa dating INIT ng pagmamahal.Ano nga ba ang bagong MAKAMUNDONG kanyang matatagpuan. ®18 Mature content