PART 15

168 9 0
                                    

PROFESSOR THEODEN

"Ok class,dismissed" saad nya sa buong klase.

Agad namang tumalima ang halos tatlong pot limang studyante sa loob.Sya naman ay inabala ang sarili sa pagaayos ng mga papel laman ng kanyang aralin at inilagay ito sa kanyang attache case.

Nang masiguro nyang wala na syang dapat pang ayusin sa iiwanang lamesa.Muli syang tumalima paharap sa mga upuan ng mg studyante nya.

Naabutan nyang papalabas na ang dalawa sa pintuan habang nakasunod pa ang isa.Pero bago pa mang tuluyang makalabas ang pang huli,hindi nya alam na tinawag nya na pala ang pangalan nito.

"Aiden..." Sambit nya na kinalingon naman ng binata sa kanya.

Sumenyas sya na lumapit ito sa kanya na agad din namang ginawa ng binata.

"How's your dad?" Tanong nya."Is he's ok,mabuti naba ang kalagayan nya ngayon?"

Nakita nyang medyo nalungkot ang mukha nito bago sumagot. "Nung nakaraang linggo po,sinugod po ulit namin sya sa hospital" sagot nito "Pero ngayong dalawang linggo na ang lumipas.Maayos na ang lagay nya"

Lihim syang napabuntong hininga sa balita ng binata.Si Aiden ay isa sa kanyang mga studyante sa Wild wood Academy.

Kaya naman hindi nya napigilang maging concern kahit papano at magtanong ukol sa nangyari sa ama nito.May sakit ang ama nitong si Mr.Archimed.

Pero hindi pa matukoy ng doctor kung ano.Kaya naman nagpapasalamat sya na maayos na pala ang lagay nito nitong nagdaang dalawang linggo.

Ang hindi nya lang alam,kung bakit tila may lungkot padin sa mga mata ng binata gayong maayos na pala ang ama nito.

"You should be happy" saad nya,kapagkuwan ay nginitian nya ang binata "Your dad will going to be ok.Graduating kana next year.Are you not happy? Nakikisama ang dad mo sa sitwasyon nyo ngayon"

"Salamat po" medyo may kahinaan nitong ani "Sana nga po mag tuloy tuloy na ang magandang lagay nya"

Mahina nya lamang itong sinapit sa braso.Magpapaalam na sana sya  ng mabasa nya ang mga mata nito na tila may gustong pang sabihin,kaya napatanong sya dito.

"May concerns ka ba ngayon?" Tanong nya na ikinatango lang nito.

"Ahm t-tungkol po sana kay M-Mr.Greyzson" naiilang nitong ani "About po dun sa kaso nya,m-makakabalik pabo ba sya sa school"

Biglang naaalala nya ang binatang si Clayton.Simula ng pagbalik ito sa bakasyon mula sa islang pinuntahan.

Umingay ang ugom ugom na balita na nakita na raw ang nawawalang tagapagmana.

Pero kahit kailan,hindi pa nila alam na may katotohanang iyun.Sa pagbabalik din kasi ng binata,ay bigla nalamang nagkaroon ito ng issue sa paaralan.Hindi ito muli pang makakapasok pero ginagawan ng paraan ng kanyang paaralan na makatapos ito ng pagaaral.

Hindi nya din alam ang issue ni Clayton at kung ano mang kalokohang ginawa nito para maparusahan ng paaaralan.

Pero ang masasabi nya,may pera talaga ang mga Greyzson para itago ang katotohanan at palusutin kahit papano ang kaso para lang makapagtapos ang binatang iyun sa paaralang ito.

Nagtataka naman sya kung bakit napatanong si Aiden ukol sa kalagayan ng binata.Gayong ayun sa pagkakaalam nya,hindi magkaibigan ang dalawa.

"Ahm...hindi ko alam kung anong issue ng committee sa binatang iyun e" sagot nya "Pero ansabi daw aasikasuhin parin daw ang paggraduate nito sa school.Alam mo namang mapera ang mga Greyzson hindi ba? Kahit may kaso ang batang yun.Makukuha parin ng mga ito ang gusto"

The Heir temptation (BOOK 2)Where stories live. Discover now