The Beginning

13 0 0
                                    

Chapter 10

Nandito na ako sa room ngayon. Wala pa si Cyrile. Letse, anong oras na ah? Nung hinatid ko sya kagabi sobrang lungkot pa din nya kahit napatawa ko na sya. Sana naman maging okay na sya.

“Hoy pare! Simulan mo na ngayon yung misyon mo. Hindi tayo pwedeng pumalpak.” bulong ni Zach na nakaupo ngayon sa tabi ko dahil wala pa si Cyrile.

“Oo na. Sige na, bumalik ka na sa upuan mo bilis at baka biglang dumating si Cy--” ayan na pala sya. Umalis na agad si Zach at pumunta sa upuan nya. Nalaglag panga ko kay Cyrile. Maganda pa rin sya pero namumugto talaga ang mga mata nya.

Ayoko na muna syang kausapin dahil alam kong wala sya sa mood makipagbangayan.

Lunch break na...

“Uhm. Cy, pwede bang sabay tayong maglunch?” wika ko.

“Ayoko.”

“Pleaaaase? I just want to be your friend” sabi ko gamit ang malambot na boses. Nakapuppy eyes pa ako nyan at pinagdikit ko ang kamay ko para makita nyang nagmamakaawa talaga ako. I know, I’m being desperate now.

“Ge, sunod ka na lang. Bilisan mo”

Ang cold nya. Edi sumunod ako sa kanya sa canteen.

“Ako na o-order ng lunch mo. What do you want to eat?” tanong ko.

“Ayokong kumain. Skyflakes na lang tsaka tubig.”

Ayaw daw kumain ha? Napakatipid naman nito. Diet ba ‘to? Kapayat-payat na nga e nagawa pang magdiet.

Bumili na ako ng lunch namin. Kung anong heavy ng meal ko, sya namang light nung kanya. Akala ko ba mas lalaki pa ‘to sakin? Tss

“Sandali lang, may bibilhin lang ako” sabi nya sabay tayo at--

“Ooops. Sorry miss” wika ng babae. Maganda sya, sexy, maputi, at mahinhin.

Te-teka... Iba yung tingin ni Cyrile dito ah? Hmmm.. Nagkatitigan yung dalawa. Shet! May spark eh. May spark sila. The fuck?!

“Ah eh. Hehe, ays lang ‘yun. Ako nga pala si Cyrile. Ikaw?”

“I’m Aliza. Aliza Freniere.”

“Nice to meet you. Maglalunch ka na? Teka, sabay na tayo.” at agad kinuha yung pagkain nya sa table.

“Ho-hoy Cyrile! Ako yung kasabay mo ah? Wag mo akong iwan. Letse, alam mo ba yung pakiramdam na naiiwan?”

Natahimik saglit si Cyrile. Pagkatapos ay inirapan ako. At iniwan dun. May mali ba sa sinabi ko?

Umupo na silang dalawa dun sa table at nakita ko silang nagtatawanan. Iba yung ngiti at tingin ni Cyrile kay Aliza. Hindi ako napaparanoid pero takte halatang-halata talaga e.

Umalis ako sa pwesto ko pagkatapos kong kumain at pumunta sa table nila.

“Aaaaah!” shit! Napatili ako. Sino ba yung nakabunggo sakin?! Tangina parang hinahabol ng cheetah aba. Cheepain kita e.

Lumingon ako at--

Problema nila? Lahat sila nakatingin na sakin.

“Hahahaha. Beki si Fafa Tyler! Wahaha. Lamya mo! Kung makatili talo pa babae haha!” sigaw ni Cyrile at nagtawanan lahat ng nasa canteen ultimo mga nagtitinda dun.

“Sayang!! Ang pogi pogi pa naman nya pero beki pala sya. Huhu.” narinig ko pang sabi ng babae.

Wala akong pake. Nays Zach! Bilib ako sayo par.

Umupo na ako sa tabi ni Cyrile.

“Uy be, malapit na ang next class natin. Tara na be. Baka malate tayo nyan.” sabi ko gamit ang malambing at malambot na boses.

O____O

Ganyan ang mukha nila. Hahaha yes yes. Unti na lang mapapaniwala ko na ‘to.

“Ah eh. Sige Aliza una na kami. Kita na lang tayo mamaya ha?” sabi ni Cyrile at kumindat pa. Bilis dumamoves ah. Talo pa ‘ko.

Naglalakad kami sa corridor nang bigla syang nagtanong gamit ang seryosong mukha.

“Pare, aminin mo nga sakin, bakla ka ba? Kasi, parang bakla ka talaga e. Ang lambot mo.”

“Ah eh, maya na lang tayo mag-usap nandyan na si mam.” sabi ko sabay takbo. Bago ako pumasok sa room ay nilingon ko sya. Binigyan nya ako ng isang nagtatakang tingin na para bang sinususpetyahan ako.

Sa ngayon, hahayaan ko muna syang magtaka. Hahayaan ko syang makahalata atsaka ko aaminin sa kanya na bakla ako. Kailangan ko munang mapatunayan na tama ang suspetya ko.

Humanda ka Cyrile, papalambutin ko ‘yang tibo mong puso. Papaibigin kita. Papaibigin ka ng isang baklang tulad ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mission XXX: Magpanggap na BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon