Bekinary?

86 1 0
                                    

Chapter 5

"Pare.. huhu ang sakit ng ulo koo..." daing ni Gan

Nandito ako sa mini bar kung saan sila natulog.. May aircon naman dito at sa malaking sofa sila mga nakatulog.. Alangan naman gisingin ko pa 'to o kaya buhating 'tong mga kumag na ito? =_____=

"Pare.. Masakit na nga ang ulo ko, masakit pa ang puso ko.. huhuhuh.. iniwan na ako ng mga babae ko pare..." sabi ni Zach

"Haha.. Kayo eh, iinom inom kayo." sabi ko

Bakit ako hindi nalasing?? Bakit ako hindi masakit ang ulo?? Hmm.. Ewan ko din e.

"Par, pwede bang makipagkaibigan sa kapatid mo?" out of the blue'ng tanong ni Kin

Arghhhh! Hay*p talaga itong si Kin! Hindi ko pa din nakakalimutan yung sinabi nya kagabi!

"Hoy. Tara kain na tayo sa baba." Aya ni Vic.

Aba't ang kapal talaga.. De biro lang. Simula't sapul naman eh feel at home na sila sa bahay kapag nandito sila. At ganun din naman ako 'pag nasa bahay nila so quits lang

"Mabuti pa nga. Ng mahimasmasan naman ang pagka-bangag nyo." sabi ko

After kumain ng umagahan e napagdesisyunan nilang umuwi na sa mga lungga nila.

At ako?? Umakyat na sa kwarto at naglalaro ng SF (Special Force)

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalaro nang..

*teeeeet teeeeeet*

Hindi ko muna pinansin ang text na iyon dahil baka mamatay ako!

*teeeeet teeeeeet*

Ang ingay! Eh. Malapit nang maubos ang kalaban!

*teeeeet teeeeeet*

*teeeeet teeeeeet*

Pshhhhh! Ayan namatay na ako. Lintek naman oh!

Inis kong binuksan ang messages.

Gan:

Ty, tumawag sakin si boss. Kailangan daw natin pumunta sa Salvrid mamayang 5pm. Hindi ka pwedeng mawala. Ang sabi nya we need to prepare for our mission.

Ako:

K, fine.

Ano ba naman yan! Nakakatamad.

Vic:

Tyler, mamayang 5pm daw sa Salvrid. Pumunta tayo.

Ako:

Ok

Tssss,

Kin:

Hey. 5pm daw. Salvrid

Ako:

Fine

Paulit-ulit??!

Oh kay Zach?? Ano to uulitin nya din?? PSH

Zach:

Tyler Cruz!! Haha.. Siguro nasa isip mo na uulitin ko noh?? Haha.. Nagkakamali ka :p I texted you to ask kung may chixx ba sa Salvrid? Hehe.

Ako:

T@r@nt@do!

Tssssk. Etong si Zach panay babae ang nasa isip!

Naligo na ako at nagbihis.. Anong oras na kaya?? I looked at my phone and it's already 4pm.

After kong magbihis ay bumaba na ako. Nakita ko si Sabel sa salas.

"Sab, alis lang ako ah? Nandyan naman si manang so 'yung bahay paki-bantayan ha? Kung aalis ka naman just text me." sabi ko at lalabas na sana ako nang...

Mission XXX: Magpanggap na BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon