Meeting Again...

53 2 0
                                    

Chapter 7

Nakauwi na ako sa bahay. Nakakabadtrip.

"Oh, kuya? Saan ka galing?" tanong ni Sabel

"Hi. Ang chopopo naman ng iyong shupatid, Sab. Kahit kailan talaga. Hihihi" sabi ni.. Tss. Si Galdo este si Gally.

"Kumain na kayo?" tanong ko.

"Actually, nagdala ako ng food for Sab. And meron din akong dala para sayo. Eto oh. Hihi" sabi nya habang inaabot sakin yung..chocolates??

"Anong gagawin ko dyan?" tanong ko.

"Isabon mo yan sa katawan mo kuya." sabi nya sa sarkastikong tono..

Tinanggap ko yung chocolates nya at nilagay sa ref. Si Sab din naman ang kumakain ng mga binibigay sakin ng bakla nyang kaibigan eh. Akalain mong sarili nyang kapatid pinagseselosan nya?! Pwe. Kadiri. Mas okay pa kung si Kin kesa ditong sa Gally'ng ito. Kadiri talaga.

"Nasa lamesa yung mga dala kong pagkain. Kung gusto nyong kumain ayan ang ulam. Si manang, tawagin mo na din." sabi ko at umakyat na sa taas.

"Ano kaya ang problema ng aking fafabells?" sabi nung bakla.

"Wala. Hayaan mo na nga lang yun! Wag mo na syang pansinin. Ako na lang ang pansinin mo. Hihi.." sabi naman nitong si Sab. Tss.

Pumasok na ako sa kwarto at naglinis ng katawan. Pagkatapos eh nagbukas ako ng facebook.

Pagkabukas ko ng facebook ko.. Aba, 314 friend requests, 450 notifications at 200 messages.

Kaya ayokong magfafacebook eh. Lagi na lang ganyan. Pero syempre nagbukas ako ng fb ko ngayon dahil gusto ko lang makita yung si Cyrile Leighton.. Lanju kasi sina Zach di man lang ipinakita sakin kahit silay man lang. Pshh.

Sinearch ko na yung Cyrile Leighton and as I've expected..madaming lumabas na pangalan... Tch. Nakakatamad naman. Makikita at makikita ko naman 'yun eh. Makapag-SF na nga lang.

Kinabukasan...

*kriiiiiing* *kriiiiiiiing*

Ugh. Ang ingay naman.

Ano ba yun? Alarm clock?=_______=

*kriiiing* kriiiiing*

Psh.

"Hello?" sabi ko. Inaantok pa ako =O=

"Pare! Anong oras na?! May meeting nanaman tayo ngayon. Pinapatawag tayo ni boss. Dito sa Salvrid ha, Maligo ka na, lanja ka. Bagong gising ka pa lang. Tinde mo din e. Maganda ba yung chixx na inano mo? Napuyat eh.. Baka hanggang madaling araw ha." sabi ni Zach

"G*GO KA TALAGA! Napuyat ako sa SF. O'sya. Maliligo na ako. Bye" sabi ko and I ended the call.

Matapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako.. Nagugutom na ako eh.

"Good morning, manang." Bati ko.

"Aba bagong gising ah. Good morning, apo. Kumain ka na.." sabi nya.. Kung nagtataka kayo kung bakit apo ang tawag nya sa amin at manang ang tawag namin sa kanya, kasi gawa ng matagal na syang nagtratrabaho dito sa bahay namin. Hindi pa daw ako ipinapanganak ay nandito na sya kaya ayun.. Kung itinuturing nya kaming apo, itinuturing naman namin s'yang lola.

Matapos kong kumain ng umagahan ay NAGSIPILYO NA AKO. Wait, nagsisipilyo naman talaga ako ah? COLGATE PA NGA EH ^^

"Manang, si Sab po?" tanong ko..

"Ah si Sab? Ayun. Umalis..may kasamang bakla" sabi nya

Psh. Umagang-umaga kasama nya yung lintik na baklang yun?! Kagabi magkasama na sila ah?! Baka kung ano na ang ginawa sa kanya nung baklang yun!

Mission XXX: Magpanggap na BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon