Untitled (Part 1)

70 2 0
                                    

Chapter 3

Matapos naming pumunta sa dike eh eto kami ngayon.. Sa garden (malaking garden) ng bahay namin.. Mayaman nga pala kami kaya malaki ang bahay namin. HAHA yabang e. Basta yon, basta mayaman kami.

"Pareng Ty, ano game? Inuman tayo dto sa mini bar nyo" sabi sakin ni Gan

"Sige. Tara. Wait, bibili ako ng Empe. Gusto kong matikman yun eh. Maiba iba naman." sabi ko

"Sige pare, samahan na kita. Tas pwede bang mag-uwi ka dito sa bahay ng chixx? Yung madami pare para mas masaya!! Ohhlala!!" sabi ni Zach

Loko loko talaga -_______- babaerooow

"Sige lang. Wala naman sina mama at papa eh. Pero si Baby Sabel andyan. Kaya di tayo pwedeng magsobra sa pag-iingay.. Baka magalit yun. May pagka-maldita pa naman yun." sabi ko

Hayyy. Ang aking baby girl.. Malaki na ngayon.. Yun nga lang may pagka-maldita pero sweet yun...

"Pwede ko ba yun ligawan tol?" tanong sakin ni Kin

"Loko! Wag na wag mong liligawan yun. Alam kong babaero ka at isa't kalahating gago." sabi ko

"Hahahaha chill. Nagbibiro lang ako. Wow sukat na sukat ang pagkagago ko ha. Hahaha nagbago na ako!" sabi nya

"Osya osya. Bumili na kayo nang makapagsimula na tayo." sabi ni Vic

Umalis na kami at pinapasok ko na sila sa loob ng bahay namin...

Nakamotor kami ngayon ni Zach.. Sya driver at ang p*ta napakabilis magdrive! Kulang na lang liparin na ako eh. Walanju.

Kin's POV

Ohohoy! Nauna pa akong magka-POV kaysa sa mga kabarkada ko. Hahaha anywayyyyys, kahit kailan talaga ang ganda ng bahay nila Tyler. Di ko sya madescribe kasi di naman ako magaling sa mga style ng bahay eh kaya di ko masabi sa inyo basta MAGANDA sya. Super lakiiii. Ilang taon na din kaming hindi nakakapunta dito. If I am not mistaken, grade 4 pa kami nung huli kaming nakapunta dito. Lagi kami kasi sa dike eh. Pero yung bahay nila... Halatang pang-mayaman talaga. Well oh well mayaman din naman ako pero hindi nga lang kasing yaman nila. Uber sila eh.

Nag-uusap sila about sa inuman na yan.. Wala akong pakialam.. Di ako nakikihalubilo.. Nililibot ko lang ng tingin ang bahay ni Tyler.. Nandito kami sa garden nila.. Ang ginhawa... Kulang na lang magtayo dito ng paaralan eh sa sobrang laki! Garden pa lang yun ah? Hmm...

"Sige lang. Wala naman sina mama at papa eh. Pero si Baby Sabel andyan. Kaya di tayo pwedeng magsobra sa pag-iingay.. Baka magalit yun. May pagka-maldita pa naman yun." sabi ni Tyler

Yun lang ang narinig ko sa usapan nila.. Sabel huh?? Pang-inosenteng pangalan.. Hay basta babae talaga ang talas ng pandinig ko. Hahaha

"Pwede ko ba yun ligawan tol?" tanong ko.. Hahaha mabiro nga itong isang 'to.. Pero parang may nagtutulak nga sa akin na ligawan ko yun kahit hindi ko pa sya nakikita..well kami nila Gan at Vic di pa namin nakikita yun except kay Zach. Hahahaha. Haist! Kung anek anek ang iniisip ko baka epekto lang 'to ng pagkababaero ko..

"Loko! Wag na wag mong liligawan yun. Alam kong babaero ka at isa't kalahating gago." sabi nya

HAHAHAHA overprotective ang koya.. Sa bagay, wala naman akong kapatid eh. Kaya di ko alam ang pakiramdam ng may kapatid.

"Hahahaha chill. Nagbibiro lang ako. Wow sukat na sukat ang pagkagago ko ha. Hahaha nagbago na ako!" wushuuuu. Nagbago na nga ba ako? Hahaha

"Osya osya. Bumili na kayo nang makapagsimula na tayo." sabi ni Vic

Hmm.. Pansin ko tahimik si Vic. May problema kaya ito?? O.o

Pinapasok kami ni Tyler sa loob ng bahay nila atsaka umalis.

Mission XXX: Magpanggap na BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon