Year 2002
Inilibot ko agad ang mata ko sa loob nang bahay, nagising nalang kasi ako na wala na sa tabi ko sina Mama at ang bunso kong kapatid."Mama ko?" Medyo paos na tawag ko sa kanya dahil nga sa kakagising ko lang din. Nasaan na kaya sila? Tumayo ako mula sa banig na hinihigaan naming tatlo ng kapatid ko. Agad naman akong tumungo sa kusina upang tignan kung andoon sila... pero wala. Nasaan na sina Mama?
Gumilid ang mga luha ko sa mata "M-Mama!?" Pasigaw na pagtawag ko ulit sa kanila. Ayokong isipin na baka iniwan na nila ako.
Kung iniwan nila ako... hindi naba nila ako mahal? Hindi ba ako naging mabuting kapatid at anak? Bata pa ako ah... bakit niya ako iniwan
Ang kaninang luhang pinipigilan ko ay lumabas na dahil natatakot ako na baka iniwan na talaga nila ako, sinusubukan kong isipin na baka umalis lang sila ni Gela dahil may binili pero wala. Naiiyak pa rin ako.
Bumalik ako sa pagkakahiga sa banig at niyakap ang maliit na unan ni Gela tsaka ako humagolgol sa iyak. Hindi na nila ako mahal dahil iniwan na nila ako.
Unang nag-iwan sa akin si Papa dahil ayaw niya sa akin, ngayon naman sina Mama at Gela na. Paano na ako ngayon? Bata pa ako hindi pa ako marunong mag trabaho at itlog lang ang kaya kong lutuin tsaka saan ako kukuha ng kakainin ko— naputol ang pag-iisip ko nang tumunog ang kandado sa gate namin.
Dali-dali akong tumakbo papuntang pintuan na may ngiti, pero agad din naman iyung napawin ng makita kong hindi naman si Mama ang pumasok.
"Ate Margie?" Pabulong na tawag ko sa kanya. Agad naman siyang lumapit sa akin na may dalang bag na kasing laki ko, bagahe ata ang tawag doon.
Hindi ako pinansin ni Ate Margie, bagkus, dumeritso siya sa loob ng kwarto at inimpake ang mga gamit ko, gamit ko lang ang iniimpake niya.
Hindi niya ako kinakausap at hindi ko rin siya kinakausap o tinatanong, soya ang may ari ng bahay nato kung saan kami nakatira. Bakit kaya siya nandito? Siguro hindi nakabayad si Mama kaya papalayasin niya ako.
Nang matapos na ay ginuyod niya ang malita, kinuha niya rin ang kamay ko sabay ginuyod niya ako papuntang pintuan.
"Gelo." Tawag niya sa akin, hindi agad ako umimik at timitignan lang siya. "Nagpaalam sa 'kin si Mama mo, umalis sila." Dagdag pa nito pero hindi pa rin ako iimik.
"Sorry talaga Gelo, ha? Kukunin na kasi ng Nanay ko ang bahay, total wala na rin naman si Mama mo rito." Sabi pa nito sa akin at inayos ang buhok ko.
"Sino napo mag-aalaga sa akin? Saan po ako titira?" Basag tinig na tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya. "Huwag ka mag-alala, ihahatid kita sa bahay ampunan, baka doon may mag ampon sayu, diba? Tsaka maalagaan ka doon ng nga Madre, at alam mo ba, maraming bata roon na pwede mo maging kaibigan, okay ba sayo 'yun?" Hindi na ako umimik at yumuko nalang.
"Tara na, Sorry ha?" Wala sabing iginuyod niya ako palabas ng bahay at agad sumakay sa nakaparada nilang motor na pinapasada ng asawa niya.
"Sa bahay ampunan tayo." Rinig kong utos niya sa lalaki.
Habang umaandar ang tricycle ay nakabaling lang ang tingin ko sa bahay namin. Habang playo ng palayo ang sinasakyan namin ay hindi ko na nakikita ang bahay.
Kapag nasa bahay ampunan na ako hindi na ako makakabalik sa lugar na 'to, namimiss ko sila ni Mama at kapatid ko. Sana... sana mamiss din nila ako.
Nangmakarating kami sa sinabing lugar ay maraming tao roon, kabipang na ang mga kapwa ko bata at ang iilang mga Madre.
"May kailanggan ho ba kayo?" Bunggad sa amin noong isang Madre nang makapasok sa lugar.
YOU ARE READING
The Time it Took to Fall
RomanceIn the beach of nowhere, she found herself falling in love with the guy she had hated for half of her life, unexpectedly finding in him the shores of her desires. Gelione Enigo Hechanova Reiane Elyse Hermosa