Tahimik akong nakaupo sa upuan ko ngayon habang nanunuod ng paborito kong series sa netflix. Wala ngayon si Cass dahil pinuntahan yung boyfriend niya sa kabilang building sabay daw kasi silang kakain ngayon kaya eto ako ngayon mag-isang kumakain. Lunch na ngayon pero itong brownies lang na binake ko kagabi ang kinakain ko ngayon, nakakatamad pumunta sa cafeteria eh
Nakasuot ako ng earpods ngayon para feel na feel ko ang intense sa pinapanuod ko, malapit na ako sa climax ng maramdaman kong may pumasok sa room at tumabi saakin, akala ko si Cass pero nakita ko si Claxton sa peripheral vision ko na nakikisilip sa pinapanood ko. 'di ko na sana siya papansinin pero kinuha niya yung isang earpods ko at sinuot
"Hoy hindi ka man lang magpaalam" reklamo ko
"I can't understand eh, oh ayan na" sabi nito at tinuro ang pinapanuod ko, pinabayaan ko nalang siya at nanuod nalang, nasa climax na kami at kinakabahan na ako sa mangyayare ng mapansin ko ang pasimpleng kamay ni Claxton na sumisimit ng brownies ko
Hinampas ko agad ang kamay nito
"Aww Keisha masakit" sigaw nito at hinimas himas ang kamay niya, ngumuso siya sa harapan ko "hihingi lang naman eh"
"Kung gusto mo humingi ka" sabi ko, hinintay ko siyang makiusap na humingi
"Pwede humingi?" pinigilan kong matawa sa itsura niya ng inangat niya ang dalawang palad niya kaya para na siyang batang pulubi ngayon "Pwede humingi ng kiss?" dagdag niya at nag puppy eyes
Siraulo talaga toh, inambahan ko siya ng batok "joke haha I'm just kidding" sinalag niya ang pambabatok ko habang tumatawa kaya binaba ko nalang ang kamay ko
"Can I have some brownies?" ngayom seryoso na siyang nanghihingi kaya naman nilagay ko sa gitna namin yung baunan na pinaglagyan ko ng brownies, ngumiti ito at kumuha
Nirewind ko ng ilang seconds yung pinapanuod namin dahil namiss namin yung mga scene dahil sa mga kalokohan ng isang toh
"mm ang sarap nito, saan mo toh nabili?" sabi niya, sinulyapan ko siya at sarap na sarap naman siya sa kinakain niya
Umiling-iling ako "Gawa ko 'yan hindi ko binili" sagot ko, gulat siyang tumingin saakin,pero yung tingin niya parang hindi naniniwala "gawa ko yan, binake ko yan kagabi, ano akala mo sakin hindi marunong?"
"seryoso?" tanong niya ulit. Akala yata niya nag bibiro ako, ang galing ko kaya mag bake, hindi nga lang ako nag nenegosyo dahil hindi ako confident masyado, baka hindi naman kasi ako maka benta, baka masayang lang
"ay hindi" sarcastic kong sagot
"ang sarap, gawa ka ulit nito bukas ha hihingi ako" luh! Ano siya sineswerte? "Ba't hindi mo binebenta? Ang sarap kaya, legit" hindi ko na siya sinagot
"pero lunch time na ito lang kinakain mo? Kumain ka na ba?" tiningnan ko siya at umiling "ba't hindi ka kumain ng maayos na pagkain?" nag-iba ang tono ng pagsasalita niya, para siyang naging nanay ko ah
"Maayos naman toh ah, kakasabi mo lang masarap"
"Masarap nga pero.." tumigil siya na ikinataka ko, pero ano? "Tara sa cafeteria kumain ka ng maayos" kinuha niya yung phone ko at tinakpan ang brownies bago niya ako hinila palabas ng room
"oy hala teka" nagpumilit akong bumalik sa room pero hinila niya pa ako kaya wala akong magawa kundi sumunod nalang. Nang makarating sa Cafeteria naka simangot ako at masama ang tingin sa likod niya, ayoko nga kasi, mapagpilit 'tong isang toh
Umupo kami sa bandang gilid pero malayo sa ibang mga istudyante, may kalayuan kasi ang distansiya ng pwesto namin sa ibang tables, mukha tuloy siyang VIP seat. Inangat ni Claxton ang kamay niya at mabilis na lumapit ang isang lalake na waiter ata, naka suot kasi ito ng parang waiter kaya I assume na waiter siya
YOU ARE READING
How can I move on when I'm still inlove with you
Teen FictionIt's over. We're finally over. I'm moving on Yeah that's the right thing to do But how? How can I do that? How can I move on when I'm still inlove with you?