"Everyone will go in front one-by-one then introduce yourself" kalmado pero ramdam mo ang pagkaistriktong sabi ni sir Erwan
"Lets start with ms. Abangan, go in front please" dagdag nito, tumayo ang isa naming kaklase at nagpakilala sa harapan
"Hi, good morning everyone, my name is Feb Abangan and Im.." 'di ko na napakinggan ng maayos ang pagpapakilala niya dahil busy ako mag isip ng mga sasabihin ko kapag ako na ang sunod
Di kaya magka bulol bulol ako sa harapan? 'wag naman sana
"my name is.. is 17 years old.." di ko mapigilang matawa sa katabi ko
" 'wag mo nga 'kong tawanan" reklamo nito
" ano ba kasing my name is 17 years old haha tanga" pang aasar ko sakanya
"namoka kinakabahan kasi ako" 'di ko nalang siya pinansin at nag practice nalang ng sasabihin ko
"next, miss Yokoumura" tumayo agad ako at pumunta sa unahan
Hingang malalim, buga, relax
"Hi, good morning sa lahat, my name is Keisha Shenzi Yokoumura, I'm 17 years old" pagpapakilala ko
"Talent?" tanong ni sir
"wala po akong talent pero motto meron"
"okay go on, what's your life motto?"
hindi ko na sana sasabihin toh dahil nakakahiya kaso bahala na"my motto in life ay 'wag magmahal ng kaklase, dahil pagkatapos ng pasukan iiwan ka rin niyan" nagtawanan ang mga kaklase ko, pinangungunahan ni Cass, tuwang tuwa palibhasa siya nag turo sakin nun, napapikit ako sa kahihiyan, lupa eat me please
"dapat na ba akong magpalipat ng section para mahalin ka?" napalingon kaming lahat sa lalaking naka sandal sa may pintuan ng room, naka cross ang braso nito sa dibdib habang nakatingin saakin
"Mr Claxton you're late" seryosong sabi ni Sir
"Sorry sir nalito kasi ako kung nasaan ang tamang classroom, kung saan saan na ako pumunta, 'andito lang naman pala" sagot nito, tumingin pa ito saakin habang sinasabi ang huli nitong sinabi, napangiwi tuloy ako ng wala sa oras, napansin rin ata iyon ng iba naming kaklase kaya nagsigawan ang mga ito
Bumalik nalang ako sa upuan ko at pasimpleng siniko sa Cass na iba kung makatingin
"Kakasabi lang na wag magmahal ng kaklase pero parang nahulog ka na 'ata jan" nanunuksong sabi nito at mahina akong kinurot sa tagiliran
"Di ko type" mataray na sagot ko
"huy gwapo kaya si kuya tignan mo bagay kayo" napataas ang kilay ko kaya tumawa ito ng malakas pinagalitan tuloy
"Please quiet miss Garcia" saway ni sir kaya pati ibang kaklase namin tinignan kami, pinandilatan ko si Cass at sinaway, ang ingay kasi kulit
"Please continue Claxton" dagdag ni sir at sumenyas na magpatuloy sa pagsasalita yung lalake kanina na nasa harapan na ngayon para magpakilala
tinignan ko yung lalake, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, may good looks pero mukhang walang good attitude, puno ng kayabangan makikita mo sa tindig palang niya
"I'll repeat, My name is Reinkarl Claxton, I'm a lowkey person so you don't need to know much about me, but if you want just come approach me" mayabang na pagpapakilala niya, see my instinct are always right
Pagkatapos niyang magpakilala ay naglakad na ito papunta sa likod at umupo sa bakanteng upuan katabi ng bintana, ng magtama ang mata namin kumindat ito, nangunot ang nuo ko, tinarayan ko nalang siya at ibinalik ang tingin sa unahan, baliw ata yun
YOU ARE READING
How can I move on when I'm still inlove with you
TeenfikceIt's over. We're finally over. I'm moving on Yeah that's the right thing to do But how? How can I do that? How can I move on when I'm still inlove with you?