Ang tahimik sa loob ng sasakyan dahil wala saaming dalawa ang nag sasalita. Tanging tunog lang ng makina ng sasakyan at tunog ng aircon lang ang naririnig ko at super awkward talaga. Kanina ko pa gustong mag ingay para naman hindi masyadong awkward pero wala naman akong maisip sabihin.
Hindi pa kami close masyadong dalawa nitong si Claxton pero sa ilang araw na kasama ko siya nasanay na ako na maingay siya, madaldal, laging nang iinis, at mayabang na feelingero siya. Pero ngayon ang tahimik niya, hindi lang tahimik, ang seryoso pa ng mukha niya. Walang malisya toh ha pero kanina ko pa siya sinusulyapan, mukha kasing problemado siya ngayon, tapos yung isip niya parang nasa ibang planeta
Kaya nung makita ko ang isang bata na mag isang tumatakbo papatawid sa kalsada sumigaw agad ako, nagulat si Claxton kaya bigla niyang inihinto ang sasakyan. Dahil sa ginawa niya kahit naka seat belt ako ay nauntog pa rin ako sa Glove box, at no joke ang lakas ng impact nun.
"Shit, Keisha why did you scream? Maaaksidente tayo dahil sa ginawa mo" sigaw ni Claxton mukhang wala pang alam sa nangyare
"Gago ka mas maaksidente tayo kung hindi ka huminto, hindi mo ba nakita yung batang tumatawid? Tignan mo muntik mo ng masagasaan" sigaw ko sakanya pabalik habang iniinda ang nuo kong nananakit dahil sa pagkakauntog
Timingin siya sa unahan at doon nakita yung batang tumatakbo sa gitna ng kalsada, hinahabol pala kasi yung bola nito na napadpad sa kabilang kalsada, may isang babae rin ang humahabol sa bata, mukhang siya yung nanay. Nang magets kung ano ang nangyare napahawak siya sa sentido niya habang napayuko sa manibela
"I'm sorry, I-Im just.." natigil siya sa sinasabi niya ng tumingin siya saakin "Shit anong nangyare sayo? Patingin nga" napangiwi ako ng paharapin niya ako sakanya at hawakan ang nuo ko
"aray ko masakit" reklamo ko
"I'm really really really sorry" sabi nito, kita ko naman ang pagiging sincere nito kaya tumango nalang ako
"ayos lang, pero yung nuo ko hindi, mukhang magkaka bukol pa ako eh"
"Sorry talaga Keisha" sabi nito ulit. Kitang kita mo sa mukha niya ang pag aalala at pag sisisi kaya sinabi ko ulit na ayos lang
"dalhin na kita sa hospital teka lang" nagulat ako sa sinabi niya, handa na siyang magpaandar ulit ng sasakyan pero pinigilan ko siya
"uy bukol lang toh hindi na kailangan mag punta sa hospital" lumingon lingon ako sa paligid at may natanaw akong 7/11 at itinuro ko ito " dun nalang bumili nalang tayo ng yelo"
Hindi pa sana siya sangayon, ngumiti ako para mapanatag ang loob niya at sabihing ayos lang talaga ako, wala siyang magawa kaya naman pinaandar niya ang sasakyan at nag park kami sa gilid ng 7/11. Bumaba kami at naglakad papasok, nakahawak siya saakin habang inaalalayan maglakad na akala mo isa akong imbalido, pilit akong bumitaw at lumayo sakanya
"Ayos nga lang ako Oa mo" inis na sabi ko.
Ngumuso siya. Inunahan ko na siyang pumasok sa loob "nag aalala lang eh" rinig kong sabi niya bago ako tuluyan makapasok kaya natawa ako ng mahina.
Dumeretso ako sa counter para magtanong kung saan ang yelo at itinuro naman nung ale kung saan kaya duon ako pumunta, kumuha ako ng yelo at bumalik ulit sa Counter. Nandoon na si Claxton habang may dalang dalawang Ice cream. Paglapit ko akala ko Cornetto lang pero nakaka shit, Magnum bro
"A-ahh Claxton l-libre mo naman diba?" nauutal utal na ako dahil ang titoo wala akong pera para sa magnum ngayon, nag titipid kaya ako, kaya kahit naglalaway ako dahil sa magnum na nasa harap ko ngayon nakakaiyak dahil wala akong pambili
YOU ARE READING
How can I move on when I'm still inlove with you
Teen FictionIt's over. We're finally over. I'm moving on Yeah that's the right thing to do But how? How can I do that? How can I move on when I'm still inlove with you?