CHAPTER SEVEN: CONCEAL, DON'T FEEL
Jeni
NATULOY ako sa pagsama kay Thirdy at sa isang restaurant sa loob ng sikat na hotel niya ako dinala. Nasa sasakyan kami noong marinig ko na nagpapa-reserve siya ng lounge para sa aming dalawa. Akala ko simpleng lounge lang iyon kaya nagulat ako ng makitang solo namin ang lugar. Kita namin iyong ibang customer mula sa taas pero hindi ko sigurado kung kita nila kami.
"They're clueless what we're doing here. Only few can access this lounge," ani Thirdy na sumagot sa iniisip ko.
"You're one of the few, right?" Huminga ako ng malalim. "Gaano kayaman ang mga De Luna?"
"We're living a normal and comfortable life, Jeni."
"Iyong normal niyo, malayo sa normal na alam ko."
"Can we not argue about that? Inaya kita rito para kumain tayo, hindi magtalo." Akala mo kasi mananalo ka sa akin. Future lawyer kaya ako, hmp! "You can order whatever you want without thinking about the bill. Ako na bahala sa lahat."
"Ang galante mo naman, Atty,"
"Thirdy. Call me Thirdy because we're not in the office. Besides, ayoko isipin ng mga staff na sobrang tanda ko na."
I tried to conceal a smile. Hindi naman siya mukhang matanda. Baka nga magkalapit lang edad namin. Matured looking lang talaga kapag lawyer pero gwapo pa rin siya.
Okay, hindi ko dapat siya pinupuri. The plan in my head was to push him away. Kaya pagkatapos nitong dinner, papayag ako na maging dessert niya pagkatapos ay tapos na kami. Hindi ko kaya na may distraction kapag pumasok na ako sa law school at gano'n si Thirdy. Saka masyado na siya maraming nalalaman tungkol sa akin.
"Ano sunod dito pagkatapos? Do you also have a reservation in this hotel too?"
Thirdy chuckled. "Nice try, but I'm not going to fuck after this. I want a companion, and don't worry; I'll pay you the same amount I paid before."
Bumagsak ang balikat ko. Mission failed agad nagtatanong pa lang ako sa kanya. At kailangan pa talaga niya diretsahang sabihin na hindi niya gagalawin ngayon.
"Hindi naman ako mukhang pera. . . medyo lang at kailangan ko rin talaga kasi mag-aaral ako."
"Ano'ng plano mo pagkatapos mo sa law school?"
Umiling ako. "Hindi ko pa naiisip iyan. All I want is to get a LAE reviewer, pass the exam and enter the law school. Saka ko na iisipin kapag malapit na ako sa katotohanan."
"You don't believe in manifesting power?"
"Bakit naka-graduate ka ba dahil nag manifest ka lang?" Tumawa si Thirdy na hindi ko inasahan. "Puwede ko ba malaman kung saang school ka nagtapos?"
"U.P. Law School." Pasimple ako nag-search sa aking cell phone tungkol kay Thirdy habang hindi pa ako maka-decide ano ang kakainin. "Stop searching about me. You can ask and I will answer you right away."
Meron siyang juris doctor degree saka master of laws at mukhang nagpaplano pa na kumuha ng doctor of juridicial science. Ang sipag naman mag-aral ng isang ito. Kaya ko kaya siya gayahin? Pero iyong makapasa lang sa bar examination ay biyaya na maituturing at pera rin ang kailangan para makakuha ng mga degree.
Sa ngayon, lakas ng loob, charms at diskarte lang ang meron ako.
Lumunok ako bago nagsalita. "Wala naman akong itatanong sa 'yo."
"Are you sure?" Lalong hindi ako nakapagsalita ng bumalik na iyong waiter na nagbigay menu sa amin. "I'll go with pan-seared steak with garlic butter and baked sweet potatoes."
BINABASA MO ANG
Her Perfect Imperfection
RomanceJeni is living two lives a day. An alter ego she's been hiding from everyone else. It is a secret life indeed. A secret life is hidden in a mask, red stiletto shoes and a sexy outfit. She's the lost Eve in the den of sins who needs saving. The job m...